Chapter thirty seven- Mommy's duty

698 12 0
                                    

The next day ay ganon parin ang routine ko araw araw. Ngayon ay nandito ulit kami sa harap ng restaurant na lagi naming pinagkakainan ni Dark, niyaya ulit akong mag lunch.

"How's your day?" Tanong niya sabay lapag ng baso nang tubig.

"Okay naman, nakasanayan na ang gawain sa office. Ikaw?" Balik tanong ko,

"Okay rin, hindi na masyadong hectic yung schedule,"

"Mabuti naman."

Ganon lang ang kwentohan namin hanggang sa bumalik na kami sa office.

Nag daang mga araw ay wala masyadong gawain, puro revised nga lang ang ginagawa ko,

“Good morning Miss Montiesh," gulat akong napalingon sa intercom sa likod ko. "Can I come?"  Sasagot pa sana ako ng bumukas na ang pinto.

"Oh?" Gulat ko paring tanong,

"Good morning po," he greeted. I'm familiar with him, nasa thirty floor lang ata yung floor niya kasi minsan ko na rin ’tong na kasabay sa elevator.

"Good morning, what is it?" Tanong ko dito,

"May ibibigay lang po sana ako," at tinaas ang isang paper bag.

"Come here," lumapit siya at nilapag ang dalang paper bag sa mesa ko.

"Sinigang na baboy at adobong manok po iyan, napa sobra ang luto ko kanina kaya naisip kong bigyan ka," aniya sa pormal na boses.

"Talaga?!" Paborito ko pa naman ang mga to,

"Yes ma'am. Sana ’wag n'yo pong masamain at sana magustohan n'yo," nahihiyang saad niya. Moreno siya at matangkad, maganda din ang hugis ng pangangatawan,

"Yeah, I love it. Thank you so much for this, uhmm?"

"Michael, ma'am."

"Thank you, Michael." Ngumiti ako sa kaniya na ikinapula niya.

"Enjoy po ma'am, mauuna na po ako."

"Thank you so much," namumulang lumabas ito at siya namang pag bukas ng pinto ni Dark,

"Sino yun?" He ask,

"Hmm, Michael? Binigyan ako ng adobong manok and sinigang for lunch. Mukang mabango pa," excited na tuloy akong mag lunch. "Tapos ang cute lang, marunong siyang mag luto at naisip pa akong bigyan. Sana lagi ganiyan, heheh!" Nakangiti saad ko,

"Mabuti ’yan, may pang lunch na tayo mamaya." Napatingin ako sa kaniya ng maraming ang sinabi niya.

"Tayo?" Takang tanong ko,

"Yeah." Cool niyang sagot, may pa tango tango pa.

"Para lang naman to sakin e," naka nguso kong saad.

"Huwag kang madamot," at kinuha ang paper bag. "Dito na muna sa'kin to," at dali daling pumasok sa opisina niya.

"Hey!" Huli na at naka sirado na ang pinto with padlock pa,

"Fine! Hati tayo a, pag yan naubos, ipag luluto mo'ko!" Rinig ko lang ang tawa niya.

Ano naman kaya ang pumasok sa utak non,

"Masarap ba?" Tanong ko sa kaniya. As usual ay nandito na naman kami sa aming lunch place na ginawa na naming araw araw ang pag lunch dito. Sa harap ng kompanya,

"Hindi." At sumubo ulit,

"Ah, kaya pala." Naka ilang cup of rice na siya. Yeah, rice. Rice yung inorder namin ngayon kasi sabi ko, e hindi pa naman kami kumakain ng rice sa lunch kaya ito siya, naka ilang order na ng kanin! Hahahha.

The Secretary of Mr.Dark Maximo(Complete ✅)Where stories live. Discover now