Chapter 14

164 9 2
                                    

Patuloy lang akong nakikinig sa usapan nilang dalawa, sumilip Ako at nakita kong umiyak Ang babae, umandar nanaman Ang pagiging chismosa ko

"Bakit Hindi mo Ako hinabol Noong sinabi ko sayong Ayoko na at Magpahinga na muna tayo"

Humahagulgol na sabi Ng babae habang nakikinig lamang si ashton.

"Bakit isang beses lang ako napagod hinayaan mo na ako, ISANG BESES LANG!"

Dagdag niya pa

Tumitig siya sa mga Mata ni Ashton

"Mahal mo pa ba Ako? o Mahal mo ba talaga 'ko?"

Tumigil siya sa pag sasalita at pinunasan Ang mga luhang walang humpay sa pag-agos

"Mali e, Minahal mo ba talaga 'ko? KASE AKO, OO MAHAL NA MAHAL KITA, simula umpisa hanggang ngayong nakita na ulit kita"

(Author note: napanood ko lang Yan gusto ko lang isama sa istorya, sakit Kase nung mga linya)

Hinawakan ni Ashton sa magkabilang balikat Ang babae, malungkot niya itong tingnan.

"I'm sorry, kung.. kung nasaktan kita, Pero Hindi na kita mahal, i-ilang taon narin Ang nakalipas, Tama na palayain mo na Ang sarili mo sa nakaraan, huwag mo na balik-balikan kung ano Ang meron tayo dati, Kase matagal Ng tapos, mas lalo mo lang sinasaktan Ang sarili mo kung patuloy mong Binabalik-balikan Ang istoryang matagal Ng tapos. PASENSYA na Hindi na kita mahal".

Tumigil si Ashton at ilang sandali pa tinalikuran niya ito at dahan-dahang humbang ngunit Bago pa siya makalayo sa kinaroroonan Ng babae nag-iwan muna siya Ng tagos sa sakit na mga kataga.

"AT HINDI NAMAN KITA MINAHAL"

Tumakbo Ang babae at hinihit Ang mga braso ni Ashton

"A-ashton sabihinmong Hindi too yan"

Hindi ko na alam Ang sumunod na nangyari nauna na akong bumalik sa kotse at hintay na lamang si Ashton roon

Ramdam ko Ang sakit Ng babae, Minahal nga ba talaga Ako ni sadeus?
Nag kibit balikat na lamang ako at nilibang nalang Ang Aking sarili sa pag tingin sa paligid Mula sa salamin Ng sasakyan.

Sa di kalayuan ay nakita ko na si Ashton na naglalakad patungo sa Aking kinaroroonan, nakita ko naman sa back seats Ang mga pagkain na bibili niya siguro kanina, agad kong dinampot iyon at nagsimula Nang lantakan.

"Pinuntahan kita kanina sa may duyan pero wala kana, nandito kana pala di ko napansin"

Ashton said

"Paano mo ba naman Ako mapapansin ee busy ka sa pakikipag sagutan sa ex mo"

Nanlaki Ang mga Mata niya sa narinig niya Mula saakin,

Ngumiti Ako Ng malaki.

"Nakita mo?"

Tumango Ako at nilunok Ang kinakain ko

"Ang sama mo, pinaiyak mo siya."

"Hindi mo alam Ang story namin Kaya wag mo Ako husgahan ha, Tara na?"

Binuka ko Ang Aking bibig na nagsasabing "OK" ngunit walang sound na rinig.

Nagkibit balikat Ako at ipinikit Ang Aking Mata habang patuloy sa pag takbo Ang sasakyan patungo sa aming paroroonan.

Hindi ko alam, kung ano Ang mga mangyayari sq mga susunod na araw, linggo, buwan at taon.

Pag tuonan ko nalamang siguro Ng pansin Ang sarili ko,
Masyado Nang maraming nangyari, mas'yadong masakit Ang mga kaganapan .

Hindi ko alam kung para saan Ang pagsasanay na gagawin ko ngunit isa lang Ang nasisiguro ko.

Yun ay Ang kasiguraduhang .....






















Magtatagpo ulit Ang landas namin ni sadeus, at sa araw na iyon Ibang-iba na ako sa nakilala niya.






Author note:
(Sorry late update mahal ko kayo)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living with The Heartless Mafia devilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon