"Anak, andyan na si Rachel. Bilisan mo na diyan." sigaw ni Mama galing sa baba. Nagmadali naman na ako kumilos at nilagay ang mga kakailanganin ko ngayong 1st day.
Mahigit anim na buwan na ang nakakalipas. At nasa Grade 10 na kami ni Rachel, hindi pa rin ako makapaniwala pero malapit na kami mag moving up! Sa ngayon, I'm planning to have my grade 11 sa school pa rin namin ni Rachel. Same naman kami, doon pa rin daw siya. Same kaming kukuha ng STEM, since gusto niya magtake ng Nursing sa college at ako naman ay MEDTECH. Mahaba habang proseso pa ang tatahakin ko, pero kaya iyon. Aba kami pa ba.
Pagkatapos ko ay bumaba na ako, kinuha ko muna ang phone ko at inopen ang convo namin ni Jadiel. Yes, ilang buwan na rin ang nakakalipas pero magkausap pa rin kami. Hanggang phone call lang kami pero madalang lang din iyon, at hanggang text pa lang din kami. Wala pa rin alam sila Mama at Papa about doon, hindi rin naman sinasabi ni Rachel eh kaya okay lang. Hindi pa kami official pero we have mutual understanding.
(Hi J! Good morning. Papasok na ako, have a nice day ahead!) bati ko sa kaniya sa text. Hindi ko naman na hinintay pa siya magreply dahil nagsend na rin naman siya ng message kanina sa akin. Nagpadali na akong bumaba at inabot sa akin ni Mama ang inhaler ko ng makababa ako.
"Eto inhaler mo. Lagi mo iyan ilagay sa bulsa mo ha. Baka atakihin ka nanaman, mag ingat ingat ka naman anak. Hay nako." sabi niya sa akin at hinalikan ako sa ulo.
"Babye, Ma. See you later." masayang sabi ko at humalik sa pisngi niya.
Lumabas naman na ako at nakita ang iritang mukha ni Rachel sa akin.
"Ang tagal mo, malalate tayo sa flag ceremony!" sabi niya at hinila na ako.
"Dala mo ba inhaler mo?" tanong niya sa akin na ikinatango ko.
"Takbo na tayo! Malapit lang naman eh." sabi ko sa kaniya at tatakbo na sana ng hawakan niya ang backpack ko kaya napatigil ako.
"Hindi. Bilisan mo na lang maglakad." sabi niya at inilagay ang kamay ko sa braso niya at sabay kaming maglakad. Hindi niya gaano binibilisan.
Ganiyan iyan sila simula noong atakihin ako, nagtatakbo kasi kami sa garden ng bahay namin. Tapos inatake ako ng asthma ko ng malala. Dati ang kailangan ko ay nebulizer lang pero pinag-gagamit na ako ng inhaler at kailangan dala ko iyon parati. Hindi na rin ako nakakainom ng malamig. Kung iinom man ako ay isang beses sa isang linggo na lang hindi na pwede sumobra doon, hindi na nga rin naglalagay ng ice si Mama sa ref at ibinenta na niya yung Ice Maker kay Tita Merlen. Bakit kasi ang hina ng baga ko? Hayyy.
Mabilis lang din kami nakarating sa sakayan ng tricycle at nagpahatid na kami sa school kahit malapit lapit lang naman. Pagkatapos niyon ay nakarating din kami agad at nagbayad na si Rachel. Pumasok na rin naman kami agad sa gate at bumati kay Kuya guard. Ngumtii lamang ito sa amin at kumaway. Naglakad na kami ng mabilis papunta sa court at hinanap ang pila namin para sa G10.
"Pumila ka na. Sa likod mo lang ako." sabi niya at pinauna ako, naramdaman ko naman na nasa likod ko lang siya.
YOU ARE READING
Moon and Sunset (Short Story)
Teen FictionShe's mesmerized by the beauty of the moon, but she also needs to see the beauty of the sunset. "Sunset is breathtaking, right?" Rose said while looking intently at sunset. "No, the moon is much more beautiful than the sunset." Rachel said it while...