Y/N POV
Pinapakain ko ng tanghalian si Andy nang may narinig akong bell sa labas
"Manang?? May tao ata sa labas, pakitingin naman kung sino iyan" sigaw ko nagbabakasakaling narinig ako ng katulong
Patuloy pa din nagbe-bell ang nasa labas
"Manang?? Please naman, nagpapakain pa ako dito kay Andy"
Ilang minuto ay patuloy paring nag ri-ring kaya ako nalang ang lumabas
Asan na ba iyong mga katulong? Baka nasa bakuran sa likod kaya hindi ako marinig
Ang layo layo pa naman ng gate
Nang nakarating ay binuksan ko ang maliit na pintuan sa gate para makita kong sino ba iyong nag do-dorbell
Si Ferdinand ang bumungad sa akin
Napahinto ako at nanlaki ang aking mga mata
"Ferdinand..."
Ngumiti lang ito
"Anong ginagawa mo dito?" taka kong pagtatanong
"Andyan ba si Greg?" tanong niya
"Wala, may pinuntahan" sagot ko at tumango lang siya
Hindi kami umimik ng ilang segundo at nararamdaman ko nang pagkakailang naming dalawa
"Gusto mo pumasok? Pasok ka muna, mahirap nang naiinitan ang presidente" biro ko at pumasok siya
Umaksyon akong buksan ang buong gate para makapasok ang presidential car ng inudlotan ako ni Ferdinand
"Okay lang, madali lang ako dito. Hindi ako magtatagal" sabi nito at tumango lang ito
Tumungo na kami sa loob
"Ang laki pala ng bahay niyo, parang kasing-laki na to ng malacanang" sabi niya habang kami'y naglalakad
"Ang oa naman hahaha, mas malaki parin yung palasyo" tawa ko
Pumasok na kami sa loob at nakita kami ni Andy kaya tumakbo siya patungo sa amin at biglang niyakap si Ferdinand
"Hi Andy!" bati nito sa aking anak
"Let's eat together" sabi ni Andy habang hinihila papuntang kusina si Ferdinand
"Andy, honey. The president and I have something important to talk about. You go ahead and finish your lunch" sabi ko at bumalik na sa hapagkainan
Tumungo kami ni Ferdinand sa sala at pinaupo ko siya
"So, bakit ka napapunta dito?" tanong ko
"May gusto ka bang sabihin sa akin?" pabalik niyang tanong
Ano daw? Napatawa ako sa sinabi niya
"Kung may sasabihin man ako, sana ako na yung pumunta sa iyo" sagot ko
"Alam ba ni Greg?" diretso nitong pagkatanong
"Ano bang pinagsasabi mo Ferdinand?"
"Alam ba niya na ako ang ama ni Andy?"
Nabigla ako sa sinabi niya
Paano niya nalamang siya?
Tumayo ako
"Ferdinand, huwag ngayon"
Tumayo siya
"At kelan? Itatago mo nanaman sa akin ang anak ko?"
"Ferdinand, please.."
"Alam ba ni Greg?"
"Hindi ko alam!" mahina kong pagsigaw para hindi marinig ni Andy
"Hindi ko sinabi sa kaniya" dagdag ko
"Hiwalayan mo na si Greg" sabi nito at napasama ang itsura
"Naririnig mo ba sarili mo Ferdinand? Pumupunta ka dito para sabihin saking hihiwalayan ko ang asawa ko? Ano ba gusto mo?"
"Gusto ko maging ama kay Andy. Yun lang naman Y/N" pagmamakaawa nito
"I don't think that's a good idea, Ferdinand" at tumalikod ako sa kanya
"Bakit?" paghila niya sa braso
"Look, this is too much to handle right now. If there's any other way for us to talk na wala si Andy, I would appreciate that. Sa ngayon, umalis ka muna. Alam mo naman ang daan palabas. Let yourself out" sabi ko at tumungo na para samahan si Andy na kumain
Nakita kong lumabas na si Ferdinand at sinamahan ng isa naming katulong
Hindi ko malunok ang pagkain ko kakaisip
Gusto kong umiyak
"Are you okay, mommy?" tanong ni Andy
"Mommy's fine" ngiti ko at bumalik na siyang kumain
Tiningnan ko ulit si Andy. Kamukhang kamukha ni Ferdinand. Ang mata, ang ngiti at ang dimples kung ngumingiti
Napaisip ako kung hindi ako pinilit ni mama na pakasalan si Greg, ipapaalam ko ba kay Ferdinand na may anak kami?
Pero nasa mabuting estado na kami ni Andy. Kinikilala na niyang ama si Greg. Wala ng kulang sa buhay ko ngayon kasi may buong pamilya nang kinikilala si Andy
Tama bang bigyan ko pa ng karapatang makilala ni Ferdinand si Andy?
--
A/N: comment down below kung ano gusto niyo mangyari, gusto ko lang malaman thoughts niyo ehe