#12

1.3K 44 0
                                    

Catiana

"I'm getting bored!" sabi ni Synthia na nakasakay sa likod ng nakatatandang kapatid na si Andrei. Malapit na kasing magdilim ngunit hindi pa namin nararating ang bundok. Ni wala pa nga kami sa paanan nito.

Napabuntong-hininga na lamang si Andrei at ibinaba ang kapatid mula sa pagkakasakay sa kaniyang likod.

"But we can't transform Synthia. Ang dala nating damit ay sapat lamang para sa paglalakbay." sabi naman ni Samuel sa kambal.

"Is that a problem? Take off your clothes then!" Synthia rolled her eyes.

Nagkatinginan ang mga lalaki bago hinubad ang mga bag nila at inilagay sa tabi ng malaking puno na malapit sa amin. Lumayo sila sa amin at nagtago sa likod ng mga puno. Maya-maya pa'y lumabas ang limang lobo. Narinig ko ang tawa ni Cassandra nang walang sabi-sabing iniangkas siya ni Sawyer sa kaniyang likod. Si Connor naman ay walang pakialam sa amin at nakaupo lamang habang naghihintay sa amin. Napailing ako at kinuha ang kaniyang bag. Kinuha ko na rin ang bag ni Mason dahil wala namang ibang magbibitbit nito.

Kinuha ni Synthia ang bag ng dalawang kapatid at umangkas sa likod ng kakambal.

Kaming mga babae ay pumunta sa likod ng mga puno at kinuha ang mga hinubad na damit ng mga lalaki. Kinuha ko ang kay Connor at Mason. Mukha namang walang pakialam si Mason kahit ako ang mag-asikaso ng gamit niya. Tila nga inaasahan na niya iyon.

Napatingin ako nang lumapit ang kulay brown na lobo sa akin.

"Get on my back." sabi ni Andrei sa aking isipan. Ang kulay brown niyang balahibo ay kakulay ng kaniyang buhok sa anyong tao.

Akmang sasakay na ako sa kaniyang likuran nang magulat ako dahil may bumunggo sa aking likuran kaya nawalan ako ng balanse. Matutumba na ako ngunit isang malambot na balahibo ang sumalo sa aking likuran. Napamaang ako nang matagpuan ko ang sarili kong nasa ibabaw ng itim na lobo.

Rinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Andrei bago siya umalis sa aming harapan. Napatingin ako kay Mason na ngayo'y nakatingin sa akin. Napalunok tuloy ako at walang nagawa kundi umayos na lamang ng upo sa kaniyang likuran.

I swear I heard Connor's laugh as he ran away from us.

"Don't let go." ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa sinabi niyang iyon na tila punong-puno ng kahulugan sa aking isipan ngunit baka nagkakamali lamang ako. Rinig niya kaya ang malakas na tibok ng puso ko?

Napakapit ako ng mahigpit nang walang sabi-sabing mabilis siyang tumakbo. Naiwan ko ata doon ang kaluluwa ko.

Naabutan namin ang iba. Nakita ko pa ang makahulugang ngiti ni Cassandra at Synthia nang makita kami. Maging ang tawa ni Connor at Samuel.

"Baka naman hindi na natin kailangang pumunta sa bundok." inirapan ko si Samuel nang magsalita siya sa aking isipan.

Malinaw sa akin na walang nararamdaman si Mason para sa akin. Baka nga ginagawa lamang niya ito dahil guilty siya sa masasakit na salitang binitawan niya sa akin noong isang araw.

Nagulat ako nang bumilis na naman ang takbo ni Mason at napalayo kami sa aming mga kasama.

"I'm sorry." natigilan ako sa biglaan niyang pagsasalita sa aking isipan. Nagbaba ako ng tingin sa kaniya ngunit nakatuon lamang ang paningin niya sa harapan.

"F-for what?" tanong ko ngunit hindi na siya sumagot. Napakatipid talaga ng lalaking ito sa salita. Akala mo'y mauubusan siya ng laway kapag nagsalita siya kahit isa o dalawang pangungusap lamang.

Nakarating kami sa bundok at natatanaw ko mula dito ang mga kasama namin na naroroon sa baba. Hindi pa namin nararating ang kalahati ng taas ng bundok dahil nakahanap ako ng spot na pwede naming mapaglipasan ng gabi.

Bumaba ako mula sa kaniyang likuran at agad napatalikod nang bumalik siya sa anyong tao. Walang tingin-tingin na iniabot ko sa kaniya ang kaniyang bag. Ibinaba ko ang bag namin ni Connor sa tabi ng puno.

"Maghahanap lamang ako ng mga kahoy." paalam ko at hindi na hinintay pa ang kaniyang sagot. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil kaming dalawa pa lamang ang naririto.

Wala pa namang isang minuto ay nakabalik na kaagad ako na may dalang mga kahoy. I used my speed. Bihis na rin si Mason nang makabalik ako. Mabilis lamang ang naging palitan namin ng tingin bago ako napatingin sa direksyon ng mga kasama naming kadarating lamang. Bumaba si Cassandra sa likuran ni Sawyer at binigay rito ang kaniyang bag. Kinuha sakin ni Connor ang kaniyang bag.

Napansin ko naman kaagad na tila kulang sila na dumating.

"Nasaan si Andrei?" tanong ko habang lumilinga-linga sa paligid. Nakarinig ako ng buntong-hininga sa aking likuran pero kaagad namang may sumagot sa akin kaya hindi ko na nilingon si Mason sa likod ko.

"I'm here." napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang boses ni Andrei. Paglingon ko ay nakangiti siyang nakatingin sa akin habang may hawak na baboy damo sa kaniyang kamay. Bihis na rin siya. Nanlaki naman ang mata ko.

"You were fast." sabi ko habang nakatingin sa baboy na hawak niya.

"Yeah. It tried to attack me so..." naintindihan ko ang ibig niyang sabihin kaya napatango ako.

Agad kong inayos ang mga dahon at kahoy bago kinuha ang lighter upang sindihan iyon. Kaming mga babae na ang gumawa ng paraan upang mailuto ang baboy habang ang mga lalaki ang nag-aayos ng tent na tutulugan namin. Sila rin ang kumukuha ng mga kahoy upang panatilihin ang apoy.

Matiwasay naman kaming nakakain ng hapunan. Masaya ang naging kwentuhan at nang matapos kumain  at magligpit, napagpasyahang magpahinga na ngunit alam ko namang ilan sa kanila ay gising pa.

"What if, you were given a second chance to be bonded with another mate?" tanong ni Sawyer sa akin. Si Synthia, Cassandra at Samuel ay pumasok na sa tent upang matulog.

Magkakasama kaming magkakapatid sa tent tapos ay ang tatlong Cromwell naman ang magkakasama. Si Sawyer at Mason ay magkahiwalay pa ng tent.
"I don't know. Siguro ay hahanapin ko muna siya tapos ay ipakikilala sa inyo and then bubuo ng pamilya sa malayo at tahimik na lugar." sabi ko na walang kasiguraduhan. "Well... Siyempre kung makilala ko siya ay icoconsider ko ang desisyon niya." dagdag ko pa at nagkibit-balikat na lamang.

"Hindi mo pa nga naiinom ang tubig." sinamaan ko ng tingin si Connor nang sabihin niya iyon.

"Kaya nga what if, 'di ba?!" singhal ko at napairap sa hangin. Uminom ako ng baon kong juice at napatitig na lamang sa apoy sa aking harapan.

"Ano bang ideal type mo sa lalaki, Catiana?" tanong pa ni Sawyer. Ramdam ko ang titig ng dalawang lalaki sa akin kaya medyo naiilang ako sa pagsagot. Isang matalim na titig na nagmumula sa lalaking kaharap ko at umaasang titig mula sa isa. Napahinga ako ng malalim.

"Wala akong ideal guy. Kung tamaan ang puso edi iyon na yun." nanatili ang titig ko sa apoy. Tulad ni Mason, hindi naman ganoon ang ideal man ko dahil napakalayo ng ugali niya kay Daniel ngunit heto at hulog na hulog ang loob ko sa kaniya.

Kailangan kong pigilan ito. Kaya kami nandidito sa bundok ay para magkaroon akong muli ng koneksyon sa ibang tao o lobo.

Ilang minuto pa ang naging kwentuhan bago napagpasyahan ng mga lalaki na matulog na muna. Ngunit kahit ano ata gawin ko ay hindi ako dalawin ng antok. Iyon bang pakiramdam na kanina pang may nagmamasid sa bawat kilos mo.

Inis na bumangon ako sa pagkakahiga at lumabas nalang ng tent upang umupo ulit sa harap ng apoy. I hugged my knees together and stared at the fire. Agad naman akong napapitlag nang makarinig ng kaluskos mula sa kakahuyan.

Tumingin ako doon at inilabas ang matutulis kong kuko. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit. Tiningnan ko muna ang mga tent at naririnig ko ang kalmado nilang paghinga senyales na tulog sila.

Matalim ang tingin na naglakad ako papunta sa kakahuyan, papalayo sa mga kasamahan ko.

"Kaytagal nating hindi nagkita, mahal ko."

MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon