Chapter 1

1.1K 20 1
                                    

Danielle's POV

Pinatay ko ang alarm ng cp ko, kailangan ko ng gumising dahil maaga ang pasok ko. Kahit tinatamad pa ko, bumangon na ko kahit nakapikit pa, konting inat-inat at iniligpit ko na ang hinigaan ko. Paulit-ulit lang ang routine ko sa umaga, gigising, magliligpit, maliligo, kakain at papasok na sa trabaho. Minsan nakakasawa na, wala na bang bago? palagi kong tinatanong sa sarili.

Buti pa nung nag-aaral ako hindi nakakasawang pumasok. Lagi ko kasing nakikita yung crush ko, kahit na palagi nya akong pinagtitripan. Chaka ko pa kasi dati, hindi ako nag-aayos. Wala kahit anung make-up or polbo sa mukha ko, kaya kung titingnan para lang akong elementary na naligaw sa grupo ng mga college.

No doubt na palagi akong nabu-bully ng mga classmates ko, pero kahit ganun hitsura ko, may laman naman tong utak ko nuh! Di katulad ng karamihan, Ganda lang! Hahaha

Nangingiti na lang ako pag naaalala ko yung dati, I mean yung time na hindi pa ako tao. Pero ngayon nag evolve na ko (anu to pokemon? Hahaha) seriously, malaki na din yung pinagbago ko, kung dati para lang akong dumi na dinadaan daanan, ngayon ako na yung tipong binabalik balikan ng tanaw (oh di ba bongga?!)

Tumapat na akong shower at naligo habang minamasdan yung repleksyon ko sa salamin (yup! May salamin sa banyo namin pero maliit lang, kita hanggang balikat)

"Alam mo, gwapo ka sana eh, kaya lang ..." sabi ko sa repleksyon ko sa salamin.
Palagi yun ang linya ko sa tuwing makikita ko ang sarili ko sa salamin. (Parang tanga lang eh nuh?)

Motivation ko yun tuwing umaga. Bumyahe na ko kahit napakaaga pa, habang nasa byahe nadaanan ko yun school namin. Napangiti na lang ako habang inaalala ang nakaraan...

ring ..... Ring ..... Ring..

patakbo akong naglalakad nun dahil nagbell na, kung bakit pa kasi ang layo ng room ko sa first subject, nasa dulong building pa ...

Blag!!!
"Aray .." reklamo ko
"Pwede bang tingnan mu yung dinaraanan mu?" Sabi ng isang tinig
"Sorry, nagmamadali kasi ako, pasensya na talaga" sabi ko, pero natigilan ako ng masilayan ko ang mukha ng nabangga ko. Maganda sya, matangkad parang beauty queen. Siya siguro yung pinaguusapan ng mga lalaki kanina na campus crush. Ang ganda pala talaga niya, pero mukhang masungit.

"Sige na, forgiven, but nextym be careful ok?!" may halong pagkainis niyang sabi
"O..ok" utal kong sagot, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw.
"Ganun na lang yun girl? If i were you, binura ko na yung mukha nun" narinig kong sabi nung isang kasama niya.
"Don't mind her, ayokong masira yung mood ko dahil lang sa kanya" sagot niya.
Para akong sinasak sa dibdib ng marinig yun.
"Patingin nga ng uniform mu girl, baka kasi bumakat yung chaka nyang mukha hahaha" dagdag pa ng isa nyang kasama at nagtawanan na sila.

Nanghihina akong lumakad papunta ng room. Haays malas ko ata ngayung araw. Pero atleast, nagkakulay ang buhay, anu kayang name niya? nasabi ko na lang sa sarili.

Pagtapat ko sa pintuan, hindi agad ako nakakilos, napako ang tingin ko sa ikatlong row ng upuan sa bandang kaliwa.
"Damn.." mahina kong sabi
Bakit sa dinami dami pa ng tao, ako pa?
Tama, klasmeyt ko sila! Bakit hindi ko napansin na pareho kami ng pupuntahang room, ganun ba ko katagal na nag iisip?

Tadhana nga naman oh, ako pa ang napaglaruan.

"Ms. Vidal, maupo ka na at magstart na ang klase" sabi ng prof.
"Opo mam" tugon ko.

Wala ng ibang bakante bukod sa upuan sa tapat nilang tatlo. Wala na akong choice kundi umupo na lang.

"Mam nandito na po tayo." sabi ng driver ko.
"Ok, thanks kuya sam sa uulitin po" nakangiti kong tugon sa kanya

Sinalubong ako ng mga empleyado sa lobby na nakangiti.
"Good morning Ms. V" bati nila sa akin
Nginitian ko lang sila bilang tugon. Dumiretso na ko sa elevator at pinindot ang button sa pinakataas na palapag.

Uo dun ako sa tuktok , hehe i mean sa executive floor. Pagpasok ko, wala pa ang aking secretary na si Macey, kaya tumawag ako sa receptionist para kumpirmahin kung bakit wala pa ito. Mas maaga kasi syang pumapasok kaysa sakin kahit alas 8 pa ang oras ng trabaho.
Umuwi daw ito agad na umiiyak at hindi nila makausap. Ano kayang problema niya at kailangan nyang umalis, mukhang emergency dahil hindi na nya nagawang magpaalam pa. Umupo na lang ako sa aking swivel chair at nagpaikot-ikot na parang bata. Nakakabagot at wala akong makausap kaya nagpasya na lang akong maglakad lakad muna.

Sa paglalakad ko, napasilip ako sa window glass ng hr, may nakita kasi akong babaeng iniinterview. Tinitigan kong mabuti ang pamilyar na mukha. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makilala ko kung sino. Si Belle, anu kayang ginagawa nya dito? Agad akong bumalik ng office ko, hindi ko alam kung anung gagawin ko, inayos ko ang mga papel at folders kahit naman nakaayos na. Kinakabahan ako na hindi ko mawari kung bakit.
"Damn!" .. mahina kong sabi
"Bakit parang natataranta ka dyan D?" tanong ng isang tinig
Paglingon ko, si Grace nakatayo sa pintuan
"Ah, eh wala naman, may hinahanap kasi ako" pagsisinungaling ko
"Talaga lang ah? eh kanina mu pa inaayos yang mga nakafile dyan" panunukso nya
"Anu bang kailangan mu nanaman ha?" Pagsusungit ko
"Ito naman, aga-aga ang init ng ulo mu" pang-aamo nya
"Kasi nakita kita kaya uminit agad ulo ko" sagot ko
"Aayain lang naman sana kitang mag lunch mamaya" si Grace
"O sige na, dadaanan na lang kita mamaya" pagtatapos ko ng usapan
"Ok, see yah" paalam nya

Napapailing na lang ako. Hindi ko alam kung bakit ganito yung naramdaman ko nung makita ko si Belle kanina, may saya at kaba akong naramdaman. Hindi ko naman maitatanggi na kahit matagal ko syang hindi nakita, andun pa din yung pakiramdam katulad ng dati, kapag ninanakawan ko sya ng tingin.

_______*_______*_______*________*_______*_______*_________
thanks for reading .. :)

The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon