(Flashback)
KUMALAT ang mga malalaswang videos at larawan ni Anna at malaki ang naging epekto nito sa negosyo ng pamilya Lopez. Their stocks drastically fell dahil sa issue. Ilang ulit mang dinepensahan at nilinaw ng panig nina Adam at Cedrick ang issue ay hindi matigil-tigil ang pagkalat ang mga negatibong imahe patungkol kay Anna.
Nagkalat din ang issue na sinadya umano ito ng pamilyang Lim dahil sila ang pinakanakinabang sa pabagsak na negosyo ng mga Lopez. Ang ikinabagsak kase ng negosyo ng mga Lopez ang siya namang ikinatagumpay ng triple ng negosyo ng mga Lim. Kaya upang mamatay ang issue ay isinapubliko na lamang ng dalawang panig ang alyansa nila na dati pang nabuo, isang pribadong impormasyon mula sa lahat hanggang sa dumating ang oras na iyon.
Pagkatapos ng anunsyo ng alyansa ng dalawang pamilya ay hindi pa rin tumigil ang mga issue. One issue after another kumbaga. Naging magulo ang lahat na para bang walang katapusan ang mga paninira ng publiko mainly targetting Lopez's credibility.
May kung sinong nasa likod ng mga paninira na hanggang ngayon ay palaisipan sa mga Lim at Lopez. Probably, karibal nila ito sa negosyo o di kaya'y may personal na galit ito sa mga Lopez, but who could that be?
Kilala ang mga Lopez sa pagiging bigating supporter and sponsor ng mga orphanage at scholarships sa Pilipinas. They are too generous and kind to face and suffer issues like what happened now.
Minsa'y naging banta pa ang alyansa ng dalawang pamilya sa negosyo ng mga Lim ngunit hindi ito sinukuan ni Adam bagkus ay lalo pang pinagtibay ang mga kaalyansang kumpanya upang hindi matinag ang kumpanyang iniwan sa kanya ng ama at itinaguyod pati na rin ang imahe ng mga Lopez.
MASAYANG tinanggap ng mga Lopez si Anna sa kanilang pamilya at itinuring na rin siyang tunay na kapamilya ng mga ito. Minabuti ng mga Lopez na ilihim na lamang mula sa lahat ang patungkol sa kambal, lalo na sa pamilyang Lim upang hindi na lumaki pa ang kinakaharap na issue ng pamilya lalo na noong malaman ng mag-asawang Lopez na si Anna pala ang na-kidnap imbis na si Rae. Gayun na lamang ang takot ng mag-asawa dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin nila alam ang palitang naganap kina Anna at Rae para lamang matupad ang business arrangement nila para kina Adam at Rae, maging ang major operation ni Rae sa puso.
MAHIGIT ISANG BUWAN na mula nang lumipad pa-Amerika sina Cedrick, Anna, Rae at Kim. Noong una ay sinubukan pa ni Adam na pigilan ang flight ni Anna sa takot na baka hindi na niya muling makasama pa ang dalaga ngunit dahil sa usapan nila ni Cedrick ay nagparaya rin sa huli ang binata. Masakit man pero kahit ang paghatid sa airport o pagpaalam kay Anna ay hindi niya nagawa.
Hindi niya masisisi si Cedrick kung maging sobrang protective nito sa kapatid. After all, base sa lumabas na report sa imbestigasyon ng kidnapping incident ay isa sa mga ex-girlfriend ni Adam ang nagpa-kidnap kay Anna, ang anak ng may-ari ng sikat na ME SuperMall sa buong Pilipinas. Ito ay ang suspek na si Alliyah Fleur-Tse, isang sikat na aktres at modelo ng bansa. Layon umano nitong e-dispatsa si Anna at siraan ito sa publiko sa pag-asang baka balikan pa siya ni Adam at palubugin ang negosyo ng pamilya Lopez- bagay na kamuntikan ng mangyari at hanggang ngayo'y sino-solve pa rin ng dalawang panig ang after effects ng issue.
So basically, si Adam nga ang isa sa dahilan ng pagdurusa ni Anna. Though he never wished any harm to the woman he loved so much ay tila napakaraming balakid sa pag-iibigan ng dalawa. Yes, he knew Anna also loved him. Ang hindi niya lang alam ay kung bakit pinipigilan ng dalaga ang pag-ibig nito para sa kanya. He can see her soul through her eyes which somehow gave him all the hopes he have. Kaya hindi iyon dahilan upang sukuan niya si Anna. He will fight for her til Forever.
NANG lumipas ang Dalawang buwan at hindi pa rin makasagap ng balita patungkol kay Anna ay nagpadala si Adam ng Private investigator sa paligid ng mga Lopez upang alamin ang tunay na kalagayan ng dalaga.
The incident may have impacted greatly on Anna's mental health, nasabi ni Adam sa sarili noong umuwi ang mga ito sa States. Pero bakit ito tinatago ng mga Lopez sa kanya? Like, alam naman niyang kahit papaano ay maysala siya pero ang itago mula sa kanya ang nangyari kay Anna?
Adam sighed heavily as he was reading the documents on his table. Tila lumipad rin ang utak niya kasama ang private investigator niyang hindi umano makalapit-lapit sa mga Lopez gayong isang linggo na ito sa Amerika. He trust his agency well kahit pa pinamamahalaan ito ng kaibigang minsang binigo ang kanyang tiwala.
Kahit ang mommy at sekretarya niya ay hindi alam ang pagkuha niya ng private investigator upang makamanman kay Anna. Pagod at wala siyang halos tulog dahil sa mga nangyayari dagdag pa ang mga hindi matapos-tapos na mga issue.
DALAWANG LINGGO na ang lumipas nang tumawag si Mr. Arn- isa sa private investigators na pinadala niya.
"There were two doctors coming in and out this whole 3 months from the Lopez's mansion. One is Post-Traumatic Stress Disorder (PTSD) specialist and the other is a psychiatrist." panimula ni Mr. Arn.
Napatayo si Adam mula sa kanyang office chair at nakapamaywang na nagpalakad-lakad sa loob ng kanyang malawak na opisinang moderno at halatang mamahalin ang disenyo. Kinakabahan siya sa narinig pero ayaw niya munang mag-panic kaya hinanda niya ang sarili sa maririnig.
"Go on." Utos niya.
"At first I thought there was only one patient needing these doctors but I was wrong." Dagdag nito na nagpataas ng kilay ni Adam sa pagtataka.
"Lopez's people are too loyal to them however, I was able to confirm that there were two patients indeed those doctors were attending. The PTSD specialist almost resides in the mansion and it seemed her patient is in severe condition (trauma)." hindi namalayan ni Adam na nagpipigil na pala siya ng hininga dahil sa narinig. Lalo siyang kinabahan at napahawak na lang sa kanyang itim na office table bilang suporta sa nanlalambot niyang tuhod.
"While the psychiatrist comes 3-5 times a week only. I heard screams once and heard someone called the girl screaming "Rae". " kalmadong report ni Mr. Arn.
Napakunot ng noo si Adam sa lito. Napatayo siya ng diretso at napaisip. Kung may na-trauma (PTSD) man sa nangyari, sigurado siyang si Anna iyon pero bakit "Rae" ang tawag sa nagsisisigaw na babae na marahil ay dahil sa depression sa psychiatric session nito?
The report doesn't make sense kung talagang dalawang babae na pasyente nga ang inaalagaan ng mga doktor since his Anna is the only "Anna Rae" in Lopez family. Ang isa pang babae ng mga Lopez ay si Mrs. Elise Lopez pero imposibleng isa ito sa pasyente, pero kung ito man ang isa, bakit ito magkaka-trauma (PTSD)?Kaya sino yung isa? Who got the PTSD?
"I know you're thinking the other one must be Miss Anna and you're right. But I still don't know who's the other one. I thought it was Mrs. Lopez but she's not. I still have no clue of who's the other one." just like what Adam thought.
"What else?" He asked after a sharp breath. PTSD? Psychiatrist? This is more serious than he thought. Who could the other patient be?
"Boss, I heard Miss Anna is missing since yesterday night." ani Mr. Arn na ikinagulat ni Adam.
"What?"
"Someone saw her getting on a plane to the Philippines."
Agad na binaba ni Adam ang telepono at nasimulang mag-drive upang hanapin si Anna sa mga maaari nitong puntahan.
Kung saan-saan siya naghanap kay Anna ngunit hindi niya pa rin ito makita. Na-message niya na rin ang mga Lopez na nakita ng kanyang tauhan si Anna na papuntang Pilipinas pero hanggang ngayo'y hinahanap pa niya ang dalaga. Agad naman bumyahe si Cedrick pabalik ng Pilipinas upang hanapin din si Anna.
BINABASA MO ANG
My Innocent Pretender
RomanceAdam Lim and Anna Liza Villa's Story "It's been 6 years, my love. 6 years, 3 months and 20 days to be exact since you're not here by my side. 6 years, 3 months and 20 days since you died..." pagluluksa ni Adam sa pinakamamahal niyang si Anna. The...