Nagmamadaling lumakad si Isabelle patungo sa isang fast food chain kung saan siya nagpa-part time job. Pagpasok pa lamang ay mabubungaran na ang napakahabang pila ng mga customer na umoorder na kani-kanilang pagkain. Dali-dali siyang umakyat at nagpalit ng damit pangtrabaho.
"Isabelle dalian mo at maraming customer!" bungad sa kanya ng kanyang manager
"Oho ma'am andyan na!" azar ang aga-aga pa pinagmamadali mo na naman ako, di pa naman bayad oras ko dito. Bulong ni Isabelle sa sarili. Sa katunayan ay maaga siya ng dalawapung minuto ngunit heto at pinagmamadali siya.
"May sinasabi ka ba Isabelle?" Isa si ma'am sophie sa mga manager ng Mcdo kung saan siya nagtatrabaho. Mabait ito sa kanila ngunit may pagka-istrikto nga lang pagdating sa trabaho. Mataas ang standards kumbaga at kailangan impressive.
"Ay sabi ko ho, tapos na ko at excited na nga akong magtrabaho. Yes here we go last day ko na!" sa lahat siguro ng mga mawawalan na ng trabaho si Isabelle pa ang masaya ngunit pinag-iisipan pa rin nya kung tutuloy pa ba siya sa trabaho dahil kailangan niya rin ng pera pantustos sa kanyang pag-aaral o hahanap na lang ng lalaking mabibiktima at gawing atm. Joke!
Pababa na sana ng crew room si Isabelle nang muli siyang tawagin ni ma'am sophie.
"Isabelle pag-isipan mong mabuti kung gusto mo pa bang magtrabaho o hindi na." Bumuntong hininga si Isabelle bago soya nakasagot.
"Oho ma'am, mauna na ko at kailangan ko ng mag-in" Mahirap mag-aral habang nagtatrabah. Mabuti at naigapang ko pa ang isang sem habang nagtatrabaho pero mahirap din namang mag-aral kung wala kang pantustos, isip niya. Isang buntong hininga muli ang pinakawalan niya bumaba patungong store.
Katulad ng dati ay sa lobby siya naka-assign. Ilang oras na rin siyang naka-duty at pasunod-sunod sa kung ano-anong utos ng mga customer. Ikuha mo ko ng ganito, ikuha mo ko ng ganyan, linis dito, linis dyan. Ngunit kahit pagod ay hindi makikitaan ng pagrereklamo si Isabelle sa halip ay nakangiti pa siyang nakikitungo samga customer. Ganyan talaga siguro kapag nagtatrabaho ka sa isang fast food chain, hindi pwede ang maarte, lalong-lalo na yung reklamador at maikli ang pasenysa.
"Miss pakilinis naman 'tong table!"
Tawag ng isang customer at agad naman itong hinarap ni Isabelle at sa gulat ay isang gwapong lalaki ang tumawag sa kanya! Shit! Kumalma ka nga! oras ng trabaho, umayos ka! suway ni Isabelle sa kanyang sarili.
Dali-dali siyang lumapit sa customer at nilinis ang table nang muli siyang mapatingin sa lalaking nakaupo sa harap niya na abalang nagce-cellphone. Paalis na si Isabelle dala ang tray nang may isang batang tumatakbo at di sinasadyang nabangga siya dahilan para tumapon ang laman ng tray sa harap ng lalaking customer.
"Ayyy! Sorry sir! sorry po talaga! Hindi ko po sinaadya! Sorry po!"
Paulit-ulit niyang sambit habang nakayuko natatarantang pinupunasan ang pantalon ng lalaki sa harap niya. Abala siya sa pagpupunas nang may dalawang lalaki nang biglang may tumikhim at nakatingin sa gingawa nito. Tila mas nataranta siya at umayos ng tayo ng mapagtanto niya na iba ang iniisip ng mga ito sa kaniya.
"Hmm. Sorry po! Ikukuha ko na lang po kayo ng tissue."
Sambit niya bago nagmamadaling umalis. Ang tanga-tanga mo talaga belle! Ngayon ka pa papalpak! Inuuna mo kasi yang kalandian mo! pagalit niya sa sarili. Sigurado na talaga ko! Ayoko ng bumalik dito! I swear maghahanap na lang ako ng ibang part-time job! Kahit ano wag ko lang ulit sila makita! Grabeng kahihiyan yung ginawa ko!
Wala ng lakas ng loob si Isabelle para bumalik pa at ibigay ang tissue sa lalaki bagkus ay iniutos na niya lamang ito sa isa niyang kasamahan sa trabaho.
"Taena pre akala namin pati ba naman dito papatos ka ng babae. tigang much?"
Buskal ni Liam. Tapos na silang umorder nang mabungaran nila si Lucas na prenteng nakaupo at may babaeng nakalihod sa harapan nito ngunit hindi kita kung ano ang ginagawa.
"Gago!"
Tanging sagot ni Lucas sa kaibigan niya saka nagpatuloy sa pagkain. Hindi niya alam kung bakit hindi mawala sa isip niya yung babae kanina parang nakita na niya 'to kung saan at hindi lang niya maalala.