Bitbit ang sobre ay tahimik akong nakasunod kay Prince Mourad. Hindi ko mapigilang mabahala sa kanyang kilos. Tila may alam siya at pilit na itinatago sa akin. Pagdating namin sa silid-aklatan ni ama ay nandoon si Princess Nirvana, si ina at ama. Hindi na rin ako nagtaka kung bakit sila magkakasama. Alam kong may pagpupulong na naganap sa pagitan ng bawat palasyo.
"Anong meron, Mourad? Bakit kasama mo ang prinsesa?" tanong ni ina bago lumingon sa akin.
"She wants to tell you something," lumunok ako ng bigyan ako ng tango ni Prince Mourad.
Lumapit ako sa kanila at mula sa aking likod ay nilabas ko ang pulang sobre. Ipinatong ko ito sa lamesa at bahagya ko itong itinulak kay ama. Bakas sa kanya ang pagkalito sa aking ginawa.
"Ilang buwan na rin ang nakakalipas ng makatanggap ako ng sulat na ganyan. Wala po akong kahit anong ideya kung bakit... bakit pinadalhan ako ng ganyan." Mahina kong sabi.
Mabilis na binuksan ni ama ang sobre at katulad ng nakita ni Prince Mourad ay may tuyong rosas roon. Kinuha rin ni ama ang mismong papel at mula sa dulo nito ay nabasa ang mga letrang nakalagay doon.
"Herensuge... a word coming from Basque." Malamig na sabi ni ama.
"A-Ano po ang ibig sabihin sa sulat?" hindi ko na napigilang itanong.
Lumapit na rin sila ina at Princess Nirvana upang tukuyin kung ano nga ba ang nakasulat doon. Hindi ko maiwasang kabahan sa pinapakita nilang ekspresyon sa akin. Hindi man nila sabihin sa akin ay alam kong may mali.
Nagulat ako ng mabilis ang lakad ni ina papunta sa direksyon ko. Mahigpit na hinawakan niya ang aking pulsuhan at hinila palabas ng silid-aklatan.
"Bumalik ka sa iyong silid at huwag na huwag kang lalabas hangga't wala akong sinasabi!" malakas niyang sabi kaya nagitla ako sa kanya.
"Ina—"
"Just follow me!" sigaw niyang muli.
Lumabas sa pintuan si Prince Mourad at masuyong hinawakan si ina upang palayuin sa akin.
"Queen Alzesta, ako na ang kakausap sa kanya..." tipid na tumango si ina at pinasadahan muna ako ng tingin bago nagmamadaling pumasok muli sa loob ng silid.
"Kamahalan... a-anong nangyayari? Masama ba ang nakasulat doon? Bakit... bakit ganoon ang naging reaksyon mo? Nila?"
Sunod-sunod siyang umiling sa tanong ko at pirming hinawakan ang aking balikat at mariing tinitigan ako. Naninimbang.
"This is for your own good. Listen to your mother and wait for her cue, okay? Kakausapin ko si Adina na samahan ka muna sa iyong silid para hindi ka mabagot." Mahinahon niyang sabi.
"Pero paano iyong... sulat?" dagdag ko pa.
"Ako na ang bahala roon huwag kang mag-alala. Trust your mother and father with this, Cresentia. This is for the best," kahit gusto ko pang may idagdag na sasabihin ay hindi ko na rin nagawa.
Hinatid niya ako hanggang sa aking silid at agad din umalis. Alam ko naman na babalik siya sa silid-aklatan ni ama. Ano ba ang meron sa sulat na 'yon? Bakit naging ganoon ang kanilang reaksyon. Ang gulo. Naguguluhan ako.
Palakad-lakad ako sa aking silid ng pumasok doon si Adina bitbit ang makakapal na libro. Ngunit agad na naagaw ng aking atensyon ang libro na nasa pinaka-ilalim. Agad ko iyong kinuha sa kanya at nilagay sa aking lamesa bago naupo sa silya.
"Ah, binigay 'yan ng hari pagkadaan ko kanina sa silid-aklatan. Sabi niya'y habang hindi ka pa maaaring lumabas ay ayan na lang daw muna ang pagkaabalahan mo."
YOU ARE READING
Scarlet of Arrows (Book 1)
FantasíaScarlet of Arrows Trilogy (Season 1) Originally Started: July 2014 Started: November 30, 2021 Status: on-going ✿✿✿✿✿✿ Ang buhay na mayroon si Cresentia ay hindi katulad ng mga batang prinsesa sa isang palasyo. Sa batang edad na labing-limang ta...