Gumising ako at unti-unting minulat ang mga mata ko. Tumingin ako sa paligid at napagtantong umaga na kaya kinusot-kusot ko ang mga mata ko at umayos ng upo. Luminga-linga ako sa paligid pero wala na doon si Quen kaya tumayo ako at dumiretso sa banyo. I washed my face and brushed my teeth saka ako lumabas ng kwarto.
Napagtanto kong nasa kusina siya dahil amoy ko yung niluluto niya mula sa taas. I was about to go down the stairs when the white cat showed up again.
"You keep scaring me!" Mahina kong sabi nito but it just kept on going around my feet then it stopped and stared at me, like it was asking me to carry him. Natatakot ako pero mukhang hindi talaga ako lulubayan nun kaya binuhat ko nalang siya at sabay kaming bumaba. He was heavy! Pumunta ako sa kusina at nakita nga si Quen doon na nagluluto. His hair was still messy kaya bahagya naman akong natawa.
"Good morning" pagbati ko kaya napalingon naman siya at ngumiti. Damn that smile
"Oh hey, good morning! Are you hungry??" Aniya at binalik ang tingin sa niluluto
"Okay pa naman" sagot ko at umupo sa high chair
"I see you two our getting close" he chuckled, pointing at the cat
"Ewan ko ba dito, ayaw na ako lubayan eh"
"Mukha ka kasing pusa"
"Is that a compliment or an insult?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata
"Ano sa tingin mo?" He smirked
"Bwiset ka" sabi ko kaya tumawa naman siya at nilapag na sa island table yung niluluto niya. It smelled so good!
"Let's eat?"
"How about them??" I pointed the two cats
"They already ate" sagot niya kaya tumango nalang ako at kumain narin. "Grabe, sigurado kang hindi culinary course mo?" Sabi ko matapos malasahan ang luto niya. It was great!
"That was actually one of my options for college, but I only want is a hobby, not a profession." Paliwanag niya kaya tumango-tango naman ako
"So, paano ka natutong magluto??"
"My grandparents taught me how. Simula kasi nung mag retire na sila ay wala na silang ibang ginawa kundi mag luto"
"They must be great grandparents"
"They really are" he smiled
Pagkatapos naming kumain ay nag presenta na akong maghugas ng pinagkainan namin. Ayaw niya pa sana kaso nagpumilit talaga ako kaya wala siyang nagawa. Naglinis nalang tuloy siya ng unit niya. Natawa pa ako kasi mukhang ngayon niya lang ginawa yun at pilitan pa dahil wala siyang magawa. Pagkatapos kong maghugas ay pinatuyo ko na yun sa lalagyan at pinunasan ang kamay ko. Nagpaalam akong aakyat muna sa taas para kunin ang cellphone ko. Ayoko pa sana buksan at tignan yun pero baka kasi pati presidente ng Pilipinas maka alam na nawawala ako. Baka nga pinabalita na ako eh, kingina.
I opened my phone and was surprised to see only missed calls and messages from my parents. So they didn't tell my friends huh? Buti rin, baka pagalitan rin ako ng mga yun. Hindi ko na binasa ang mga messages nila mommy at daddy dahil alam kong puro kasinungalingan nanaman yun kaya binulsa ko nalang ang cellphone ko at kinuha ang bag ko saka bumaba. Uuwi nalang ako para matigil na yung dalawa sa kakatext sa akin. Baka mablock ko pa sila.
"Uuwi kana? Hatid na kita!"
"N-no, it's okay. Mag tataxi nalang ako. Andami mo ng nagawa para sa akin eh"