05

142 11 0
                                    

****

"Simon hindi ko mauubos 'to." sabi ko kay Simon matapos niya akong lagyan ng tatlong hotdog, sunny side up na egg, salted egg na may kamatis sa plato ko. Tapos may fried rice pa na pagkarami-rami.

"No eat that. I don't want you to crave something at the mall when I'm not around." Simon exclaimed. Natatawa ako sa kaniya kasi simula ng magising ako, akala niya broken hearted ako ng todo. Nasaktan ako oo. Hindi ko naman maikakaila yun.

"Simon how many times do I have to tell you? I'm okay?" I replied. Bago pa man madagdagan ni Simon ng hotdog pa yung plato ko ay binilisan ko na kumain.

"Mamimiss kita. Wait for me okay?" he said. Niyakap ko naman siya kaagad.

"Lagi akong mag aupdate sayo. Huwag kang mag alala. Mamimiss rin kita kahit one week ka lang 'don." I said while still hugging him. I sniff his perfume.

"Mag aupdate rin ako sayo. Parang ayoko na tuloy umalis. But Dad give me this so I can't say no." malungkot na litanya nito.

Matapos namin magdramahan ni Simon ay nagligpit lang ako ng pinagkainan namin at kinuha na yung susi ng kotse ko. Tinulungan ko na rin si Simon na ilagay sa sasakyan ko lahat ng dala niya.

"I said wear a jacket right? Your denim short is too small. It hugs your body so much and your racer-back top? Wear this." Suddenly Simon throw me a denim jacket. Baka daw pag piyestahan ako ng mga lalaki mamaya sa mall, pero dahil hindi ako nagpaawat sa kaniya kanina kaya naman binato ako niya ako ng jacket.

Siya ang nagdadrive ng sasakyan ko papuntang airport. Sinabi ko na sa loob ng airport nalang kami kumain and he said yes.

"Send me your choices of dress later okay? Ako pipili for you." Simon commanded me. Wala naman sakin yun dahil nga kapatid naman na ang turing ko dito.

"Okay. I want the classy one okay? So I can wear it sa bar." sabi ko nalang at tumingin sa labas ng sasakyan. Nililibang ang sarili.

"You always look classy. Kahit shirt and shorts lang. So 'yun nalang su-suotin mo?" he asked and form a small smirk on his lips. Napaismid nalang ako.

"Duh? Kung pwede lang talaga. Para hindi na nakaka stress pumili ng isusuot." sagot ko sa kaniya.

"So Tita will commute or are you going to fetch her?" Simon asked. Oo nga pala ano? Susunduin ko pala si Mama mamaya para sa condo na siya matulog.

"I'm going to fetch her after buying dress. Sa bahay na siya matutulog and ihahatid ko siya bukas sa tita ko before going to the party." I answered. Busy kasi si Mama sa pag aasikaso ng resort sa probinsiya. May sarili siyang sasakyan at yun ang gagamitin niya pabalik sa probinsiya namin.

Iiwan niya lang sa tita ko ngayon yung sasakyan para hindi na magastos sa gasolina.

Nakarating kami sa airport. May one hour pa bago ang flight niya kaya naman pumasok na kami sa loob at naghanap sa taas ng makakainan.

Kahit kakakain lang namin nagutom kami sa byahe papunta dito. Ganun ko naiimpluwensiyahan si Simon na kumain ng marami. Okay lang sa akin dahil nag eexercise naman ako.

Nakakita kami ng japanese food sa taas lang ng airport. Napagdesisyon-nan namin ni Simon na dito na kumain.

"What's your order?" Simon asked. Naupo lang ako 'don at humarap sa kaniya.

TORN AFFECTION: Sandro Marcos (ONGOING)Where stories live. Discover now