Sa Muling Pagtatagpo

20 1 0
                                    

K's POV

        Ewan ko ba... Hindi ko rin alam kung bakit nahulog ng nahulog ang loob ko sa taong hindi ko naman dapat mahalin dahil MALI ANG MAHALIN SIYA........ Mali ang panahon, mali ang pagkakataon, mali ang sitwasyon, mali lahat..... Dahil sa muli naming pagtatagpo pareho na kaming di pwede. As in matatawag na kasalanan di lang sa mata ng tao kundi pati sa mata ng Diyos ung nararamdaman na nabuo. Kumplikado sitwasyon.... Maraming taong involve at ang mga tao na un ang masasaktan pag pinilit kung ano man ang hindi dapat.

        Pero ano nga ba tama pagdating sa salitang pag-ibig? Paano mo pipigilan ang nararamdaman gayong hindi mo din naman to pinilit at kusa lamang na bumukal? Ung tipong paggising mo isang araw, iba na, mahalaga na siya sa iyo, hinahanap-hanap mo na siya, yung gusto mo lagi mo siyang nakikita, yung pakiramdam mo kumpleto na araw mo kahit matanaw mo lang siya o kaya magkausap kayo kahit saglit lang.  Yung... basta, parang teenager na una-unang nagkakacrush.... Ung tila may mga paru-paro na nasa loob ng tiyan mo kapag nakikita or natanaw mo na siya... Yung kapag nagkakadikit kayo tila bolta-boltaheng kuryente ang nararamdaman mong rumaragasa sa buong katawan mo.

        Nakakasira ng ulo or I must say nakakabaliw nga yata talaga ang pag-ibig. Alam mo nang mali, alam mo nang bawal, alam mo nang maraming masasaktan pero susuong ka pa rin... Dahil dito ka nakakaramdam ng saya... Saya na pumupuno sa pagkatao mo kahit sa pinakasimpleng bagay na nagagawa niya para sa iyo. Kahit wala nga siyang nagagawa, matanaw mo lang siya, masaya ka na.... Ganun ba talaga pag mahal mo isang tao? Parang ang corny....

        Bigla tuloy bumalik sa aking alaala kung paano muling nagkrus ang aming landas........

       Flashback

        Pagkatapos ng tatlong taon na pagsisilbi bilang isang guro sa pribadong paaralan, naisipan ko na ring mag-apply sa aking Inang paaralan. At sa pagpapala ng Amang Lumikha, ayun, natanggap naman kahit sa simula eh MLSB muna.

        "K, napakaswerte mo at dito ka na sa ating paaralan magtuturo. Mas malapit kumpara mo sa dati ", wika ng isa sa mga naging dati kong guro.

        "Oo nga po", wika ko naman.

        "Natutuwa ako kasi naging napakaganda ng naging training ground mo sa pinanggalingan mong school", wika naman ng isa sa paborito kong guro nung ako ay nasa high school.

        Si Mr. Hunk, ayun patingin-tingin lang at pangiti-ngiti... Pero ang mga tingin niya, nagdudulot sa akin ng kaba, ng takot.... Nakakatakot pa naman ang mga mata niya kung tumitig.... Malalaki... jejeje.... joke lang....

        I must admit, gwapo naman talaga siya.... Mabait... Medyo parang mahiwaga nga lang ung buhay niya kasi sobrang tahimik niya. Nasa isang bahagi lang ng room niya palagi.

       

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon