Prologue

7 1 0
                                    

DISCLAIMER:  This is only a work of fiction and will contain vulgar words and, curses. None of the events portrayed in this are true.

If you will see any typos and errors I'm so sorry, English isn't my first language



"ano ba! tangina sabing bitawan mo'ko eh,"  hinila ko ang kamay ko sa pagkakahigpit ng hawak niya, "inaano ba kita? bakit mo ba ako iniiwasan" sambit niya, eh ano naman sa kanya kung iniiwasan ko siya?


"so? bakit big deal sa'yo?" I looked at him, tumaas ang isa niyang kilay.


"stop being immature rian, edi sabihin mo sa'kin kung bakit." he looks serious right now, I'm actually liking it.


"pwede ba lubayan mo muna ako, mag-aaral pa ako" maglalakad na sana ako nang hatakin niya ulit ang kamay ko, sa ngayon mas mukha siyang kalmado. "oops won't let you...unless you tell me why" 


baliw na ito.


"bakit ba ang kulit mo?" nakita kong pumasok dito sa library si soleil, "ayun oh nanjan na si soleil kaya parang awa mo na tigilan mo na ako," tumalikod na ako sakanya at naglakad na but this time hindi niya ako pinigilan.


sus, palibhasa kasi anjan na si first love. bwisit.


"kaya mo ba ako iniiwasan kasi nagseselos ka kay sol?" bigla akong napatigil sa paglalakad nang marinig ko ang sabi niya. may sira ba utak nito? 


humarap ako, naniningkit ang mata ko sa sobrang inis.


"gago ka ba?" he just laughed. naglalakad siya ngayon palapit sa'kin.


he wrapped his arm around me, "tss kunyari ka pa alam ko namang may crush ka talaga sa akin" kanina pa talaga ako pinipikon ng lalaking to.


"kadiri ka," ayokong makita muka niya. "tara na libre kita paborito mong kwek-kwek"  kahit kailangan talaga.... alam na alam kahinaan ko e.


"siguraduhin mong libre mo", palabas na sana kami ng library nang bumungad sa'min si soleil. 


"hi kiel, tuloy ba meeting mamaya?" fuck this. "cancel ko muna busy ako e" sabi ni kiel, gago to? busy saan? eh tapos na plates nito.


"ulol! busy sa kabebetime kamo!" malakas na sumigaw si Raniel sa gilid ni Sir Panzota. "shh!" maraming sumaway sakanya, bobo talaga kahit kailan.


"Mister Reyes pangalawa mo na ito, isa pa at gugustuhin ko na ata makita ang parents mo" galit na parang kalmado si sir. "Sir panotza ay este sir Pantoza pareho pong na sa spain ang mga magulang ko" sagot ni raniel.


"wag ka maniwala jan sir, na sa españya boulevard kamo!" sumigaw si kiel pabalik, nakisali pa itong si tanga.


"totoo po sinasabi ko sir, lolo ko po spanish kaya may dugong spanish po kami," minsan hindi ko rin alam kung ginagago lang ba kami nito o nagsasabi ba talaga ng totoo.


"O sige, ikaw ay isang spanish mister reyes.. then there will be no problem kung ilalabas mo ang iyong galing sa pagsasalita ng espanyol" napangisi na lang ako sa narinig ko.


ayos ah, napapala.


"ah eh sir nakakahiya naman baka sabihan pa ako ng mayabang ng mga students dito oh" excuse ni raniel, "wala namang problema yun diba students?"


"walang problema sir!" sigaw ko, sumang-ayon din ang iba.


napakamot na lang sa ulo si raniel "ahh hola?" tumango si sir "keep going"


"gracias gracias, bonjour?'


bobo.










Meet me in Paradise(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon