Chapter 13.

695 42 11
                                    


3months nako dito sa nakaraan, and naging matalik na magkaibigan kami ni Bong.

Gusto ko siyang iwasan kasi you know naman:)
Kaso di talaga eh.. di sumasangayon puso ko.

"Hi Sam! Sorry na late ako." Nagulat ako nung nag salita si Bong sa likuran ko, tumayo ako at humarap sakanya.

"Hello, uy ano kaba okay lang." Sabi ko habang umiiling, ngumiti naman siya at may inabot sakin.

Tumingin naman ako sa kamay nya na may hawak na maliit na box "Para saken?". Tanong ko at kinuha eto sa kamay niya "Oo, haha Happy Valentines day." Bati nito sa akin.

Naramdaman kong uminit ang itsura ko at yumuko ako para itago ito sakaniya.
Bat ba kasi ang galing nitong lalaki na ito mag pakilig,may pinag manahan nga yung mga anak niya.

"Hala nag abala kapa pero salamat Bonget- ay Bong pala." Jusko ano bayan nakakahiya, hinay-hinay akong tumingin sakaniya at nakita ko lang syang naka ngiti sakin.

"HAHAH ano tawag mo saken kanina?di ko narinig eh." Sabay lagay ng kamay niya sa tenga niya na parang gusto nyang marinig ulet yun.

"Bonget.." hinhin kong sabe at narinig ko naman siyang may ibinulong pero di ko ga ano narinig kung ano ang ibinulong niya.

Bong bong's Pov

Napangiti nalang ako sa biglang pag tawag sakin ni Sam na 'Bonget' haha ipina ulit ko iyon sakaniya kasi ang sarap marinig kapag lumalabas iyon sa labi niya.

"Bonget..." hinhin nyang sabe at napa bulong nalang ako ng "Cute" tumingin siya sakin at akmang may itatanong sana kaso di niya nalang tinuloy.

Narinig niya ba yun?sana hindi...

Na-alala ko na may ibinigay pala ako sakanya at tinanong ko siya kung kailan niya pa ito bubuksan.

Sam/Agatha's Pov

Pina-alala sakin ni Bong ang ibinigay niya sakin at tinanong ako kung kailan ko pa daw bubuksan, eto naman masyadong excited ikaw nalang kaya mag bukas🙄.

Napag desisyonan ko na ngayon ko nalang bubuksan kasi sabi niya gusto niya daw makita reaksyon ko..edi naul.

Umupo kami sa may Bench bale nasa park kami andami ring mga mag couples dito meron ding matatanda..at karamihan dito mga teens na mag jowa..hayst stay strong.

Tumingin ako kay Bong na naka tingin naren saken..ano ba tong lalakeng eto lakas mag pa kilig.

"Kailan pa Sam?" Tanong neto habang tinuturo yung Gift niya sakin "Abay ikaw nalang mag bukas oh.." sabe ko habang ibinibigay ang gift niya saken.

"Toh naman di ma biro sige na buksan mo na." Natawang sabe niya at binuksan ko na ang box.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita kung ano ang nasa loob ng box..it's a necklace..and a bracelet.

Mukhang mamahalin pa kasi Gold eh baka totoong Gold toh..

"Hala Bong..ang ganda!" Sigaw ko habang minamasdan ang mga design neto, sa necklace may mga bituin eto at sa baba naman ng mga bituin ay may letrang S.

Habang sa Bracelet naman ay may letrang B...naiiyak ako wait.

Tumingin ako sakaniya na may luha sa mga mata at niyakap ko siya habang umiiyak.

"Salamat ah, eto talaga ang best gift na natanggap ko sa buong buhay ko". Niyakap niya naman ako pabalik.

Nung kumalma na ako ay agad naman akong umalis sa yakap at nag aya siya na tulungan ako sa pag kabit ng necklace na ibinigay niya saken.

Umupo siya nung nakabit na niya ang necklace at may inilabas siya sa loob ng t-shirt niya may necklace den siyang suot at yung design ay buwan..na may letrang B sa baba neto.

"Look oh..mag ka parehas tayo, ikaw yung bituin at ako naman ang buwan". Sabi niya habang tumingin sa mga mata ko.

"Ikaw yung bituin na nag bibigay ng liwanag sa madilim kong mundo Sam.." wait..is this a confession? Hala wait.

"What do you mean about that Bong?" Litong tanong ko sakaniya hinawakan niya naman ang kamay ko at sinabi ang di ko inaasahang sasabihin niya eto sa akin.

"I like you Sam"

_______________________________________________

Hello mga Marikicks!
Sorry di ako nakapag UD ng 2 days ah tambak kasi yung modules eh kaya busy.

Salamat sa suporta na ibinibigay niyo sa story na eto!♡

I love you'all and have a nice day!!<333

Sana nagustuhan niyo!
Mwuah mwuah😙😙










I love you since 1982 ( A Bongbong Marcos Fanfic )Where stories live. Discover now