CHAPTER 12

390 24 4
                                    

Mariin akong nakatitig kay Jeff habang may tinatype siya sa laptop niya. Magkasama kami ngayon, kakagaling lang namin sa campus dahil kasama namin kanina si Jillian pero umalis din kaagad kaya natira ako rito kasama siya.

I suddenly remembered what Jillian said to me last time. Hindi ko sigurado kung totoo iyon o nagbibiro lang siya pero ngayon tuloy ay medyo awkward akong kasama si Jeff ngayon.

"Gusto mo pa ng cake? Magsabi ka lang, treat ko naman."

Agad akong napaiwas ng tingin nang bigla siyang magsalita at tumingin sakin.

"A-Ah, no. Busog na 'ko. Salamat nalang." sabi ko kalaunan.

"Okay. Tapos na pala ako sa ginagawa ko. Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita. Gabi na, delikado sa daan." aniya.

I bit my lower lip bago dahan-dahang umiling.

"I can manage." I said as I get my bag and stood up from my seat. Ganon din ang ginawa niya kaya sabay na kaming lumabas ng shop.

"I insist, Bianca. Ako naman nag-aya sa'yo na sumama ka kaya dapat lang na ihatid kita pauwi sa bahay niyo." he said.

Pumunta na kami sa nakapark niyang kotse. When he opened the door of the shotgun seat for me ay wala na akong nagawa kundi sumakay nalang din.

I gave him my address kaya agad naman siyang nagdrive.

Tahimik lang kami habang nagddrive siya. We never went this silent kapag magkasama kami, ngayon lang.

Nalaman ko lang naman mula sa kapatid niya na baka gusto niya ako. Baka lang naman iyon at hindi sigurado pero ba't ganito na? I never felt this way before. It's strange.

Hindi ko na pinahinto ang kotse ni Jeff sa tapat mismo ng bahay dahil nakita kong kakarating lang din ni Mommy. Nauna siya sa amin. She stopped the car right in front of our house kaya pinahinto ko na si Jeff.

"Dito nalang, Jeff. Thank you sa paghatid. You can go now." saad ko tsaka binuksan na ang pinto.

"Wait." napatigil ako nang marahan niya ako hawakan sa braso kaya napatingin ako sakaniya. "See you again next time. Pag may time ulit." sabi niya tsaka ngumiti sakin.

That made me stare at him for a moment pero mabilis lang iyon dahil nagpilit ako ng ngiti tsaka tumango.

"Y-Yeah, next time ulit." sabi ko.

Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya ulit dahil agad na akong bumaba ng sasakyan. Nakita ko rin na sakto ang pagbaba ni Mommy sa kotse at napatingin pa siya sa gawi ko kaya dali-dali na akong naglakad.

"Who's that?"

I gulped before answering Mom. Nakita niya pala iyon.

"That was my friend. Hinatid lang po ako." sagot ko.

"Ba't hindi mo pa pinatuloy? Kaibigan mo naman pala." sabi niya.

Nagtaka ako sa loob-loob ko, nanibago ako.

"M-Maybe next time. He's in a hurry. Hinatid lang po talaga niya ako pauwi kasi gabi na." I said.

Wala nang sinabi si Mommy pagkatapos no'n at tumango nalang. Sabay na rin kaming pumasok sa loob ng bahay at naabutan pa namin si Yaya Melda sa sala. Yaya smiled at me after seeing us two kaya napangiti nalang din ako ng maliit.

Papalapit na nang papalapit ang graduation namin. We'll be graduating in less than a month kaya sa ngayon ay pagkukumpleto nalang ng requirements ang ginagawa namin.

Kampante na ako sa ngayon. Nagcocomply naman ako. But I don't know what will I do when the graduation comes. Wala si Daddy eh. Sanay ako na sa lahat ng event sa school, siya ang kasama ko pero ngayon wala na. Hindi pa naman ako sigurado kay Mommy dahil hindi ko pa siya nakakausap tungkol doon kahit na nagiging mabuti na kami ngayon. Maybe I should try in the next days. Wala namang masama kung susubukan ko.

"Tita Grace, nandito po pala kayo." sambit ko nang pagbaba ko ay nakita ko si Tita Grace rito sa bahay.

Ngumiti naman siya sakin at tumango. "Oo. Aalis lang kami ng Mommy mo at may pupuntahan." sabi niya na tinanguan ko nalang.

"Sige po, mag-iingat po kayo." sabi ko nalang dahil narinig ko na pababa na si Mommy at paalis na rin sila.

I looked at them both as they were ready to go. I wonder where will they go. Pero hindi na rin 'to bago sakin dahil dati na silang magkaibigan, matagal na.

Galing ako sa faculty room nang may makasalubong akong pamilyar na tao. Nakasalubong ko si Ara pero mabuti nalang at parehas nalang namin na nilampasana ang isa't isa. Mabuti naman. Wala akong gana na makipag-bangayan sakaniya. Hindi ko rin ugali iyon.

I get used to being alone after what happened to me and Ara. Hindi na kami nagsasabay, at wala na rin kaming pansinan sa isa't isa. It's a good thing for me. Kaysa naman na magpansinan kami tapos puro bangayan lang ang mangyayari kagaya last time.

"Have you completed your requirements? 'Wag kang babagal-bagal sa pagkilos if you want to graduate."

Bahagya akong nagulat sa biglaang pananalita ni Mommy habang naghahapunan kami.

"Y-Yes... Kompleto ko na po." sabi ko tsaka nagpatuloy sa pagkain at umiwas ng tingin.

"That's good then. You aren't one of those students na naghahabol." sabi pa niya.

Hindi ko alam kung anong itutugon ko kaya tumango nalang ako at hindi nalang nagsalita.

And since I have already completed my requirements, mas nagkaroon na ako ng free time.

Minsan nagkakasabay na nga pala kami ni Jillian. Hinahayaan ko nalang, she's harmless base on my observation. At madalas nga siyang mag-isa nga lang pero parang wala lang din siyang pake. Totoo ngang mas gusto niyang mapag-isa nalang kaysa sumama kina Ara.

Isang araw ay nagpasama ako kay Paulo na pumunta sa mall since nataon na free rin naman siya. Palabas na kami ng mall dahil pauwi na kami nang makasalubong namin si Ara.

Ara is looking at me blankly. And then I realized how close I am with Pau na halos magkadikit na kami habang naglalakad kaya bahagya akong umusog at dumistansiya sakaniya.

"Hi, Paulo! Nandito rin pala kayo." Ara approached Pau as she took a glance at me then smiled fake. Umiwas nalang ako ng tingin. "Ang sabi mo, busy ka. Diba inaya kita na lumabas." sabi pa niya.

Tinignan ko si Pau tsaka ako nagsalita. "A-Ah... I'll just go to the restroom, bye." I said as I was about to leave but he stopped me by grabbing my arm kaya napatingin ako roon.

"I'll go with you. Hihintayin lang kita sa labas ng restroom." Paulo said.

Agad ako umiling tsaka tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. I gulped as I look at Bianca na ngayon ay tinaasan na ako ng kilay.

"W-Wag na, Pau... Kaya ko naman... Sige na, bye, I really have to let this out." I lied as I hurriedly walk away from them.

Hindi ako lumingon kahit na tinawag pa niya ako.

I really went all the way to the rest room. Tumigil ako roon sandali tsaka huminga nang malalim paulit-ulit. Few minutes after ay umalis na rin kaagad ako pero ibang daan na ang tinahak ko para makaiwas sakanila, lalo na kay Ara na kasama ni Paulo.

I went home after that not even sending a reply to Paulo's messages. Nagreply lang ako nang makarating na ako sa bahay.

I just gave time for them. Siguro naman okay 'yon kay Ara dahil umalis ako, ibig sabihin lang ay nakasama niya si Pau. Nakausap niya nang personal nang silang dalawa lang, kagaya ng gusto niya.

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon