"Rose, let's go. Malalate tayo niyan!" rinig kong sigaw ni Rachel galing sa labas ng gate namin.
Monday kasi ngayon at start na ng klase namin kaya kailangan maaga dahil may Flag Ceremony pa kami at bawal ma-late. Iyon ang isa sa mga rules sa school namin, kapag nalate ka ma-dedetention ka. At kahit first day pa lang ay hindi iyon dahilan para exempted ka sa detention.
"Andyan na!" sigaw ko at kinuha ang bag ko. Bago pa ako makalabas ay humalik muna ako sa pisngi ng Nanay ko at ngumiti ng pagkatamis tamis.
Tumakbo naman ako palabas ng bahay at pagkabukas ko ng gate ay masama ang tingin sa akin ni Rachel. Nagpeace sign lang naman ako sa kaniya bago isara ang gate namin at kumapit na ako sa braso niya.
Rachel and I are elementary bestfriends. Naging malapit na kaming magkaibigan simula noong ipagtanggol niya ako sa mga classmate namin na binully ako dahil sa pagiging chubby ko dati and doon din nagsimula na may tumigil sa akin mambully dahil natatakot sa kaniya. Nasa Grade 9 na kaming dalawa ngayon at hindi na rin kami mapaghiwalay ng section, sabay kami lagi nag-eenroll para magkaklase pa rin kami.
"Wala ka ba nakalimutan ha? Baka mamaya kung anu-ano nanaman pinag gagawa mo sa kwarto mo at nakalimutan mo ang ilang mga bagay na kailangan mo." sabi niya sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Ano ba, palagi mo na lang ginugulo buhok ko porket mas matangkad ka at abot na abot mo ako ha." naiiritang sabi ko sa kaniya at tinapik ang kamay niya.
"Sus, hindi mo lang ako abot kaya ganyan ka." natatawang sabi niya sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Natawa na lamang siya ulit at nagpatuloy na kami maglakad.
Walking distance lang ang school namin, hindi na rin kasi ako pinalayo ni Mama ng school dahil nasa junior high school pa lang kami at ayaw niya na kung saan saan ako maglakwatsa. Okay lang din naman sa akin 'yon. Hindi naman kasi ganoon kaboring dito sa lugar namin at may mga establishment naman na pwedeng puntahan at pagtambayan, katulad na lang ng coffee shop na pag-mamay ari nila Rachel. Doon kami madalas lalo na kapag may ginagawa kaming assignments and projects.
Minsan nga ay natutuwa na lamang ang Mommy niya dahil doon lang kami tumatambay at hindi kami pumupunta sa kung saan saan. Okay lang din naman iyon sa akin, dahil hindi naman ako ganoon kalakwatsera at gusto ko manatali lang sa iilang lugar.
"Bilisan mo na maglakad. Jusko para kitang kinakaladkad sa ginagawa mo eh." sabi niya at pinamadali na ako maglakad. Hindi na ako kumontra at sumabay sa paglalakad niya. Para naman akong lakad takbo dahil mahahaba nga ang mga binti niya at ang akin ay hindi naman ganoon.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa tapat ng gate bago pa ito maisara. Narinig ko naman na may mga tumatakbo sa likuran naming mga estudyante.
"Magandang umaga, Kuya guard!" masayang bati namin ni Rachel at kumaway lamang at tumakbo na papunta sa outdoor court.
"Doon tayo! Saan ka pupunta dyan?" hila ni Rachel sa bag ko ng maglakad ako sa kabilang direksyon.
YOU ARE READING
Moon and Sunset (Short Story)
Teen FictionShe's mesmerized by the beauty of the moon, but she also needs to see the beauty of the sunset. "Sunset is breathtaking, right?" Rose said while looking intently at sunset. "No, the moon is much more beautiful than the sunset." Rachel said it while...