Selfie Love Story

43 3 1
                                    

Ako si Paula Lim. Selfie lord kung tawagin. Ewan ko ba, sobrang na adik ata ako sa pagse-selfie.

Siguro sasabog na phone ko sa dami kong pictures. Haha. GGSS? No. Hilig ko lang talaga.

#SelfieLord #NoFilter #Pretty

Haha. Echos lang yung pretty. NBSB ata to no. Camera lang ng cellphone ko ang mahal na mahal ko.

Osya, dahil one shot lang ang story na ito. Papasok na ako sa eskwelahan.

Ops, Syempre Selfie muna

*Chanaaaaan!*

#SchoolGirl

*Post*

Ayan! Ganyan gawain ko araw-araw. Selfie tapos diretso post sa facebook.

Sa school...

"Hi Paula!" si Nilda, my bestfriend at yung kasama niya naman si Gillian, bestfriend ko din.

"Hello! Balita ko may meeting daw ang mga teachers para sa election ng mga faculty members ah." sabi ko. Syempre mabilis ang balita no.

"Oh yes, at ito pa ah, You can do whatever you want!" Si Gillian sabay talon-talon. Baliw talaga to.

"So, Whats up?" tanong ko.

"Alam niyo ba, nasa Court si Dale. Taraaaaa!" talaga tong si Nilda, basta kay Dale eh kilig na kilig haha. Pano kase ang gwapo "daw".

"Okay, okay." syempre wala kami magagawa ni Gillian.

So ayun nga nagpunta kaming court. Hayaan niyo na, pagbigyan so Nilda.

Pinanuod namin yung basketball game nila.

Syempre sigaw ng sigaw so Nilda. Talo pa ang megaphone sa lakas.

Unfairness, magaling mag-basketball si Dale ah.

Pinanuod lang namin yung game hanggang sa matapos.

"Guys, papicture tayo kay Dale please." aya ni Nilda.

"Nilda, Hindi pa ba sapat yung panuorin natin siya?" sabi naman no Gillian.

"Tara na, balik na muna tayo sa room. Baka manakaw pa mga gamit natin. Mahirap na." Aya ko naman.

Pero etong si Nilda talaga mapilit.

Hinila kami bigla ni Gillian papalapit Kay Dale.

Sa Hindi inaasahang pangyayare at natalisod ako sa isang bag at ayun

*blagagBogshvajshsjnmkjsbb*

Nagkauntugan kami ni Dale.

and worst...

Nakapatong pa ako sakanya.

Ihhh! Patay ka sakin Nilda!!

Hmm.. gwapo nga tong so Dale. Matangos ang ilong, makinis yung mukha at ang ganda ng chinito eyes niya...

...

...

...

Wait, bakit hindi pa ako tumatayo dito? Ayy! Nakakahiya!

Ayun nga, tumayo na ako at tumakbo na pabalik ng room.

Aissh. Si Nilda at Gillian naman syempre nakasunod sakin.

Nang makarating ako sa room umupo na ako sa upuan ko.

"Pau, ano naman yung eksena na yun?" pang-aasar ni Gillian.

"Eto kaseng si Nilda eh, nakakaasar ka po!" inirapan ko si Nilda. Pero pabiro lang, pero asar talaga ako XD

"Sus! Pero antagal mong nakatingin sakanya. Gusto mo din eh!" sabi ni Nilda tapos sabay tawa nilang dalawa.

Selfie Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon