CHAPTER 2

467 12 0
                                    

ANNABELLE’s POV

Nakaharap ako ngayon sa salamin habang ginagamot ang pasa na natamo ko mula sa pananampal sa akin ni Cedric. Habang nilalagyan ko ng cold compress ang gilid ng bibig ko ay natigilan ako. Hindi ko naiwasan na maalala ang nakaraan...

Nakatingin ako kay Cedric habang kausap niya ang kapatid kong babae. Nasa sala kasi ang mga ito habang ako ay nasa kusina at naghuhugas ng pinagkainan nila.

Hindi ko maiwasan ang mapabuntonghininga dahil sa kalagayan ko. 

Sa kabila ng kayamanan ng pamilya na kinabibilangan ko, ay heto ako, gumagawa ng gawaing-bahay. Dinaig ko pa ang all-around-maid dahil sa dami ng trabaho ko araw-araw. Pinaalis kasi ng mga magulang ko ang mga katulong namin, at ang rason ng mga ito ay narito naman daw ako para gumawa ng mga gawaing bahay.

I can’t complain, of course.

I must not.

Wala akong karapatan na mag-complain dahil hindi naman ako totoong anak ng mag-asawang Artemis. Bilyonaryo ang angkan ng parehong mag-asawang kumupkop sa akin. May anak din naman ang mga ito. Kaya nga noon ay hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan pa akong ampunin ng mag-anak, eh.

Sampung taon ako nang kunin ng mag-asawa sa orphanage. I was so happy back then, because at least, may maituturing na akong pamilya. Sabik ako na magkaroon ng matatawag kong pamilya dahil simula nang mamulat ako, wala ako noon. Pinagkaitan ako ng tadhana para maranasan iyon.

But my happiness didn’t last longer, dahil wala pa man akong tatlong taon ay nagbago na ang ugali at pakikitungo ng buong pamilya sa akin. But I was thirteen years old back then kaya ano ang alam ko? Lalo pa at puros kabutihang-asal ang itinuro sa akin ng mga madre sa orphanage kaya hindi ko kayang mag-isip nang masama at magduda sa mag-anak.

Sanay ako sa gawaing-bahay kaya bakit ako noon magrereklamo kung pinaghuhugas ako ng pinggan? Bakit ako magrereklamo kung pinaglilinis ako ng buong bahay? Sanay rin akong maggapas ng damo, kaya bakit ako magrereklamo kung ako ang nag-aayos ng garden namin?

I was too innocent para malaman kung ano nga ba ang motibo ng pamilya kung bakit nila ako nakuhang ampunin. Hindi ko binigyan ng pansin kung bakit sa public school ako nag-aaral, samantalang si Angelica ay sa pinakamahal na school sa bansa. Hatid at sundo ang ate ko, samantalang ako ay tricycle lang ang sinasakyan.

But I didn’t complain, kahit pa ang baon ko ay sakto lang. Sakto lang para sa pamasahe ko papunta sa eskwelahan at pauwi. Total naman ay nairaos ko ang mga taon na dumaan sa pag-aaral ko.

Dahil ang totoo ay wala akong oras para magreklamo. Kailangan kong makapagtapos ng college this year dahil gusto ko nang makawala sa pamilya ng mga Artemis.

Mabuti na nga lang at may kaibigan akong mayaman na nanlilibre sa akin, eh. At iyon ang kapatid ni Cedric. Si Stefano Arkanghel. Pero ayoko siyang gawing gatasan dahil mabait talaga sa akin ang isang iyon. I don’t want to take him for granted.

Matapos akong maghugas ng pinggan ay lumapit ako sa dalawang magkasintahan at hinatiran ang mga ito ng juice at tarts.

Gusto kong maasar sa totoo lang. Ang problema ay hindi ko kayang maasar kay Rik. Cedric is his real name, pero Rik ang tawag ko sa kanya lalo pa at ako lang ang tumatawag niyon sa lalaki na lihim kong gusto.

I like him… As in, very much. I know it’s wrong, but I can’t help it. Simula pa lang nang makita ko siya rito sa bahay ay nagustuhan ko na siya. I was 13 years old back then, at siya naman ay 18 years old. He was wearing a jersey short at nakasando, kaya kahit kailan ay hindi ko makakalimutan ang payat niyang braso—ang payat niyang braso na sumalo sa akin para hindi ako tuluyang bumagsak sa damuhan.

Pero malaki na ang pinagbago ni Cedric ngayon. Sampung taon na ang nakalilipas kaya he’s now a grown up handsome man. Professional na rin kaya mas marami ang nagkukumahog na mapansin lang ng lalaki. Pero istrikto si Cedric. Mabuti na nga lang at pinapansin niya ako, eh. Malambing siya sa akin—malambing dahil itinuturing niya akong kapatid.

Hindi ko naiwasan ang mapabuntonghininga nang malalim.

“I’ll take this call, Hon,” paalam ni Ate Angelica bago ito tuluyang umalis sa kinaroroonan namin.

“What’s wrong, kiddo?” Masamang tingin ang ipinukol ko kay Cedric kaya itinaas niya ang dalawa niyang kamay. “Pate ba naman ako, kaaway mo na rin?”

“Psh! Ewan ko sa iy—” Ang akma kong paghampas sa kanya ay hindi natuloy dahil nasabit ang paa ko sa paa ng lamesa dahilan para masubsob ang mukha ko sa mismong harapan ni Cedric!

Sa mismong harapan—sa pambaba niya kung saan naroon ang alaga niyang biglang kumilos!

Napatayo ako bigla dahil sa gulat. “A-ano i-iyon?!” Nanlalaki ang mga mata kong nakaturo pa sa pang-ibaba niya. At dahil manipis lang ang jogger pants niyang suot ay nakita ko ang biglaang pag-umbok niyon. Whatever inside his pants was raising like a flag! Mas lalong nanlaki ang mga mata ko!

“Shit! Shit! Close your eyes, kiddo!” utos niya sa akin sabay tayo. Tinakpan niya pa ang mga mata ko bago ako itinulak nang mahina para umalis. “Pumasok ka sa kwarto mo. Mag-uusap tayo mamaya, okay?” Narinig ko pang sabi niya bago ako nagmamadaling tumakbo paakyat ng hagdan.

Nang nasa kwarto na ako ay napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso na para bang galing pa ako sa pakikipagkarera. Napahawak ako sa sa gilid ng bunganga ko kung saan ko naramdaman ang kumislot kanina.

Hindi ako pinanganak sa nakaraan para hindi malaman kung ano iyong kumislot na laman na iyon sa gitna ng hita niya.

Pero iyon ang unang beses kong makadaupang-palad ang ganoon kaya nakakagulat lang talaga. Hindi ako nanonood ng porn videos kaya kahit isang beses ay hindi pa ako nakakakita ng ganoon sa personal. At higit sa lahat ay hindi pa ako nakahawak ng ganoon.

Hindi ka nga nakahawak, pero kamuntikan mo nang maisubo! Masarap ba? Gaga ka talaga, Annabelle!

Binatukan ko ang sarili ko dahil sa kahihiyan na nagawa ko. “Nakakahiya! Paano pa ako makikipag-usap sa kanya ngayon? Nakakahiya! Ayoko na muna siyang makita…” Ngumuso ako dahil naiiyak ako sa nangyari. Ramdam ko kasi talaga na parang patay na biglang nabuhay ang ano niya, eh.

Para makaalis at magkaroon ng alibi ay tinawagan ko si Stefano. Mabuti na lang at agad na sumagot ang loko.

“Ohhh, napatawag ka?”

Napakunot ang noo ko dahil ang pagkakasabi niya ng ohhh ay exaggerated. Hinihingal pa ito.

“Nasa gym ka ba? Nag-e-exercise ka, ano? Hinihingal ka, eh.” Natigilan ako nang may humalinghing na parang kabayo sa background niya. “Ano iyon?”

“Don't mind—ahhhh… Faster, baby, faster…”

Nagtaka ako dahil kakaiba ngayon si Stefano. Dinaig niya pa ang may sapi sa ginagawa niya. At ano iyong faster?

“Inaatake ka ba ng hika mo? Nasaan ka ba? Okay ka lang ba?”

“Ba—kit?”

Nakamot ko ang ulo ko dahil may kakaiba talaga kay Stefano ngayon, eh. Dahil sa pag-aalala ay pinatay ko na ang cell phone at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Nasa hagdan na ako nang makita ko si Cedric kaya kulang na lang ay tumalon ako para lang matakasan siya.

“B-bakit?” nauutal kong tanong sa kanya. Para na naman kasi akong binabambo sa dibdib, eh. Dinaig ko pa ang nasa harapan ng malaking speaker kaya masakit ang kalabog ng dibdib ko.

“Let me explain…”

Umiling ako. “Ano kasi.” Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko makapa ang sasabihin ko. “K-kailangan ako ni Stefano ngayon, eh. Next time na lang. Bye!” saad ko at kumaripas ng takbo pababa ng hagdan.

THE BATTERED WIFE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon