Special Chapter 03

64 2 0
                                    

ELOL

--

"Zach, si Zuriel.."


Naalimpungatan ako bigla nang marinig ang iyak ni Zuriel. Halos kakatulog lang namin ni Zach dahil ang hirap patulugin ni Zuriel kanina. Salitan pa kami ni Zach dahil hindi rin makatulog si Zeneia nang wala ako sa tabi niya. Nasa ibang kwarto na kasi si Zeneia samantalang si Zuriel ay nasa crib na katabi lang ng kam namin ni Zach.


Mahina kong tinapik ang pisngi ni Zach nang hindi siya sumagot. He groaned and put a pillow on his face. Halatang antok na antok at hindi na magising. Bumuntong-hininga ako at humigab muna bago tumayo. Kinuha ko sa crib si Zuriel at hinele. Gamit rin ang isang kamay ay nag-timpla ako ng gatas. Ilalagay na lang naman 'yung powder dahil may tubig na sa bote.


"Hmm hmm." Mabagal akong nag-swa-sway para tumigil na siya sa pag-iyak dahil baka magising pa sila Zach.


"Mommy... Daddy.."


Napatingin ako sa pinto at bumuntong-hininga. Mukhang nagising na rin si Zeneia at e 'to na siya, kumakatok sa amin. Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Zuriel kaya nahihirapan ako. Buti na lang ay mukhang nagising na rin si Zach at nang makita niya kami ay agad siyang tumayo.


"Kumakatok si Zeneia, 'dy." Mahinang sabi ko sa kanya, pinapatahan pa rin si Zuriel.


Agad naman niyang binuksan ang pinto at nandoon nga si Zeneia, nagka-kamot ng mata at mukhang antok na antok. Binuhat siya agad ni Zach at dinala sa kama.


"I'm sorry, hindi agad ako nagising, babe." Sabi niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at sinabing okay lang. Naiintindihan ko naman na pagod rin siya sa trabaho.


Nang tumigil sa pag-iyak si Zuriel ay nakahinga ako ng maluwag. Dahan-dahan ko siyang binalik sa crib at inayos ang mga unan niya. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang mag-ama ko. Nakaharap si Zach kay Zeneia na yakap-yakap ang laruan niya. Mahinang tinatapik ni Zach ang hita ni Zeneia para makatulog ito.


Napangiti ako.


Our kids really made us more mature. They really have us a new beginning in life. No matter how tired we are, we'd still take care of them, kahit na minsan madaling araw gising pa rin kami. Dahil makita at marinig lang namin ang mga boses nila, nawawala na agad ang pagod naming dalawa.


Zuriel is a cry baby, mawala lang ako sa paningin niya ay iiyak na agad siya. Samantalang si Zeneia naman ay clingy sa daddy niya. Minsan nga ay mas gusto pa niyang sumasama sa daddy niya kaysa sa akin!


"Tulog na?" Mahinang tanong ko kay Zach at dahan-dahang humiga sa kama. Ngumiti siya sa akin at tumango.


"Sleep na." Bulong niya at inabot ako para mahalikan ako ako noo. "Ako na bahala kay Zuriel kapag nagising siya." He smiled.


And of course, my very loving husband. Sometimes he doesn't want me to work anymore dahil ayaw niya akong mapagod pero hindi naman pwede iyon!


"I love you," I whispered and hugged Zeneia. Naramdaman ko ang kamay niya na humaplos sa kamay ko.

Fernandez SeriesWhere stories live. Discover now