Chapter 37: The Priceless Gift

64 7 0
                                    


Niyakap ko ang aking mga tuhod at sumalampak na lang sa sahig. Tumulala ako sa dalawang pinto ng CR na nasa aking harapan at mariin na pinagdikit ang labi. What did I do?

Gusto kong mag-maktol, gusto kong magwala o magreklamo pero anong magagawa ko. Ako rin ang may kasalanan, kahit ang subject na iyon pa ang mas pinagtuunan ko ng pansin ay kasalanan ko pa rin kung bakit ako bumagsak.

I closed my eyes and took a deep sigh once again. All I could do was hide here silently and calm myself because it wasn't okay. I'm not a responsible student. Nasa college na ako, bakit ba ganito pa rin ako?

Muli akong humugot ng malalim na hininga at pumikit ng ilang segundo. Lord, hindi naman siguro po masisira yung buhay ko rito, 'di ba?

Bumukas ang pinto ng CR at nag-angat ako ng tingin. Lumabas si Yandiel nang inaayos ang kanyang sinturon sa slacks at nakangusong tumingin sa akin.

Ngumisi siya at lumapit. "Halika na, kumain na tayo."

Hindi ako sumagot at hindi rin gumalaw mula sa pagkakasalampak. I heard his light chuckle as he sat beside me, imitating my position. Nakakahiya, siya pa ang unang nakaalam na bagsak ako sa statistics keme na 'yan. Si Yandiel Castille na Bachelor of Secondary Education, major in Math pa!

"Hindi na 'ko makaka-moving up. Sayang naman." I laughed bitterly.

"Kakausapin ka naman ng Prof mo mamaya. Malapit naman na sa pasado yung grade, madali na lang i-habol 'yan. Oh, baka mag-summer ka."

"Oo, keri 'yan." Nginisihan ko siya at binatukan. Tumayo na ako at nagpapag dahil nagugutom na ako, ayoko nang magpa-cute. Dalamhati lang ng kaunti, okay na 'yon.

Iniisip ko kasi si mama, kawawa siya sa akin. Kaya kahit anong mangyayari, susubukan kong ayusin ang grades ko. Kahit lahat pa ng mga quizzes ay gawan ko ng remedial, gagawin ko. I keep reminding myself that everything that happens is God's will, that makes me feel better.

Natapos na kaming kumain at masyado pang mahaba ang oras, mas mahaba ang oras ni Aiden kaya kasama namin siya ngayon. Ang tiyaga niya rin nga pumunta-punta sa amin dahil taga-CBAA siya, business and accountancy. Kahit si Ravi din.

Pinanood lang namin sa Yandiel na nagko-konduktor dito sa second gate dahil hanggang ngayon ay marami pa rin mga estudyante na nagsisi-uwian. Naramdaman ko ang pag-akbay ni Aiden sa akin.

"Okay lang 'yan, kapatid. Bawi ka na lang," sabi niya at inakbayan din si Don na katabi niya sa kaliwa.

"Ayoko na mag-aral," bulong ko, natawa siya. "Bakit ba kasi kailangan pang mag-aral, mapupunta rin naman sa wala, hindi ko naman madadala papunta kay Lord iyang math na 'yan."

Pinilit kong magsalita nang mahina at mahinahon dahil mabigat sa pakiramdam. Hanggang ngayon ay iniisip ko kung paano kong sasabihin kay mama dahil malamang ay ipapatawag siya. Ano kayang mararamdaman niya?

"You just don't know, but you're doing that to serve God, not yourself, not this world and not for people... for God," utas ni Aiden kaya natigilan ko. "Hindi mo ba naaalala yung laging sinasabi ni pastor sa'tin? Sa lahat ng ginagawa mo, gawin mo yung best mo kasi paglilingkod mo 'yan. 'Yang pag-aaral mo kapatid, paglilingkod mo rin 'yan."

Pinaglaruan ko ang aking mga daliri at nagtipid ng ngiti. "Yun na nga, eh. Nabigo rin ako sa paglilingkod ko kay Lord. Lingkod niya ako, eh. Dapat responsable rin ako sa pag-aaral."

He chuckled. Inalis niya ang pagkaka-akbay sa akin nang lingunin kami ni Yandiel at pinatong na lang ang palad sa ulo ko. "Buong araw mo nga 'yong inatupag, paanong hindi responsable?"

"Kung irere-take mo pa 'yong subject mo na 'yon next year, sagutin mo na si Yandiel," pangungutya niya pa, napangiwi ang pinsan ko sa kanyang tabi.

"Ba't na naman?" angil ko.

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon