Chapter 1: Fiona Pov

6 0 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng aming school. Bitbit ko ang walis dahil bawat group of cleaners sa room namin ay kailangang bumili ng isang walis bawat grupo. Ewan ko kung bakit nawawala yong walis namin sa room. Bigla na lang akong napaikot ng may humablot ng bitbit kong walis. Na out balance tuloy ako.

"Mangkukulam. Habulin mo ako." hamon nito sa akin. Bwes*t! Ang kalbo na naman. Sinakyan pa nito ang walis na parang isang witch na sumasakay sa walis at tumawa ng isang witch.

"Ibabalik mo ba sa akin yan Kalvin o gusto mong tutubo yang buhok mo?!" irita ko rito.

"Oww... Mas pipiliin ko na tutubo ang buhok ko kesa sa ibalik ko sa iyo ang walis na to Fiona. Kung magaling ka bakit hindi mo kunin?" napakagat-ngipin naman ako rito at kulang na lang kulamin ko ito. Charizzz... Di naman ako mangkukulam ano.

"Sandali! Ano ngang sinasabi niyo pag nangkukulam? Oh, alam ko na. Unod, bukog, bukog, unod. Kaawaan sang unod ang bukog." insulto nito sa akin with matching patirik-tirik pa ng mata at shake-shake ng kamay.

"Bwes*t ka Kalvin! Ibibigay mo yan sa akin!!!" at sinugod ko si Kalvin. Pero mabilis itong tumakbo sakay-sakay sa walis. Humagikhik pa ito. Y*w*! Bubunutan talaga kita ng balahibo sa puwet pag mahuli kitang kalbo ka. Bubunutan talaga kita!! Nagkagulo ang room ng humangos kaming nagrarambulan ni Kalvin.

"Aray ko! Aray!" daing ko rito dahil sinambunutan ako ni Kalvin. Ang mahaba at kulot-kulot kong buhok. Patawa pa itong sumambunot sa akin.
Teka! Saan ba ako bubunot sa kaniya? Wala namang buhok yong ulo niya. Sa baba kaya ako bubunot. Charottt...

"Kalvin! Kalvin! Kalvin!" cheers ng mga kaklase namin. Habang ako wala man lang isang nagcheers sa akin.
Mga walang-hiyang kayo. Kukulamin ko talaga kayo.

"Fiona! Fiona! Huwag kayo kay Kalvin guy's. Baka kulamin kayo ni Fiona!" isa pa tong karingking na bading. At ang mga ulupong kong mga kaklase ay sumunod naman sa sinabi ni Linz.
Kukulamin ko talaga kayo pag hindi kayo kakampi sa akin. Dumudulas lang ang kamay ko sa tuwing sasambunot ako.

Shit! Ang dulas non.

"Fiona! Fiona! Fiona!"

'Mga buang'

"Tigil!!!!!!!!" isang napakalakas na sigaw na ikinatigil ng lahat.

"You two. Go to detention office. Now!"

Tumirik naman kami patungo sa detention office. Pero hawak-hawak
parin ni Kalbo ang buhok ko. Hawak-hawak ko rin ang kalbo niyang ulo.

"Hindi ba kayo titigil sa kakasambunot?" iritang tanong ng Dean. Kusa naman kaming nagbitawan at bahagya ko namang inayos ang sobrang kulot-kulot kong buhok. Nakalugay pa ito. Nagmumukha akong aswang.

"Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kayo napunta sa detention office. Ano bang plano niyo sa buhay niyo? Maghabang-buhay ba kayong maging ganito?" seryosong tanong nong Dean. Payuko naman ako habang nakasimangot. Pero sa loob-loob ko ay gustong kong hampasin ng walis si Kalvin.

"Sorry ma'am. Di na mauulit." sabi ni Kalvin. Napatakip daliri naman ako sa ilong ko. Dahil alam na alam ko na mauulit naman ito mamaya. Kami na ata ang may pinakaraming list dito na napunta sa detention office.

"Hindi naman ako mapunta sa detention office kung hindi sa mangkukulam na to." kumunot naman noo ko sa sinabi ni Kalvin.

"Anong ako? Ikaw ang nangunguna Kalbo. At hindi ako."

"Anong ako? Ikaw."

"Ikaw."

"Ikaw."

"Mangkukulam."

"Kalbo."

"Unod bukog bukog unod. Kaawaan ng unod ang mga bukog." insulto nito sa akin.

"Walang buhok. 16 years old na pero wala parin buhok hanggang ngayon. Ahahaha! Kalbo. Walang buhok. Ang dami na ng nahawakang suklay. Pero wala paring tumubong buhok. Ahahaha! This is the worst thing ever. Ahahaha!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Story of Bald and WitchWhere stories live. Discover now