CHAPTER 1

3.1K 51 15
                                    

Tasha


 Unang araw ng trabaho ko sa mansyon ng mga Villamar, bilang isa sa kanilang taga silbi.

 Kaka-graduate ko pa lamang ng high school noong nakaraang taon, at sa edad na dese seite anyos, punong-puno pa ako ng pangarap. Marami pa akong gustong marating at maabot sa buhay.
 
Unang-una na roon, ang makapagtapos sa kolehiyo. Pero mukhang sa ngayon, ay malabo pa iyong mangyari. 

Sa estado kasi ng aming pamumuhay, ay parang malabo pa talagang  matupad ko ang pangarap kong iyon. 

Ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid. Si Nanay ay tumatanggap lang ng paglalabada. 

At si tatay naman sa ngayon, ay may sakit na sa kakasaka sa maliit naming lupa.

 Mahal ang mga gamot ni Tatay na kailangan n'yang inumin ng tuloy-tuloy.

Nang mabalitaan kong naghahanap ng karagdagang kasambahay ang butihin namin Governor, ay nakipagsapalaran akong mamasukan at nagbakasakali akong  matanggap.

Nag-aalangan man akong mamasukan noong una, dahil bukod sa napakabata ko pa ay bali- balita ang pagiging manyakis ng panganay na anak ni Governor. 

Naireklamo na nga raw ito noon dahil nagawa nitong pakialamanan  ang isa sa kanilang mga katulong. 

Ang bali- balita pa, ay kinausap ni Governor ang mga magulang ng biktima at inareglo na lang ang mga ito.

Binayaran daw ng malaking halaga ang kawawang biktima.

Hindi lamang daw ito ang unang beses na nasangkot ang binatang Villamar sa panggagahasa. 

Maraming beses na rin daw itong nasangkot  sa mga gulo.

 Bali-balita rin ang pagkakaroon nito ng garapal na pag-uugali at ang matinding pagkakailag ng lahat sa kan'ya. Lalo na ang  kanilang mga tauhan.

Pero wala akong maaring mapagpilian para kahit paano ay makatulong kila Nanay sa mga gastusin.

Napaka-importente rin sa akin ang pagpapagamot ni Tatay at mabili ang mga gamot na kailangan nitong e-take sa araw-araw. 

Kaya kong magsakripisyo para sa aking pamilya. Kaya kong isakripisyo kahit pa ang aking mga pangarap para makatulong lamang kila Nanay at Tatay.

Dala-dala ang konting tapang at lakas ng loob ay namasukan nga ako bilang isa sa mga kasambahay ng mga Villamar. 

Nakatoka sa akin ang paglilinis ng mga kuwarto ng magkakapatid na Villamar. Pati ang pagdidilig ng mga halaman at pagtulong sa kusina.

Tatlo silang magkakapatid na puro lalake. At kumpara sa panganay na puro bad record ang naririnig ko'y,  kabaliktaran naman ang  patungkol sa dalawang nakababatang Villamar.

Ang mga ito'y pawang mababait at may respeto sa kanilang kapwa. Marunong makisama raw ang mga ito, kahit pa sa mga ordinaryong mamayan.

Ang balita nga ay nakakahawig ng pangalawang binatang Villamar ang pag-uugali ng ama nito. 

Kaya may haka-haka ang mga tao na marahil ay ito ang susunod sa yapak  ng kan'yang ama sa larangan ng politika. 

Natapos ang unang araw ko sa mansyon na mapayapa at makabuluhan. Napag-alaman kong wala ang panganay na Villamar ngayon sa mansyon. Nakahinga ako ng maluwag dahil do'n.

Nasa Maynila raw ito ngayon, at dinalaw ang  isang pinsan. 

Nakilala ko ang dalawa pang magkapatid na Villamar at tunay nga ang mga naririnig ko patungkol sa mga ito.

Pawang mababait at marunong makisama ang mga ito, sa mga tao.

Sa unang araw nga lang ng pagtatrabaho ko sa mga ito ay naging malapit na ako sa bunsong Villamar. 

The Beast's Obsession Akin Ka At Age 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon