Chapter 29

51 2 0
                                    

Chapter 29

Inis at Sakit



I was in ached when I woke up after that night. Kahit na yata mga muscles ko sa katawan ay masakit rin. Paano ba naman kasi... last night was damn wild. Alam niyo iyong parang wala kang pakialam sa mangyayari kasi ang gusto mo lang ay matuloy ang dapat mangyari. Damn. I'm so confused now.

Nang pumunta ako ng kusina para magluto ay natigilan ako nang makita ang half-naked body na nakatalikod. Busy iyon sa pagluluto at kahit na yata narinig niya ang mga yapak ko ay hindi siya na-distract man lang.


My gaze went down on my clothes. Good thing I was wearing a large t-shirt now and short shorts beneath it. Kay Heeven itong t-shirt. Amoy pa lang niya.



Saka niya lang ako binalingan ng tingin nang matapos na siya sa pagluluto.

Pagkatapos niyang ilapag ang mga pagkain sa mesa ay saka niya ako pinaghila ng upuan na tinutulan ko pa.



"Kaya ko," angal ko sa kaniya.

Nginisihan niya ako saka hinila ang katawan ko papunta sa kaniya.

"Gusto lang kitang itratong reyna. May angal ka ba do'n?" aniya at tinitigan ang mga mata ko.

Kumurap-kurap ako at agaran siyang itinulak, "Fine. Wala. Okay na?"




Humalakhak pa siya nang makita ang reaksyon ko bago itinuloy ang paghila ng uupuan ko at pagkatapos no'n ay nagsimula na kaming kumain.


I admit. Kahit na toasted bread, eggs, and bacon lang ang iniluto niya, masarap pa rin. Or was it just me na nababaliw na naman? Oh, please. Pagkatapos ng nangyari kagabi, ano na nga ba kami? Hahayaan ko na lang ba siyang pumasok ulit sa buhay ko?


Nagtagal iyon sa isipan ko. Five days kami doon sa Hariah's beach resort since opening week ang celebration no'n.



Supposedly ay seven days dapat pero dahil tumawag sa akin si kuya na hinahanap na raw ako ni Theon ay napagdesisyunan kong umuwi na lang. Tumawag na rin kasi si Clara at ang sabi ay may bagong customer kami. So, that's why.




"Let us drive you home, then." alok ni Jared na agad kong inilingan.

"No, no. Just enjoy your remaining days here. Marami namang taxing dumadaan sa kalsada kaya no worries na. Thanks na lang." sabi ko.




Tumango na lang silang dalawa ni Lancy at hinayaan ako.


For the mean time ay nanatili muna ako sa beach hut. Nakatitig sa beach at sa mga taong nagsi-swimming. May mga napapatingin na rin sa akin. Ewan ko bakit. Dahil siguro naka-aviator shades ako or ano.


Nang tumayo ako at tumalikod ay napapitlag ako nang makita si Heeven na dala-dala iyong sling bags ko.



"Uh... Kukunin ko na sana 'yan pero thanks for bringing."


Kukunin ko na sana sa kaniya ang mga iyon pero agad niyang inilayo ang mga iyon.



Kumunot ang noo ko, "Heeven, I'm going home. Don't play na." puna ko sa aksyon niya.

"No... We are going home." aniya na nakapagpatigil sa akin.




Mas lalong nangunot ang noo ko. Huh? He's going home with me? Why? For the past four days ay naging clingy sa akin si Heeven just like how he used to be in the past and I hate to admit pero nasisiyahan ako sa pakikitungo niya sa akin. Alam kong kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko sa kaniya noon na unti-unti na namang bumabalik pero hindi ko rin alam ang gagawin ko.



Never Say Never (Serie De Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon