Friday Cinema

1 0 0
                                    

Bitter, NBSB, Hopeless Romantic, Manang, Gurang, Madre, SFUD or Single Forever Until Death.

Ilan lang yan sa bansag sakin ng mga pinsan Kong mas bata pa sakin pero mas nauna pang Natali. Hindi ko alam kung panget ba ko o panget ba ang katawan ko basta ang alam ko lang ay Wala pa Kong jowa ever since nabuhay ang kaluluwa ko. Kaya nang nagkaroon ng manliligaw ay sinunggaban ko na ito.

Not a literal one ah! What I mean is sinagot kaagad.

Samson Dela Paz is a gentleman and a very sweet guy. A typical boyfriend material and an ideal one. Our lovestory is idealistic as well just like a movie in a cinema. Masyadong perpekto na umabot pa sa inggitan.

Yes, you read it it right!

My beautiful cousin with S ft. Sarcasm dahil marami sila at hindi Naman talaga magaganda are all insecure at pinagbibintangan pa ko na ginayuma at pinikot ko daw si Samson,ang boyfriend ko. Which is definitely wrong, mukha lang akong mangkukulam pero excuse me! May asim pa ko!

And hey! I won't just stay still and do nothing.  I am Raine Almero for Pete's sake, Almero's are naturally born fighters and not crybabies.

At napaaway na nga ang Manang ninyo nang Wala sa oras. Hehe

Samson made me feel like I'm the protagonist in a movie at siya Naman ang aking leading man. Siya ang Knight in Shining armor ko at ako Naman ang kanyang ubod na gandang prinsesa. What a life!

Nakakabitter man pakinggan para sa mga single dyan, pero Mahal na Mahal namin ang isa't isa. There will be no antagonist in our lovestory, neither Maleficent, Huntsman nor Witch can ruin our fairytale. There's no one can separate us apart.

No one.

Dalawang taon na kami ni Samson at never pa kami nagkaroon ng Malaki at malalang away, sadyang mga mild lang talaga. Nakakatuwa Naman

Every Friday ay lumalabas kami para mamasyal, kumain at manood ng sine. Watching cinemas is the most exciting part for us, syempre pareho kaming mahilig sa movies specifically Action Movies.

"Oh c'mon Raine, tayo Naman ang manood ng sine. Nagtatampo na kami, puro ka nalang bebe time." pangugulit pa sakin ni Pamela, kasama Ang Iba pa naming kaibigan na Sina Alliah, Eya at Zaira.

"Oo nga! You're always with him Naman, kaya you must come with us this time. Wag puro Samson." dugtong Naman ni Alliah at sabay pang tumango ang tatlo.

Eksaherada akong bumuntong hininga at nagkamot sa ulo, na mukhang nakuha Naman nila ang sagot ko.

"Girls...." may usapan Kasi kami ni Samson after ng class.

"Right! F.O na tayo, tiwalag na sa squad si Almero." pabiro pang umirap si Eya.

Nginitian ko nalang sila at isa isang hinalikan sa pisngi na siyang napangiwi sa apat na para bang nandidiri. " Love you girls!"

"Che!" kung hindi ko sila Kilala masasabi ko talagang seryoso silang apat na i-kick out ako sa squad namin dahil madalang lang ako na makasama sa paglalakwatsa nila.

Ako lang talaga Ang hindi perfect attendance, sa iba Kasi ako perfect eh. Alam na bebe time.

Sa sumunod na araw, linggo at buwan na pangugulit nila sakin na manood ng sine ay bilang lang talaga sa dalire na napapayag nila ako, kadalasan talaga ay pass Ang tugon ko. Hindi Naman sa ayaw ko sila kasama, it's just that hindi ko kayang ayawan ang anyaya sakin ng nag iisang Samson Dela Paz ng buhay ko.

"Are you really sure na okay lang kayo ni Samson? I mean hindi ka naman nasasakal or what?" binalingan ko si Zaira sa Tanong niyang iyon isang araw pagkatapos ng lunch namin. Sa rooftop kami madalas na maglunch dahil mas tahimik at may privacy pa kaming lima kung sakaling may magandang chismis kaming pag-uusapan. Kasalukuyang nasa  banyo ngayon ang tatlo dahil magreretouch daw at kami lang ni Zaira ang nagpaiwan.

Friday CinemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon