Chapter 25

62 3 6
                                    

Chapter 25

Habol Nang Habol




"Clara,"

Agad rin namang lumapit sa akin si Clara nang tawagin ko siya. Nararamdaman ko pa rin ang mga titig ni Heeven kaya kailangan ko nang tumakas.


Hindi naman sa takot ako o ano pero kapag nakikita ko siya, naiinis lang ako. Naaalala ko lang iyong ginawa niya sa akin. I have moved on pero hindi ko naman mapigilan ang mainis lalo na ngayong after three years ay nagpakita siya ulit na para bang walang kasalanang ginawa sa akin. Tsk.




"Yes, Madam?" aniya.

"Ikaw na magsara ng Artiose. Kailangan ko nang umalis dito." sabi ko sa kaniya.



Naguguluhan man siguro pero pumayag na rin siya. Isinuot ko ang seatbelt sa katawan ni Theon bago sinuklayan ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. He smiled and it showed his dimple.




"We will go home na, Mommy?" tanong niya at hinawakan ang pisngi ko.

"Bakit? May gusto ka bang puntahan?" sambit ko sabay ngiti.

He nodded, "I want to eat vanilla cake." aniya at mas lumawak ang ngiti.




I immediately nod at him bago isinara ang pinto at umikot agad sa driver's seat. Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakapag-lunch. Sino ba naman ang makakaalalang kumain kung ang papansin na tibok ng puso ko kanina noong hinalikan niya ako ay nakakagulo lang.


Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago pinaandar ang makina ng kotse ko.



Ginawa ko ang lahat para iwasan ng tingin ang banda kung saan nakatayo si Heeven at patuloy akong sinusundan ng tingin. Nang malagpasan na siya ng sasakyan ko ay doon lang ako napahinga nang maluwag. God! Bakit ba kasi tingin siya nang tingin? Ano ang kailangan niya? He should have gone home kasi nakuha na niya ang gusto niya, eh. What's his damn problem?



While riding the car, napapasilip rin ako sa sideview mirror para tignan kung sumunod ba siya at buti na lang hindi.



After a while ay inihinto ko ang kotse sa harap ng bagong tayong café. I heard na marami raw ang mapipilian dito na mga coffeés and side desserts like ice cream cakes. I haven't visited cafés for months since I have been busy taking care of Theon and at the same time, taking care of Artiose. Kaya masaya ako na ngayong may muwang na ang bata ay gumagaan na rin ang schedule ko.




"Welcome, ma'am!" bungad ng front end associate sa amin nang nakangiti.


Nginitian ko siya at pumasok na. Hawak-hawak ni Theon ang kamay ko at kahit na nakahanap na kami ng vacant table ay hindi pa rin siya bumibitaw.



Pagkaupo namin sa seats ay may lumapit agad na waitress at nagbigay ng menu sa amin. Gamit ang isang kamay ay tinanggap ko iyon at naghanap ng magandang order.



My eyes stopped by the sight of mint frappé. Agad ko iyong itinuro sa waitress saka tumingin kay Theon.




"How about you, baby?" I gently asked.



He flipped the pages of the menu I was holding and when it stops, itinuro niya ang isang slice ng vanilla cake. Tumango agad ako at hinarap na ang waitress.




"One mint frappé, two slice of vanilla cake, and one banana milk tea." sambit ko.

Aalis na sana iyong waitress nang magsalita si Theon, "Mom, I want chocolate flavor of milk tea." aniya at ngumuso.



Never Say Never (Serie De Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon