Chapter 36
Nag-Iisang Tao
Hindi ko ipinagsawalang-bahala ang nakita sa mall. I can't do that. Lalo nang hindi lang basta-bastang kakilala si Margaux. She's Theon's mother. Ang inang iniwan ang anak kay kuya para lang sa pangarap niya. Napakawalang-kwentang rason.
"Talaga bang nandiyan si Theon sa bahay?" tanong ko isang araw na tinawagan ko si Axelius.
Simula noong araw na iyon, halos sampung beses sa isang araw akong nagche-check kay Theon. I'm scared.
Ngayong bumalik na si Margaux, may posibilidad na makikipagkita siya sa anak niya. Kakausapin noon si kuya at siguradong pakikiusapan na kahit isang araw lang ay makasama niya ang anak niya. Iyon ang ikinatatakot ko. Baka dumating sa punto na iyong isang araw ay maging palagi. Ayoko namang kunin niya si Theon sa akin. I won't let her.
"Yes, Ate. He's in his room." sagot ng kapatid ko.
Bumuntong-hininga ako bago nagpaalam.
Busy ako sa trabaho pero isinasantabi ko muna ang mga ito para lang makasama si Theon. Hindi ako nagiging pabaya sa Artiose. Sinisigurado ko lang na hindi magkikita si Margaux at ang bata.
The next days, dumalas ang pagsusuka ko. Mas dinadalaw na ako ng antok kaysa noon.
I bit my lip. Isa rin sa bumabagabag sa isipan ko ang pagbubuntis ko. Wala pa akong oras na sabihin kay Heeven ang tungkol dito. Alam kong busy siya these past few days. Ina-update niya ako minsan. I don't know why pero ginagawa niya iyon lagi.
Um-absent ako isang araw sa trabaho nang dumating ang birthday ni Theon. I decided na kumain kami sa labas. Sa malapit na restaurant lang para hindi namin maka-krus ng landas si Margaux.
Sinigurado ko munang wala siya sa loob ng restaurant bago kami tumuloy ni Theon.
"And what's your favorite dish? Buttered chicken!" nakangiting sabi ko saka inilapit sa kaniya ang si-nerve sa aming pagkain.
"Thanks, Mommy!" aniya at ngumiti.
Lumabas ang biloy niya sa pisngi. Napangiti na lang din ako. Pero ang tuwa na ngiting iyon ay napalitan ng matabang. Paano kaya kung mawala si Theon sa akin? Kakayanin ko ba? I mean, ako na ang nagpalaki sa kaniya. I did everything just to give him a comfortable life. Mula pagkabata, ako na ang nasa gilid niya at inaalagaan siya. Paano kung dumating ang araw na mapagdesisyunan nina kuya at Margaux na magkabalikan tapos kukunin nila si Theon? Darn. Iniisip ko pa lang ay nanlulumo na ako.
I erased that thoughts from my mind and just focused on eating.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa carpark.
"Nabusog ba ang baby ko?" ani ko nang suotan ko siya ng seatbelt.
Tumango siya. Ngumiti na lang ako at nag-drive na.
Nasa may party district na kami nang magsalita si Theon.
"I want to go to the enchanted kingdom, Mommy!" aniya.
Nilingon ko siya, "Gusto mo?" tumango siya. "Alright, then." pagpayag ko at dumiretso na sa enchanted kingdom.
Sa entrance pa lang, talak na siya nang talak tungkol sa mga rides na gusto niyang sakyan. Napapangiti na lang ako dahil sa kadaldalan niya. Hanggang sa bumili ako ng ticket at pagkatapos ibinigay na iyon sa nagbabantay.
Inuna namin ang ferris wheel.
Natigilan ako nang maalala ang dinanas ko dito.
I was brokenhearted that time and I came here, riding ferris wheel, roller coaster, and merry-go-round. I remember how I didn't cried and even felt something when this ride started to moved. Tanging wala lang akong maramdaman doon. Pero nang dumating na ako sa roller coaster, I burst in tears.
BINABASA MO ANG
Never Say Never (Serie De Amor #2)
RomansaLove comes in an unexpected way, unexpected place, and unexpected scene. That's right. Fern Silver Gomez is still an infant in love industry that's why when she met her friend's cousin, she felt tons of foreign feelings. That's when she realized tha...