Masyado ng nag aalala si Ferdinand para kay Imelda. Hindi na ito kumain ng maayos simula ng malaman nila na nawawala si Alita. Naging mas mainitin na din ang ulo nito sa kanya kaya sobrang ingat siya sa tuwing lalapit siya dito
'Imelda, tumayo na tayo...'
'Magtatanghali na'
Gising na si Imelda pero ayaw niya lang bumangon. Wala siyang lakas para gawin iyon kahit pa gustuhin niya. Habang patagal ng patagal ay mas lalo lang siya nag aalala sa kanyang kapatid at kung ano ano na ang pumapasok sa kanyang isip. Mga bagay na mas lalo pang nakapagpapahina sa kanya
'Imelda...'
Nagtaka si Ferdinand ng biglang sumimangot ang mukha ni Imelda bago ito dumilat at galit na humarap sa kanya
'Ano ka ba Ferdinand?!'
'Nawawala na nga ang kapatid ko, ganyan pa pinaggagawa mo!'
Nagsalubong ang kilay ni Ferdinand sa sinabi ni Imelda at tatanungin na sana niya ito kung ano ba ang kanyang ginawa ng bigla siya nitong hinampas sa kamay. Mabilis na inalis ni Ferdinand ang kanyang kamay na humihimas pala sa puwitan ni Imelda habang nakapasok ito sa loob ng bistida! Pero, hindi naman iyon sinasadya ni Ferdinand
'Imelda, I'm sorry...'
'Mali ang iniisip mo'
Mabilis na nagbangon si Ferdinand ng galit na inalis ni Imelda ang kumot at saka ito galit na tumayo
'Imelda... hindi... wala akong balak-'
'Anong wala!'
'Ganyan naman kayong mga lalaki!'
'Puros kabastusan na lang nasa isip niyo palagi!'
'Mga hayop kayo!'
'Mga rapist!'
Parang sinaksasak ng napaka talim na kutsilyo sa puso ni Imelda si Ferdinand. Hindi na ito nakagalaw at natulala na lang siya kay Imelda habang si Imelda naman ay mas umiyak lang
'Bakit ba gustong gusto niyo na nang aabuso ng babae?'
Iyak na tanong ni Imelda kay Ferdinand. Si Ferdinand naman ay malungkot lang na nakatingin kay Imelda. Gusto niya itong yakapin subalit kung ganito ang lumalabas sa bibig nito, sigurado siya na hindi nito gugustuhin na madikitan niya ito
'Walang hiya kayong lahat...'
'Bakit kasi hindi na lang mamatay lahat ng rapist e!'
Malakas na hagulgol ni Imelda habang nakatayo lang ng diretso si Ferdinand sa harapan nito
'Ferdinand...'
Natulala na lang si Ferdinand na hindi na namamalayan na tumutulo na din pala ang kanyang mga luha
'Ferdinand ang kapatid ko...'
Hindi pa din gumagalaw si Ferdinand kahit lumapit na sa kanya si Imelda at yumakap na din ito sa kanya
'Ferdinand... baka binababoy na nila si Alita...'
Napapikit na si Ferdinand at napayakap na din ito kay Imelda ng biglang pumasok sa kanyang isip ang karumaldumal na imahe ni Alita. Pilit niya iyong inalis at nag-focus na lang siya sa pagpapakalma kay Imelda
'Tahan na, Imelda...'
'Tahan na...'
Ramdam ni Ferdinand na hinang hina na si Imelda kaya marahan niya itong binuhat papunta sa banyo at saka inupo sa upuan sa loob ng shower room bago siya lumuhod sa harapan nito
YOU ARE READING
You Will Always Be My Hero
RomanceSet in the last year of World War II - 1945 The battle between the Filipino soldiers against the Japanese invaders is reaching it's end Young Ferdinand Marcos was leading his army to victory until he was cornered and was left to die. The beautiful I...