Nathan's POV
Natapos ang maghapong klase, nakakapagod pero hindi ko alintana yun ngayon dahil kasama ko naman si Timothy. Kakaiba siya ngayon nakakapanibago pero masaya ako na nakikitang nakangiti siya ng totoo at hindi pilit. Naglalakad na kami ngayon papunta sa pinagparkingan niya ng sasakyan at kahit tahimik kami pareho ay hindi naman nakakailang ang katahimikan.
" Ok ka lang ba? Kanina ka pa tulala habang nakangiti! Wag mong sabihing nababaliw ka na?" Biglang sabi ni Timothy kaya napatingin ako sa kanya.
"Tanga hindi! Abnormal ka masaya lang ako kasi masaya ka!" Sabi ko at nginitian siya.
"Alam ko gwapo ako Nathan pero wag mo masyadong ipahalata!"
"Luh! Kapal mo! Anong connect nun sa masaya ako kasi masaya ka?" Nakakunot noong tanong ko.
"Aminin mo na lang kasi!" Patuloy na pang aasar niya habang humahabol sakin.
"Oo na lang!" Pagsuko ko ng hindi parin siya tumigil.
"Gala tayo?" Tanong niya bigla.
"Saan? May pasok pa tayo bukas baka gabihin tayo masyado kung gagala pa tayo!"
"Hindi yan ako bahala!" Nakangiting Sabi niya kaya sumunod na lang din ako sa kanya dahil ayokong sirain ang araw niya.
"Nagugutom ka na ba?" Biglang tanong niya ng makapasok na kami sa sasakyan niya.
"Hindi naman bakit?"
"Sabihin mo pag gutom ka na para makahanap tayo ng makakainan natin!"
"Anyare sayo?"
"Bakit?" Takang tanong niya pabalik
" Ah wala!" Pagsabi ko non ay tumingin na ko sa may bintana ng sasakyan. Hindi gaya sa Isla napakaraming matataas na gusali sa lungsod, maingay at hindi sariwa ang hangin." Foundation week ng school next week papasok ka pa ba? Wala naman daw gagawin non!"
"Hindi na siguro ikaw ba?" Tugon niya
"Sa isla na muna siguro ako! Ayoko talaga dito maingay na nga, wala pang sariwang hangin!" Sabi ko sabay buntong hininga
"Sama ako!" Masiglang sabi niya.
"Pano kung ayoko?" Seryosong ko namang tugon.
"Bahala ka!" Pagkasabi niya non ay bigla na lang itong nanahimik.
"Hala nagtampo ka? Joke lang naman yun eh! Biro lang kasi!" Sabi ko habang nakatingin sa kanya na tahimik parin.
"Timothy!" Tawag ko sa pangalan niya.
"Hmm?" Na tanging tugon niya
"Galit ka ba? Biro lang naman yun syempre isasama kita dun! That's our escape place diba?!"
"I'm not mad!" Tipid na sagot niya.
"Tampo ka?" Tanong ko ulit
"No!"
"Then what? Why are you like that biro lang naman kasi yun!"
"Nothing!"
"Timothy ano ba biro nga lang I want you to be with me there! Simula nung dinala kita dun alam kong ikaw na gugustohin kong makasama lagi dun!
"You want me? Di pa tayo off limits pa!" Biglang hirit niya.
"Bwesit ka talaga!" Singhal ko sa kanya na ikinatawa naman niya.
"Biro lang! Ang sarap mong inisin, para lang batang paiyak na kanina!"
"Ewan ko sayo Timothy!"
Tumawag lang siya sa sinabi ko at naging tahimik ulit kami sa loob ng sasakyan, lumipas ang mga oras at kung san san na kami nakapunta, sobrang saya ko na hindi ko maipaliwanag. His so different sobrang gaan ng loob ko sa kanya, parang ang tagal na naming magkakilala! I'm so happy that I met him, at sigurado na ko na kahit sandali pa lang kaming magkakasama minamahal ko na siya.
"Nathan!" Tawag niya bigla sakin nandito kami sa tapat ng kotse niya ngayon
"Oh?"
"I wanna ask you something?"
"Ano naman yun?" Tanong ko.
"Pag ba tinanong ko kung pwede kitang maging boyfriend papayag ka?"
"Hoy ano? N-nagbibiro ka noh?" Natataranta kong tanong pabalik
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"H-hindi pero ano kasi-"
"Ayaw mo? Don't worry I'm not rushing you naman!" Nakangiting sabi niya.
"No, nagulat lang ako but of course I'll say yes to you anytime you ask me!"
"So tayo na?" Biglang hirit na naman niya
"Hindi ba parang ang bilis? Teka naman muna akala ko tanong lang totoo pala"
"Just answer me Nathan!"
" Oo na nga! Oo na!" Sagot ko, bigla naman siyang nagsisigaw sa saya at niyakap ako ng mahígpit na ikinatawa ko na lang.
"Thank you!" Sabi niya na di parin bumibitaw sa yakap.
"For what?"
"For coming into my life! Ang laki ng nabago sa buhay ko sa sandaling panahon, nakaramdam ako ng tunay na saya na kahit kanino di ko pa naramdaman noon —I hope you'll stay as long as we're breathing!" Sabi niya sabay layo sakin at tumingin sa mga mata ko na alam kong ano mang oras ay may tutulo ng luha.
"I will stay with you in every lifetime we had Mi amor!" Nakangiting sabi ko
"That's my love in English! Cute!" Natatawang sabi niya.
"Singcute ko ba?" Biro ko
"You're the cutest love!"
"Luh parang tanga to!" Nagpipigil ng ngiti na sabi ko
"Kilig ka lang eh! Tara na nga hatid na kita anong oras na din!" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at iginaya papasok sa sasakyan.
Binabaybay na niya ang daan pauwi samin tahimik lang ko habang hawak ng isang kamay ni Timothy ang kamay ko. Paminsan minsan din ay tumitingin siya sakin. Nang nasa tapat na kami ng bahay ay hindi niya ako hinayaan bumaba mag isa bagkos ay pinagbuksan pa niya ako ng pinto.
"Thank you Tim!" Nakangiting sabi ko ng nasa tapat na ko ng gate namin.
"You're always welcome amor! Sige na pasok ka na!"
"No, titignan ko hanggang makaalis ka promise papasok agad ako pag hindi ko na kita sasakyan mo!"
"Ok will see you tomorrow! Text agad ako pag nasa bahay na ko! Te amo!"
"Te amo, mag ingat ka sa pagdadrive!"
Walang salitang sumakay na siya sa sasakyan at kumaway muli bago tuloyang umalis. Tinanaw ko ang sasakyan niyang papalayo hanggang sa hindi ko na ito makita, napabuntong hininga ako at napahawak sa dibdib ko na walang ibang nararamdaman kundi saya.
"If this is what happiness felt like, ayoko ng mawala to lalo ka na Timothy. Ilalaban kita kahit mali mahal ko!" Sabi ko sa isip ko.
Third person POV
Muling sumugal ang dalawang pusong naliligaw pa sa katutuhanan, sila kaya'y pagbigyan na ng tadhana p sa pangalawang pagkakataon muli sila'y masisira at pagmamahalan na muling sinimula'y magwawakas ng hindi inaasahan.

BINABASA MO ANG
Hindi Tugma
Fiction HistoriquePaano magiging tama ang minsan ng naging maling pag ibig? Kakayanin pa bang ilaban o isusuko na lamang at hindi na muling hihiling ng pangalawa pang panahon para sa kwentong hindi naging maayos ang takbo para sa dalawang taong nagmahal ng totoo ngun...