Dumating ang sabado kaya nagising ako ng madaling araw at naligo at inihanda ang mga gamit ni Lorrain. Hindi muna ako magdadala ng gatas dahil hahayaan ko s'yang kumain ng sweets ngayon at uminom ng soft drinks. Kumbaga Cheat day n'ya kada birthday n'ya.Naghahanap ako ng lulutuin sa ref ng biglang tumunog ang door bell. Sino naman kaya 'to ang aga-aga. Alas singko palang ng umaga.
Binuksan ko ang pinto.
"Ssssurrrppprrrisssseeee" sigaw ni King.Agad kong tinakpan ang bibig n'ya baka magising ang mga tao at si Lorrain. "Ano ba? Wag kang maingay para kang alarm n'yan e. Ang aga-aga"
"Alisin mo nga 'yang kamay mo at lasang Cream Silk.Nakakadiri" anito kaya kinurot ko s'ya sa may tagiliran
"Kung hindi ka nag-ingay hindi ka naman makakakain ng Cream Silk. Baka ipagluto pa kita" inis na sambit ko sabay irap at hila ng buhok n'ya
"Gusto lang kitang e-surprise e, at saka galing pa akong Greece 'no" Ngumuso pa s'ya at tumalikod animong nagtatampo.
"Tumigil ka nga, hindi naman ako ang may birthday bakit ako ang sinu-surpresa mo" inirapan ko s'ya.
"Tsk. Hindi mo lang na-appreciate ang effort ko eh" mas ngumuso pa s'ya.
Napangiti ako dahil alam kong naglalaan talaga s'ya ng oras para sa bata at parang anak narin ang turing n'ya dito. "Salamat at hindi mo binigo si Lorrain kasi umaasa talaga s'ya na pupunta ka." seryosong sabi ko sakanya.
"Ano 'yan pampalubag loob. Nagtatampo parin ako" aba wala talagang kwenta kausap ang isang 'to e kung umbagin ko kaya 'to.
"Bahala ka nga. Matutulog na ulit ako" inis na sabi ko at akmang tatayo ng pigilan n'ya ako.
"Binibiro ka lang e. May pasalubong ako sainyo. Tingnan mo'to" ani n'ya at inabot saakin ang dalawang paperbag na ngayon ko lang napansin simula kanina.
"Nag abala ka pa talaga. Sana hindi kana bumili." nahihiyang sambit ko "Pero salamat nadin" at tinanggap ko ang iniabot n'yang paperbag sa'kin.
"Welcome Lar. Tsaka alam mo namang parang kapatid narin ang turing ko sayo 'no" sabi nito at nilagay sa couch ang tatlong paperbag na para kay Lorrain.
Binuksan ko ang paperbag at lumantad sakin ang high heel na kulay black mayroon ding kulay nude at kulay red. sa kabila ay ang mga dress "Ang ganda nitong dress na'to." sabi ko at itinaas ang kulay black na dress.
"Yan na yung suotin mo sa birthday ni Lorrain. Para hindi ka magmukhang Nanny ni Lorrain" tumawa pa s'ya
"Kung hindi lang ako mabait ngayon baka inupakan na kita" nakakainis pa'no naman ako magmumukhang Nanny. Oo nga at kamukha n'ya ang tatay n'ya pero hindi maitatanggi na pareho kami ng buhok at kutis ni Lorrain 'no.
Tumawa lang s'ya at patuloy na nang inis sakin
"Eh ikaw nga wala kang girlfriend hanggang ngayon e" sabay labas ng dila ko sakanya at tumawa pa ako dahil alam kong maiinis s'ya
"Di bale na basta Bilyonaryo at pwede akong bumili ng babae kung kailan ko gusto." pagmamayabang nito
"Namimili kana ng babae? Umbagin kaya kita ang sama mo na" hinila ko ang buhok n'ya malapit sa taenga.
"A-Arayyy" napasigaw s'ya sa sakit
"Magtino ka alam mo namang may mga kaibigan at kapatid kang babae. Bubugbugin na kita sa susunod" pagbabanta ko sakanya.
"Nagbibiro lang naman ako e. Ang sakit tuloy" reklamo n'ya
"Mas masakit pa d'yan ang gagawin ko sa oras na malaman kong nangloloko ka ng babae" dinuro ko pa s'ya.
BINABASA MO ANG
MY FIRST AND LAST LOVE
RomanceHere is a story about a woman named Larah. She is beautiful and confident in everything she does. She is proud of herself and can accomplish difficult tasks through hard work. She does not easily give up on something until she achieves the desired r...