It's been 5 months nang magsimula ang klase at palapit na ng palapit ang NCAE. Saturday ngayon at walang pasok sila Mama at Papa kaya andito lang kami sa bahay. Alas otso na ng umaga at inaayos ko ang lamesa para makakain na kami.
"Good morning, Pa." bati ko sa kaniya ng makita kong pumasok siya sa dining. Umupo naman siya sa inuupuan niya at sabay nito ay lumabas si Mama sa kusina dala dala ang kape ni Papa.
"Good morning, anak. How's your sleep?" tanong niya at kinuha ang dyaryo na malapit sa kaniya. Kinuha ko naman ang hawak hawak ni Mama na ulam namin at ipinatong sa lamesa.
"Good, Papa. Alis po pala ako later, punta po ako kina Rach. Magrereview po kami for NCAE eh." sabi ko ay naupo na rin sa upuan na katapat ng inuupuan ni Mama.
Umupo na rin naman si Mama at pinagsandok si Papa ng kanin at ulam. "May naiisip ka na ba na strand na kukunin sa SHS mo, Rose? Dapat iyong tutugma sa course na kukunin mo sa college mo." sabi niya sa akin bago sumimsim sa kape niya. Ibinaba ko naman ang kutsara at tinidor na hawak ko.
"Papa, I want to be Doctor." and there, I said it. Napahinto siya sa pagbuklat niya ng dyaryo at ibinaba iyon. Tumingin naman siya sa akin ng nagtataka.
"What? I thought you want to be a lawyer?" takang tanong niya sa akin.
"No, Pa. I want to take STEM so that I can pursue my dream profession." sabi ko sa kaniya at tumingin ng seryoso sa kaniya.
"Why didn't you tell us, anak?" tanong ni Mama sa akin. Huminga ako ng malalim at tinignan sila pareho.
"Akala ko po kasi magagalit kayo sa akin dahil ibang field ang pipiliin ko. At gusto po mo po Papa na magtake ako ng pre-law." mahinahong sabi ko sa kanilang dalawa. Huminga naman si Papa ng malalim at hinawakan ang kamay ni Mama.
"Rose, hindi ka namin pinipigilan kung ano ang gusto mo. Okay lang sa amin kung ano ang gusto mo. Pasensiya ka na, na-prepressure ka siguro sa mga sinasabi ko sayo. Lagi mo tatandaan na nasa iyo pa rin ang desisyon. Hindi naman namin hawak ang desisyon mo eh, kaya kunin mo ang kursong gusto mo. Susuportahan ka namin ng Mama mo.
Napaluha naman ako noon at tumango tango. Tumayo si Papa at humalik sa noo ko at niyakap ako. Napatawa na lang din kaming tatlo at nagpatuloy sa pagkain.
Matapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at nagsimula ng mag-ayos, ang usapan namin kahapon ni Rach ay sa kanila kami magrereview for NCAE dahil isang buwan na lang ay exam na. Kailangan namin mareview lahat isang linggo bago ang exam para makapagpahinga rin naman kami.
Naligo at nagbihis lang ako ng t-shirt and maong shorts na hindi naman kaiklian at tsaka kinuha ang flat sandalas ko at nagtali ng buhok. Kinuha ko na ang bag ko na may laman ng mga reviewers and notes at bumaba na. Naabutan ko sila Papa at Mama na nanonood ng TV sa sala.
"Alis na po ako, balik po ako before dinner." sabi ko sa kanila at humalik sa pisngi nila. Lumabas naman na ako ng bahay at naglakad papunta sa bahay nila Rach.
YOU ARE READING
Moon and Sunset (Short Story)
Teen FictionShe's mesmerized by the beauty of the moon, but she also needs to see the beauty of the sunset. "Sunset is breathtaking, right?" Rose said while looking intently at sunset. "No, the moon is much more beautiful than the sunset." Rachel said it while...