Larah's pov(point of view)
nagmadali akong nagmaneho papunta sa opisina ng inaaplayan ko
nakarating ako at muntik pa akong mabunggo sa sasakyan kanina na in-overtake-an ko bumusina pa ito ng malakas pero hindi ko na pinansin
nagmadali kong e-park ang kotse sa natitirang space sa parking lot at bumaba agad
pagkarating ko ay agad naman akong inasikaso ng receptionist
pagkatapos ng interview ay pumunta agad ako kila Cindy para sunduin ang anak ko
pagkapasok ko sa mansyon ng mga Aquino ay bumungad agad saakin ang mga aso ng kapatid ni Cindy, si Cynthia,
sinalubong ako ng kasambahay nila at iginiya sa loob"magandang araw po ma'am" yumuko pa saakin ang kasambahay ng mga Aquino "umalis po si Ma'am Cindy, iniwan po nila ang anak n'yo kay ma'am Cynthia, nasa taas po sila" tinuro pa nito ang itaas ng bahay
"ahh, magandang araw din po, pwede n'yo po ba akong samahan sa taas" nahihiyang sabi ko
nakakailang naman 'to masyado nila akong ginagalangnagpasama ako sakanya sa taas dahil baka maligaw ako napakalaki naman kasi ng mansion nila Cindy
"ma'am Cynthia, nandito napo si ma'am Larah" kinatok nito ang isa sa mga malalaking pinto
agad bumukas ang pinto at bumungad saakin ang napaka gandang babae na may wavy na buhok na hanggang baywang nito at kumikinang ang magagandang mata at kutis na mala nyebe
napakurap kurap pa ako hindi makapaniwalang may ganito ka gandang babae ngayon sa aking harapan"ah, hello po, naglalaro po kasi kami ni Baby Lorrain, nakatulog po kasi s'ya" napakamot pa s'ya sa kanyang ulo
napaka galang pa nito"okay lang" nginitian ko s'ya "salamat talaga sa pagbabantay ng anak ko, sana hindi ka nabother sa kakulitan n'ya" ngumiti ako ng alanganin
"gusto ko nga po eh, same vibes pala kami ng baby Lorrain, sana po mapapadalas po ang pagpunta n'yo dito" she smiled ginuinely kaya ginantihan ko din
binuksan n'ya ang pinto ng tuluyan at dun ko nakita ang anak ko na mahimbing na natutulog at may madaming laruan sa tabi at may laptop pa
kinuha ko si Lorrain sa kama na natutulog parin kinarga ko s'ya at lumabas na ng kwarto ni Cynthia
hinatid ako ni Cynthia hanggang sa gate nila
nilingon ko s'ya na nagpa iwan sa may gate
ang liit talaga ng mukha n'ya para s'yang manika"aalis na kami Cynthia,Salamat talaga" pinasok ko sa kotse ang mga gamit ni Lorrain at nilagay s'ya sa passenger at sinara ang pinto
"bye po Ate, balik po kayo ulit" ngumiti at kinawayan ako ni Cynthia
"sige...sige, pakisabi nalang sa Ate mo na umalis na kami, salamat talaga" kinawayan ko s'ya at binuksan ang kotse at pumasok na ako bumusina muna ako bago umalis
BINABASA MO ANG
MY FIRST AND LAST LOVE
Любовные романыHere is a story about a woman named Larah. She is beautiful and confident in everything she does. She is proud of herself and can accomplish difficult tasks through hard work. She does not easily give up on something until she achieves the desired r...