Hunter's POV
Bago umalis ay binalutan ko ang ulo nila ng tela, sinigurado ko din na matatakpan ang buhok at kalahati ng mukha nila. Hindi naman sila kilala ng mga tao, pero kung sakali mang ibalita ang pagka-wala nila ay hindi sila makikilala agad.
Naglagay din ako ng tela sa ulo, mabuti nalang talaga at may tela dito sa warehouse. Bago umalis ay sinuot ko muna ang binigay ni Hacker na bracelet, nang masiguradong maayos na ang lahat ay lumabas na kami. Naging alerto ako sa bawat pagtapak namin, hawak-hawak ko si Morgi at Willy, nasa harap ko naman si Yin na nangunguna na naman sa paglalakad. Mabuti na din na nasa unahan s'ya para mabantayan ko din s'ya.
“Saan tayo hahanap ng bus?” tanong ni Yin.
Hindi ko kabisado ang syudad, pero may natandaan akong lugar kung saan may sakayan ng bus. Mabuti nalang naka-ikot kami ni Biker.
“Unang dating ko palang dito sa North Herlanion. Wala akong alam sa mga lugar dito pero may natandaan ako, medyo malapit ang lugar kung saan nakakasakay ng bus sa pinag hintuan natin. Pupunta tayo doon,” sabi ko.
“Mabuti natandaan mo pa,” sabi ni Yin.
“Mabuti nga. Pero kung hindi naman natin alam, pwede tayo maghanap gamit ang online map.” Ang online map na sinasabi ko ay ang mapa sa bawat kalye na nakalagay.
Ito ay meron lang sa North Herlanion, wala kasi akong nakita sa North Town non.
Isa yung malaking screen na pwede ka mag-search ng lugar na hindi mo alam. Kawangis n'ya ang isang tablet na ang kaibahan lang ay ang laki at sukat.
“Ngayon nalang din namin ulit nakita ang syudad na'to,” sabat ni Willy.
Napalingon naman agad si Yin sakanya. Ngayon nalang ulit?
“Teka! Ilang buwan pala kayo nasa kamay ng Scientist na yon?” tanong ko.
“We're been a guinea pig for 3 years, ngayong buwan lang tuluyang natapos ang eksperimento samin,” sagot ni Yin.
Napatakip ako ng bibig ko. Ganon katagal? Nag halo-halo na ang nararamdaman ko. Galit, lungkot, awa, pighati at madami pang iba. Hindi ko talaga maisip na ganon ang pinagdaanan nila at ganon pa katagal.
“Don't be like that, we are fine now.” Paninigurado ni Yin dahil sa reaksyon ko. Napailing-iling ako at bumuntong hininga.
“Ngayon sisiguraduhin ko na babalikan ko yung Mayor o Scientist na yon, kahit sino pa s'ya. Hindi ko papalampasin ang ginawa n'ya sainyo,” madiin kong sabi.
Sumilay ang isang maliit na ngiti sa labi nila.
“I know revenge is bad, but I'm happy to hear that,” sabi ni Morgi. Nakatingin lang s'ya sa daan at hindi lumingon sakin.
“Minsan ang hustisya na kailangan natin, ay nasa kamay pala natin mismo manggagaling.” Napatingala ako sa bilog na buwan.
“Nang maging isa ako sa grupo ng Midnight Hunters, may importante akong natutunan. Yun ay gawin mo ang ikabubuti sa iba at sa sarili mo kahit nasa mali itong pamamaraan.” mahina akong natawa.
“Bakit ko ba sinasabi ito sainyo? mga bata pa kayo,” sabi ko.
“We're not ordinary kids anymore.” Sinipa ni Yin ang isang maliit na kahoy sa daan. Lumipad ito sa malayong distansya, lumingon ulit s'ya sakin.
“Habang naguusap pala kayo kanina, sinabi sakin nina Morgi ang pangakong sinasabi mo.” Ngumiti sakin si Yin.
“Pangarap ko dati maging Mayor at pangarap ko pa din yun hanggang ngayon.” Hindi makapaniwalang tumingin ako sakanya.
BINABASA MO ANG
Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)
FantasyMidnight Hunters, a group of criminals that are being chase by the government. They are still unknown by the public, this mysterious group has been the pain in the ass of the Mayor of their town. Many people don't know them, they just known for bein...