(DJ's POV)
Hindi ko maexplain na parang ewan lang talaga ang nararamdaman ko. Nawawalan na kasi ako ng pag-asang maibalik yong dati naming friendship. Hindi ba sapat yong effort kung gumising ng mas maaga para sunduin siya tas kinukulit ko pa tong barkada ko na samahan ako tas ano kami? NGANGA. Ni hindi siya sasabay. Tapos ngayon makikita mong ngumingiti siya, ang saya-saya niyang kausap si Seth. Ganyan ka ba katigas, Kath?
Ang ganda-ganda ng mood ko kanina dahil kasama ko tong mga bebe girls na to ngayon na napapatawa naman ako kahit papaano nawawala yong stress ko sa pagsuyo ko kay Kath. Pero... Seeing Kath happy like that, at hindi ako yong rason ba't siya tumatawa eh. MASAKIT. Ako yong bestfriend eh. Hindi ako nagagalit nor nagseselos kay Seth. Likas na magaling magpasaya ng tao si Seth. Alam kong ayaw niya yong ginagawa namin ngayon nila Katsumi kaya humingi ako ng pabor na subukan niyang sabayan si Kath. alam kong mahirap at malabo pero ba't suddenly bigla na lang ganon?
"Ang mukha, DJ! Malayo pa semana santa." Sabi ni Seth.
"Sige, girls! Pasok na kami ah. Tara na!" Tumayo na ako. Kailangan naming mag-usap ni Seth. Naglalakad na kami papuntang classroom namin.
"Hay nako, DJ! Masaya pala talaga kausap si Kath noh? Wagas pala makatawa yon!" sabi ni Seth.
"Oh nga eh! Mukhang ang saya-saya niya. Good mood na good mood yata dahil di na niya nakita si DJ." Sabat naman ni Katsumi.
"Eh kahit ako ganon din mapi-feel ko. After guluhin ulit ang buhay ko ng isang Daniel John Dela Rosa, aba! I feel free and happy! Di ba, bregs?!" Nag-apir pa siya kay Seth. Ang bait mong kaibigan, Lester.
"Thank you, ah!" Sabi ko.
"Pre, wag naman masyadong obvious na selos na selos ka kay Seth." Sabi ni Lester at nagtawanan sila.
"Ako? Nagseselos? Hello!?! Pagkalat nyo!" Hindi AKO NAGSESELOS. SELOS NA SELOS LANG!
"Selos na selos lang, noh DJ?" Tanong naman ni Seth. Tiningnan ko lang siya't ngumiti siya na parang nanalo sa lotto. Asar! Alam na alam na niya talaga ako. "Kung ako kasi sayo, kunti na lang eh. Bibigay na yong bestfriend mo. You should've seen her face nung nakita niya walang kotse mo kanina. EPIC, Breg! Swear." Napakunot ako ng ulo, anong gusto niyang iparating? "You know Kath more than I know her. Pero madaling basahin yong expression ng mukha niya. Kung disappointed or malungkot or nasasaktan. Her face shows it all. Tamad ka lang eh." Dagdag pa niya.
"Amen! Iba ka talaga, Seth! The best!" Biglang akbay sa kanya ni Katsumi. "Kaya ikaw tol, mamaya puntahan mo na si Kath. 15mins tayong nauuna sa lunch break ng mga taga-tourism. Make a move!" Payo ni Katsumi.
"Do it on a Delo Rosa style, breg! Isipin mo na lang, eh parang nililigawan mo si Kath." May point si Lester. Tama. Tama. I do it ala Dela Rosa Style!
"A brilliant idea! May utak ka rin talaga minsan, Lester." Sabay akbay sa kanya ni Seth.
"Makapagbromance naman kayo." Sabi ko. "Pero tama, hindi pa naman niya naeexperience ang ala Dela Rosa Style na panunuyo eh."
"Rakenrol!!!" Sigaw ni Katsumi.
Dela Rosa Style on.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Spread LOVE! ;)
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong NapakaSELOSO :X
FanfictionA story about FRIENDSHIP and LOVE. :)