Chapter 12

1.1K 92 31
                                    

“Shit!” ang galit na sambit ni Ocean nang patayin ni Aspen ang telepono nito bago nito sabihin na uuwi na ito. Hindi na siya nito hihintayin? Ang tanong ng kanyang isipan. At naalala niya na kasama nito si Bret. Si chinito boy. Grrr, kaya baa yaw nito na magpasundo dahil sa kasama nito si ang maputlang lalaking iyun? Ang inis niyang sabi sa sarili.

Muli niyang pinindot ang kanyang phone para i-redial ang number ni Aspen pero sa pagkakataon na iyun ay nagpatuloy lang ang pag-ring sa kabilang linya. At kinagat niya ang loob ng kanyang pisngi nang maubos na lang ang ring na hindi sinasagot ni Aspen ang kanyang tawag.

He expelled an irritated sigh at itinigil na niya ang paggawa ng panibagong tawag kanya Aspen. isinandal niya ang kanyang likod sa upuan at napahigpit ang kanyang mga kamay sa pagkakahawak sa manibela habang ang mukha niya ay hindi na naalis ang kunot dito.

Hindi niya inaasahan that Aspen will cut him off nang dahil sa kasama nito si Bret, ang sabi ng kanyang isipan. At muling bumalik ang kanyang isipan sa naging usapan nila ni Aspen. Something tick her, ang sabi niya, may nasabi siya kay Aspen kanina at iyun ang naging dahilan kung bakit pinutol nito ang kanilang usapan.

At muling kumunot ang kanyang noon nang maalala na niya ang huling sinabi niya kay Aspen, na ang mommy nitong si Elise ay nauna na sa bahay nito. At doon na niya napagtanto na mayroon sa bahay nina Aspen na hindi dapat makita ni Elise kung bakit ito nagmamadali na umuwi. At iisa lang ang pumasok sa kanyang isipan.

“Shit,” ang kanyang bulong.  He stepped on the gas pedal while he was hoping that he would get to Aspen’s house in time.

Nang marating niya ang bahay nina Aspen ay ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa likuran ng sasakyan ni Elise nan aka seide parked sa harapan ng bahay nito. Mabilis siyang bumaba ng kanyang sasakyan at napansin niya na naiwan na nakabukas ang wicket gate. At mula sa gate ay napansin din niya na nakabukas ang main door and he could hear muffled sounds or voices mula sa loob ng bahay at napangiwi siya nang mapagtanto niya kung ano ang nangyayari sa loob ng bahay.

Dali-dali siyang pumasok hanggang sa loob ng bahay at mas lalong lumakas ang mga boses na pagmamay-ari nina Elise at Aspen na nanggagaling sa loob ng silid ni Aspen.

“Nooo!” ang narinig niyang hiyaw ni Aspen. “Mommy no! no!”

“Ito ang dahilan?! Sinabi ko na sa iyo! Bawal ang pagpipinta dito sa bahay!” ang narinig niyang sigaw ni Elise.

“Oh shit,” ang kanyang sambit at dali-dali siyang nagtungo sa loob ng silid ni Aspen at naabutan niya ang mag-ina. Si Elise ay may hawak na gunting at parang punyal iyun na ginamit ni Elise sa paulit-ulit na pagtarak sa canvas na may painting ni Aspen. At si Aspen naman ay nakahawak sa mga braso ng mommy nito para pigilan ang pagsira ni Elise sa ipininta ni Aspen.

He took large steps at agad niyang sinecure ang kamay ni Elise at hinila niya sa kamay nito ang hawak na gunting. At ilang sandali pa ay hawak na niya si Elise sa kanyang mga bisig na patuloy pa rin sa pagpapakawal ng mga salitang mapanakit sa anak na si Aspen. Si Aspen na nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila at lumuluhang habang hawak nito sa mga kamay ang obra nitong nagkandapunit-punit katulad ng puso nito ng mga sandali na iyun.

“Elise, please…stop…stop!” ang kanyang pagpigil kay Elise habang mahigpit niya itong niyakap.

“Inggrata ka! Talagang susuwayin mo ako!” ang sigaw ni Elise sa anak na si Aspen.

“I hate you,” ang mahina ngunit mariin na sambit ni Aspen habang ang mga mata nitong puno ng kalungkutan noon, na kanya nang nakita na napuno ng saya, ay nag-uumapaw naman sa galit ng mga sandali na iyun habang kumukislap ang mga mata nito nang dahil sa mga namuo na luha.

Always been You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon