TLBU
--
"Hanson, gusto ko ng mangga."
Napakamot ako ng ulo at binalik ang kinuha kong saging sa kusina. Earlier she said that she wanted bananas then now she wants mango. Kanina pa ako pabalik-balik sa kusina.
"Pinya na lang!" Sigaw pa niya mula sa living room. I sighed and went back to the kitchen to cut some pineapples. Buti na lang ay mayroong pinya dito, dahil kung wala, kailangan ko pang lumabas. It's already 11 PM. Wala ng bukas na tindahan kung sakali.
Her baby bump was so obvious now. Limang buwan na siyang buntis at isang taon naman na kaming kasal. It was a beach wedding, our dream wedding. Once again, we built memories again at sunset.
Being her as my wife, and being husband to her, was the greatest thing that happened to my life. I am so grateful to share my life to her. Specially that she is now pregnant with our baby. Walang araw na hindi ko pinasasalamatan ang Diyos na binigay niya sa akin si Ondrea. Kahit na ang dami kong pagkakamali at pagkukulang noon. Binigyan niya pa rin ako ng magandang buhay.
"Ate, Jeila and Laurene planned the gender reveal." She said while eating the pineapples.
Oh, may gender reveal nga pala. Noong nagpa-check up kasi kami ay sila Jeila lang ang may alam ng kasarian ng anak namin. Curious na curious na kami sa gender kaya minadali na nila ang gender reveal.
"May naisip ka ng pangalan?" I asked while caressing her hair.
Umakto siyang nag-iisip. "Hmm, pag babae, pwedeng.. Sheyana Anneliese?" Tumango-tango ako sa sinabi niya. Maganda.
"Kapag lalaki, Haden Lenox." Sabi ko. Noon pa man ay ganoon na ang naiisip ko. Na kapag nagkaroon ako ng lalaking anak, ganoon ang ipapangalan ko.
"Sige." She giggled and hugged me. Sometimes she's moody that she doesn't even want me around. Minsan nga ay dito ako sa sofa natulog dahil ayaw niya akong makita! Pero ngayon naman ay sobrang clingy niya. Kaya nilulubos ko na.
"Ano sa tingin mo ang gender ni baby?" Tanong niya sa akin at hinaplos ang tyan niya.
I smirked. "I want a boy."
She rolled her eyes. "Para turuan mong mag car racing?"
I shrugged. "Maybe?" I laughed when she hit my arm. Umiwas ako sa kanya nang lumakas ang mga palo niya sa akin. Tumawa ako at hinuli ang dalawang kamay niya para mayakap siya. "But seriously, girl or boy, wala akong problema." I smiled.
"Ako din. Kahit ano ang bigay sa atin ni God, masaya ako." She smiled. "I love you, Mahal." She sweetly said.
It warmed my heart. God... "I love you more."
"Congrats nga pala, bro!" Bati ni Trevor nang pumasok siya sa office ko, malaki ang ngiti. "Tangina, naka-isa ka na, ah!" Tumawa siya at umupo sa upuan na nasa harap ko.