Hunter's POV
Binihisan ko ng maayos na damit ang tatlong babae, habang si Biker sinilid sa sako ang katawan ng matandang lalaki at nilagay sa gilid. Dinala naman ni Silencer si Swordsman sa isang kwarto para doon s'ya ipahinga. Tinapos ko muna ang ginagawa ko bago mamahinga sa isang tabi, kumuha din si Biker ng medicine kit para magamutan ang sugat ko.
Napapapikit lang ako at mahinang dumadaing habang ginagamutan ni Biker. Hindi nagtagal ay natapos na s'ya, hindi na'ko umalis sa kinauupuan ko at don na namahinga.
Ilang sandali din ay nagising na si Swordsman.
“Anong nangyare?” tumayo s'ya bigla at halos bumaksak ulit dahil sa pagkahilo.
Tatayo sana ako pero naalala ko na may sugat pala ako sa tagiliran. Si Biker na ang umalalay sakanya.
“You passed out.” Pagbibigay alam ni Silencer. Napahinga s'ya ng malalim at napa-iling sa sarili.
“Damn! that Kipton.” Inis n'yang sabi at sinuntok ang pader. Muli s'yang tumingin samin.
“Si Hacker? He got caught did he?” tanong n'ya. Tumango ako bilang tugon sakanya.
“Where's Boss?” Napakunot ang noo n'ya nang hindi makita si Boss.
“Also Bullet? Kulang-kulang tayo.” Nagtataka n'yang sabi. Pabagsak na umupo si Biker sa kabilang sofa.
“I also thought of that, where are they by the way? We already know Hacker is not here because it's obvious he got caught, they even announced it to the whole city. They're so proud of themselves,” sabi ni Silencer. Napatingin sila samin.
Kami lang naman kasi ang kasama ni Boss sa misyon kanina.
“Bullet is missing and Boss…” bumuntong hininga si Biker.
“She's dead.” Napuno ng katahimikan ang sala.
Mukang preno-proseso pa nila sa kanilang isipan ang sinabi ni Biker. Kahit ako ay mas pinili nalang na hindi umimik muna.
“Who killed her?” May halong galit na sabi ni Silencer, napatiim bagang pa s'ya.
“She sacrifice herself so she can kill Hadley and those guinea pigs.” Napabuntong hininga si Biker at kumuha ng wine sa gilid ng lamesa.
“Boss ordered to bomb her location, along with them.” Sabi n'ya at inangat ang tingin sakanila.
Sumandal si Swordsman sa pader at humalukipkip.
“Boss made a huge sacrifice, we better not waste it,” sabi n'ya.
“What will we do now?” seryosong tanong ni Silencer.
“We stick to the plan, even if we don't have Boss. I will we leading for now.” May lungkot sa huli n'yang sinabi.
“Kill the Mayor at all cost, to do that we'll have to split up. I and Silencer will be heading to Malcolm, while Swordsman, you need to find Bullet, check every place in the city. Hunter, you need to save Hacker.” Napanganga ako sa utos ni Biker sakin.
Ako lang mag-isa?
“Can you do that?” tanong n'ya.
“Hindi ko alam Biker,” pag-amin ko.
“You have to, just send Swordsman a call if you need help.” Final n'yang sabi.
Tumango ako, kailangan ko iligtas si Hacker. Nanginig ang dalawang kamay ko sa mga possibleng naiisip ko. Sigurado akong mahigpit ang seguridad sa paligid n'ya, pag nagkamali ako at nahuli…
Napapikit ako. Isa lang ang ipapangako ko, na gagawin ko ang lahat maitakas ko lang s'ya. Gagawin ko ang pinag-uutos sakin.
“Everything is settled. One to find Bullet, one to save Hacker and two to kill the Mayor, just beware of the Executioners.” Tumayo na si Biker.
BINABASA MO ANG
Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)
FantasiMidnight Hunters, a group of criminals that are being chase by the government. They are still unknown by the public, this mysterious group has been the pain in the ass of the Mayor of their town. Many people don't know them, they just known for bein...