"Beh, crush ko si Capt. Khalil kaso taken na 'yan. Reto mo naman ako! Piloto lang tinatanggap ko ha." Natawa sa akin si Eula nang sabihin ko 'yon.Akala ba niya nagjo-joke ako? Seryoso ako.
"Si Markus? Ayaw mo ba?" Napalingon ako sa kaniya. Nakuha agad ang atensyon ko dahil sa ganda ng pangalan nang binanggit niya. "Piloto rin 'yon sa airline n'yo, 'di ba?"
"Wala pa akong nakakasabay na Markus sa flight. Baka baguhan lang?"
"Lagi raw naka-leave sabi sa article na nabasa ko. Paano naman kasi, kaibigan niya 'yung CEO ng PhilAero, 'yung Khalil na sinasabi mo."
Pagkalabas ko ng parlor, dumiretso na ako sa pinakamalapit na mall. Pumasok agad ako sa favorite shop ko, H&M. 'Yun lang ang afford ko sa ngayon dahil marami akong gastusan. Kinuha ko at itinaas ang isang dress. Bagay 'yon sa party na pupuntahan ko.
Hindi iyon masyadong pormal o agaw-pansin. Simple lang at wala masyadong disenyo. Gusto ko rin ang kulay n'on. Brown. May sandals na rin naman ako na brown. Jacquard-knit dress ang tawag do'n sa dress.
Binili ko na 'yon dahil mura at bet ko rin naman. Nang matapos akong magbayad, lumabas na ako upang maghanap ng makakainan.
Napaatras ako nang mabunggo ako ng isang lalaking may kausap sa cellphone niya. Nasa loob kasi ng mall tapos naka-shades? Bobo lang? Wala naman araw sa loob! Ano siya, artista?
"I'll call you later, may aasikasuhin lang ako." Binaba niya ang phone niya at tinanggal niya ang shades niya. "I'm sorry, miss. Hindi kita napansin."
Shuta... Ang pogi. Suminghap ako at saka ngumiti sa kaniya. Madali naman akong magpatawad! Maliit na bagay 'yon. At saka, mukhang sincere naman siya!
"It's fine, hindi naman ako nasaktan. No worries." Kinindatan ko siya bago ako naglakad. Hindi ko na nagawang tingnan ang reaksyon niya. Medyo nahiya ako!
I put my hoop earrings after fixing my hair. 'Yun nalang ang kulang. Chineck ko ulit ang makeup at outfit ko bago lumabas ng k'warto. Lumabas na ako sa apartment na tinitirahan ko at ni-lock na ang pinto.
Alas-nuwebe na ako nakarating sa venue. Maraming bisita at mukhang mayayaman kahit na casual lang ang outfit. Bagay naman ang outfit ko... I walked with confidence. Duh, maganda kaya ako.
Napalingon sa akin ang ibang tao na naroon. Ganda ko lang. Nawala ang ngiti ko nang mapansin na hindi ako ang tinitingnan nila kundi' ang taong nasa likuran ko. Napalingon din tuloy ako sa tinitingnan nila. 'Yung lalaki sa mall...
"Markus! Buti nakarating ka! Akala namin busy ka sa trabaho." Markus? 'Yung... kaibigan ni Capt. Khalil?
"I cleared my schedule for this one. I'll just greet Patrick." Nang magpaalam si Markus sa mga lalaki ay napalingon siya sa akin. Napangiti siya at talagang lumapit sa akin. "Wow, you're here. Nice dress by the way."
"Kaibigan ko ang girlfriend ni Pat. Thank you for the compliment, Markus." I smiled at him before walking away. But he followed me until we reached the garden. Ganiyan nga, Markus.
Walang tao roon. Tumigil siya sa tapat ko. Tumingala ako at ngumiti, naghihintay sa gagawin niya. I had my eyes half closed when he leaned over. I saw his smirk before he put his lips near my ear.
"What were you expecting from me? A hug? Or perhaps... a kiss?" I opened my eyes and smirked when he whispered that.
"Do you wanna have a layover at my house, Captain?" I boldly asked. He stood up straight and licked his lower lip to hide a smile.
YOU ARE READING
Bewildering Flights with you, Captain
RomanceA graduate of BS in Tourism Management, a Flight Attendant of PhilAero, an online seller, event host, and a beauty queen. How can someone reject Sophia Ava Pineda? Pia loves to explore things, in love and in life. She believes that flights are a way...