Papunta kaming Batangas ngayon. It's around 4 am at medyo malapit na kami sa beach na gusto kong puntahan.
Suot ko pa rin yung graduation toga ko at yung dress ko. Paano kasi, pagkatapos nung 'scene' ko kahapon sa practice nila, hindi na ko umuwi. Hinanap ako ng parents ko at naka-ilang tawag rin ang mga kaibigan ko. Nag-reply lang ako sa kanilang lahat na "I'm okay. Uuwi ako kinabukasan."
Si PJ, gustong dumaan sa amin at ipaalam ako sa parents ko pero sabi ko sa kaniya, for once, gusto kong lumabas sa comfort zone ko. Break the rules. Not conform to tradition. Besides, graduate naman na ako.
Yun nga, pagkatapos ng practice nila ay nagtinginan lang kami ni PJ at sinabi kong gusto kong magpunta ng Batangas. Tumango naman siya. At the time, kahit naman yata sabihin kong gusto kong pumunta ng Mars, gagawa siya ng paraan.
Eh hello, ang haba ng hair niya sa ginawa kong declaration of love.
Dumaan muna kami sa unit niya at nagbihis siya. Nag-dinner rin kami nung maisipan kong pumunta sa planetarium. Doon, nag-stargaze lang kami. Pagkatapos nun ay, bumyahe na nga kami papuntang Batangas.
Buong gabi at buong byahe, hindi namin pinag-usapan yung...well, lahat ng nangyari sa amin simula nung break-up. Yung mga mundane things lang tulad ng mga kalokohan ng teammates niya, yung students ko, yung panalo ng team at yung graduation ko.
Nakikinig lang kami sa music. Nung una mga upbeat pa yung tugtog. Pero biglang may isang kanta na sobrang tinamaan ata kaming dalawa. (What's Left of Me By Emerzon Texon)
Can you see the fear in my eyes?
The pain I can't hide?
Will you ever know how I feel inside?For all the tears I made you cry
For all the reasons, for goodbye
For the man I cant be, I'm sorry
No matter what we maybe
I wanna give you what's left of me"Lipat natin." Sabi ko.
"Wag. Uh...maganda yang kantang yan." sabi ni PJ.Nagkibit-balikat lang ako. Mukhang hindi talaga maiiwasan yung topic na...ayaw naming pag-usapan.
"Cassie."
"Oh?"
"Sobrang nagpapasalamat ako na pinuntahan mo ko kanina."
"Wala eh. Lakas mo sa akin."Natawa siya sa sagot ko pero bumalik rin sa pagiging seryoso.
"Cassie..."
"Alam mo PJ," Simula ko. Ayoko pa kasing pag-usapan kung ano man ang iniisip niya.
"Ano?"
"Magaling na ko mag-luto. Kahit anong putahe, sabihin mo, kayang-kaya ko."
Natawa siya. "Talaga?"
"Oo. Daan ka minsan sa bahay. Pag may time ka lang naman."Natawa ulit siya. Paano ba naman kasi, kung makapag-salita ako parang tropa lang kami. Barkada na parang...parang walang pinagdaanan. Kulang na lang dagdagan ko ng "bro" or "tol" yung mga sentences ko.
"Ayan, dito na tayo!" Sabi ko nung maaninag ang isang arko na ibig sabihin malapit na kami sa resort.
Maya-maya pa, pumarada na siya sa parking lot nung resort. Inasikaso lang namin yung entrance fee at parking fee at tumakbo na ko papunta sa tabing dagat habang hawak yung heels ko.
It's around 5 am. Madilim pa pero alam ko maya-maya, sisikat na yung araw. Umupo ako sa buhangin, bahala na kung madumihan yung dress at toga ko. Suot ko pa rin yung medal ko.
Nilanghap ko ang sariwang hangin. Ito yung wala sa Manila. Sa city kasi, konting inhale mo lang, parang iba't ibang chemical na nalanghap mo.
Tumabi sa akin si PJ.
"Ayaw mo bang kumuha ng kwarto?" Tanong niya. "Kahit separate rooms."
Umiling lang ako.
"Cassie, I'm sure buong araw kang gising kanina...ay, kahapon pala dahil busy ka sa graduation niyo. Hindi ka ba inaantok?"
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanfictionWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...