Raphael's Point of View:
Maaga akong pumasok para makita si Lucille. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon na akin na si Lucille. Kagabi ay maagang natapos ang event at maraming bumili ng bracelets at necklaces na gawa mismo nila Lucille at ng kanyang kapatid, marami rin ang nagustuhan ang product ng kumpanya at mabilis na tumaas ang ratings ng kumpanya.
Kaya naman mas lalo kong nakita ang sipag at tiyaga ni Lucille sa kanyang ginagawa. Nakikita ko ang determinasyon niya para lang maging proud ang mga magulang niya ngunit napapansin ko na palaging malalim ang iniisip niya. Hindi ko alam kung may problema ba s’ya o may problema ba sa kanyang pamilya.
“Good morning,” nakangiting pagbati niya ng naabutan ko s’ya sa lamesa ko.
Nagtaas ako ng kilay at tinignan ang suot niya. She's wearing a white polo, a trouser, and a high heel. Ang kanyang buhok ay maayos at malinis and she looks beautiful even more kaya napailing ako. Masyado ko na naman s’yang ginagawang baby kahit naman baby ko naman talaga si Lucille.
“Morning, love.” Lumapit ako sa tainga niya at naramdaman kong natigilan s’ya kaya natawa ako.
“Did you eat na ba?” tanong niya at tinignan ako habang inaayos ang mga gamit ko.
Tumango ako at tinignan s’ya na nakahalukipkip at nakanguso sa akin kaya nagtaas ako ng kilay. Ayaw kong maapektuhan ang trabaho niya kaya mas mabuting maging pormal ako sa kanya at sa labas lang maging malambing para hindi magkaroon ng isyu.
“Go back to your office then later on I will kiss you,” seryosong sambit ko dahil alam ko kung bakit s’ya nakatingin sa akin.
“Can’t you kiss me right now?” tanong niya at umiling ako. “Okay!”
Natawa ako nang maglakad s’ya at pumasok sa pintuan. Napailing ako at napatingin sa kanya nang makitang nakasilip s’ya sa pinto at nakanguso pa rin habang kunot ang noo.
“Don’t you want to kiss me right now? You’ll missed the opportunity, Raphael.” Natawa ako at pinaglandas ang dila ko sa aking ngipin. “You’re so mean!”
That spoiled brat! Hindi ko alam na ganito pala s’ya. Napangiti ako at tinapos na lang ang trabaho ko, marami rin s’yang pinagawa sa akin at may meeting s’ya mamaya. Pupunta ang mga magulang niya dito at kailangan nilang ipakita ni Betty ang kanilang mga disenyo para sa paparating na launching ng bagong products.
Kahapon natanggap ko ang income ko sa kumpanya at kulang pa ‘yun para sa gamot at operasyon ni Avery. Abala rin si kuya sa pagtatrabaho at mukhang may problema sila ni Celestine kaya hinayaan ko muna. Gusto kong makatulong sa kanila ngunit alam kong kulang pa kaya naman sumasali ako sa boxing kapag mataas ang kita at malaki ang pera na makukuha.
“Your meeting will start at 4:30pm.” Tinignan ko s’ya na abala sa kanyang ginuguhit. “That’s beautiful.”
She smiled. “I made these three bracelets for almost a week. This is what I call a love bracelet.”
Tinignan ko ‘yun at nakitang heart stone ang nakalagay sa kabuuan ng bracelet. Maganda ‘yun at ang dalawa pang bracelet kaya ngumiti ako at inayos ang drawing niya kaya namangha s’ya.
“Make it more natural to have the most beautiful stone. If you’re defending to the elegance and the classy, you wouldn't see the beauty on it kaya mas mabuting lagyan mo ng kaunting pagmamahal ang gawa mo.” Tinignan ko s’ya at nakitang nakatingin lang s’ya sa akin. “Are you listening to me, Lucianna?”
“Of course!” si Lucille sa iritadong boses. “I will do better if you kiss me right now.”
I licked my lower lip and leaned on her, ngumiti s’ya at tinignan ang mga mata ko. Napailing ako at inabot ang kanyang labi para sa isang matamis na halik.
BINABASA MO ANG
Music Series 2: Loving you in a Heartbeat
RomanceShe was alone and pressured all her life. Despite having a broken and unhealthy relationship with her family, Lucianna did her best to maintain a positive lifestyle. When she met Raphael, a fisherman-slash-farmer who lived and fed his family, everyt...