~~Zaturnino~
Maingay na ang grupo pagdating ko ng hide out. Umuusok na ang paligid, dahil sa mga hinithit na sigarilyo.
"Hi boss!" tumango lamang ako.
"Andito na si boss o," anang isa pa. Bawat maraan kong tauhan ay binabati ako. At tanging tango lamang ang sinasagot ko sa kanila.
Nagkalat na ang basyo ng mga alak sa sahig. Ilang araw akong nawala.
Namalagi ako ng ilang araw sa Davao para kunin ang mga babaeng na-recruit ng isang tauhan ko roon upang dalhin naman ang mga iyon sa Maynila.
Napasali ako sa grupong ito nang mag-umpisa akong magrebelde sa aking Ama.
Apat ang tumatayong pinuno, sa grupo. At isa na ako roon. Isang anak ng congressman, ang isa sa kasamahan ko. Ang isa ay anak ng isang Senador. Ang isa naman ay anak ng isang mayamang negosyanteng intsik.
At ako, na isa ring anak ng politiko.
He is the good Governor in our town. A good Governor huh? tsk!
That's what people knew about him.
Pag dating sa paglilingkod sa ibang tao doon siya magaling.
Magaling talaga bilang Ama ng bayan!
Pero sa akin?....... Bilang Ama? Tsk!
I'm his first child. His son from his first wife!
I was 18 when my mom died, because of leukemia. My mom came from the most richest family in our town.
Ang tatay ko ay tauhan lamang ni Lolo sa kan'yang kompanya. He's the failure from Villamar siblings!
Puro pangbabae at pangbubulakbol daw ang inatupag niya, kaya wala siyang narating! At kung hindi nga nito napangasawa ang Mommy ko, ay baka pulubi pa rin ito hanggang ngayon!
Hindi ko lang matanggap nang matuklasan ko na lang na habang naghihirap si Mommy sa pakikipaglaban sa sakit niya, ay nagkaroon naman ng relasyon ang Tatay ko sa iba.
And that's with my Madrasta! The second wife of my Dad.
Hindi ko matanggap na niloko ni Dad ang Mommy ko.
Lahat ng kayamanan na naiwan ni Mom? Ang pangalawang asawa niya ngayon ang nagpapakasasa.
Lahat ng pinaghirapan ng Mommy ko!
'Yong mga kapatid ko sa pangalawang babae niya ang higit na nakikinabang!
Gusto kong hawakan ang lahat ng negosyong naiwan ni Mom pero hindi pumayag si Dad!
Mas binigyan niya ng karapatan ang babae niya na hawakan ang ibang mga negosyo kesa sa akin na sarili niyang anak!
Na mas higit na may karapatan sa mga negosyo at perang naiwan ng sarili kong Ina!
Kung hindi lamang sa kondisyon ng last will and testament ng Mommy, baka hindi na ako umuuwi at nagpapakita sa Mansyon na ito!
But I need to stay here! 'Yon ang isang kondisyon sa last will ng Mom. Kailangan kong manatili sa poder ng aking Ama hanggang maging 30 anyos na ako!
Tignan n'yo nga kung anong klasing kalokohan 'yan?
30 anyos? Really?! I can't believe it!
Hinala ko nga baka hindi na talaga galing kay Mom ang kundisyon na yan!
Baka gawa-gawa na lang ng magaling kong Ama ang lahat para hindi maialis sa pangangalaga niya ng ganon kaaga at kadali ang pagpapatakbo, sa mga negosyo. Pati rin ang pagsalin sa akin ng iba't-ibang properties na naiwan ni Mom.
BINABASA MO ANG
The Beast's Obsession Akin Ka At Age 18
Romance❗❗❗ PUBLISHED AT IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE❗❗❗ Anastasha Natividad is the perfection of woman to describe by Zaturnino Villamar.. At Age 17, kapansin-pansin na ang likas niyang ganda. Kaya naman marami ang nahuhumaling sa kan'ya, at isa na...