7/11: When It Started And Ended

8 2 0
                                    

Due to a strong Typhoon that recently fall on our province and the neighboring places, the electricity and networks was cut off. It was so hard for us to adjust, of course. Because we aren't really used of living like this. Electricity-less and network-less. Or...whatever you call it.

Katulad ng lagi kong ginagawa every early six ng gabi, pumunta ako sa kapitbahay namin para manghingi ng permiso ulit kung pwede ba akong maki-charge. Kahit na alam ko namang pwedeng-pwede dahil asset na nila ako. Dun ako laging nagcha-charge sa kanila eh.

May isa din kasi kaming kapitbahay na nagpapa-charge every 1 o'clock ng tanghali hanggang four to five ng hapon. Sina Mama nga tsaka yung mga kasama ko dito sa bahay, dun din nagcha-charge.

Ehh ako? Dun kina Mazel kasi free ako dun ehh. Wahahaha. Palibhasa medyo close kaming dalawa, kaya kahit ata gabi-gabi akong nagcha-charge sa kanila, ayos lang.

Connections tawag diyan.

"Nagda kag extension, Euriz?" kaagad na bungad sakin ni Nikki nang makarating ako sa mismong pinto nila. Siguro nahulaan niyang pupunta na naman ako sa kanila para maki-charge, kaya inabangan agad ako. Wehehe.

Napangisi ako.."Mangutana unta kog mosugot ba mo. Hehe." ani ko bago ko siya tinalikuran at dali-daling pumunta ulit sa bahay para kumuha ng dalawang extensions.

Sabi niya kasi yung dalawa yung kunin ko para maraming mai-pasak. Hindi naman problema sakin yun kasi wala naman na ding gagamit ng mga extensions samin ngayon oras kasi tapos naman na silang mag-charge kanina.

Bale limang charger ang pwedeng mai-pasak sa dalawang extensions. But originally, anim talaga dapat. Pero sira kasi yung isang socket kaya ayun lima nalang.

Anyway, back to my business. I hurriedly went back to their house na katapat lang din samin at dun na naki-charge. Umuwi ako ulit samin kasi siyempre, ayokong gutumin ang sarili ko. Naman, pownyeta.

Mag-aalas siyete na.

And of course, it was my mother's birthday, kaya medyo marami-rami din kaming pagkain ngayon. Damn! Parang sinasabi kong palaging wala kaming ulam. Hindi ganun yun.

And as usual, tahimik na naman ako habang kumakain at nag-iingay sila. It was always like this. But I don't have time to complain or sulk about it kasi nasanay naman na akong ganito palagi ang lugar ko sa pamilyang 'to. I even came up with an idea and named myself, the black sheep of the family. Sabit.

Minadali ko ang pagkain para makaalis na ako sa pamamahay na 'to. Pupuntahan ko nalang ang pinakamamahal kong sempon. And another factor why I want to get out from this house, nakakairitang tingnan kung paano sila tumatawa dahil sa isa't-isa, while I am here. Being left out. The outcast. The blacksheep.

Umatras agad ako ng makitang pati din pala sina Mazel at ang mga pinsan ko ay nagkakasiyahan din. Tiktok pa nga.

Sht.

Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Hindi ko alam kung may lugar pa ba ako dito sa mundo. Pero...wala din akong magagawa.

Mas pinili ko nalang ang manatili sa entrada ng bahay nila't kumuha ng monoblock para doon umupo. Sinubukan kong huwag pansinin sila, at kumanta-kanta nalang. Pero mahina lang din naman. Sa hiya ko nalang na baka marinig nila ako't todo pambubuska ang aabutin ko.

Pero...hindi sa sinasabi kong masama ang boses ko o boses palaka ako. Siguro sakto lang. It's just that...nahihiya lang kasi talaga ako sa kanila.

My cousins and I aren't really that close. We barely talk to each other. Pwera nalang kami ni Mazel na pwedeng nang tawaging close talaga. Atleast, on my side. Unlike my cousins on my father's side na nasa kabilang planeta nakatira. Charizz. Nasa Cebu po sila, habang ako, naka-stuck dito.

7/11 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon