"Mama!" Sigaw ng isang batang lalaki at nagtatakbo sa direksiyon namin.
"Grabe, ang bilis ng panahon no?" Sabi ko.
"Oo nga. Parang kailan lang nasa engagement party tayo." sagot ni Maricar.
"Yung, engagement party na sinira mo, Cass." sabi ni Ian. Hinampas ko siya. Hanggang ngayon parang gusto kong kainin ako ng lupa dahil sa ginawa kong yun.Nandito kami ngayon sa isang park at nagpapa-hangin.
"Three years old na ang inaanak ko, grabe." sabi ko. Hinawi ko ang buhok ni David, anak nila Maricar at Ian.
"Kayo? Hindi pa ba kayo susunod ni PJ?" Pabirong tanong ni Bianca.
"Hindi pa rin ba siya nagtatanong ng kasal?" Sabi ni Maricar.
Napangiti na lang ako. "Madami pang responsibilities at bukod pa diyan, dami pang bata sa orphanage. Sa kanila kami busy. Speaking of, kailangan ko nang umalis."
"Sure, sure. Sunday is orphanage day." Sagot naman ni Biancs.It's been a year since PJ and I...well, since everything. Since that Masquerade Ball.
Natanggap na ni Mama si PJ. Iyak siya nang iyak nung dumating kaming dalawa sa bahay pagkagaling namin noon sa Batangas. Nagsisi daw siya sa ginawa niya at napagtanto na niyang pinapasaya ako ni PJ. Besides, wala naman na talaga siyang iisipin dahil nakatapos naman ako at talagang nagsakripisyo si PJ. Napakita niya kay Mama na nirerespeto niya ang kagustuhan ni mama, kahit pa ang ibig sabihin nun ay pakawalan ako.
Bianca has just taken the BAR exam and the results will come out this year. Alam ko naman na papasa siya at magiging isang magaling na lawyer.
Si Josh naman unti-unti na siyang nakikilala sa art world dahil sa mga artworks niya. Naka-ilang exhibit na rin siya. Si Ian at Maricar naman ay may little boy na si David at ninang kami parehas ni Bianca. Si Drew at Megan ay nasa Singapore pa rin and going strong.
Si Alden? Well, matapos sabihin ni PJ na Alden was his eyes and ears on my life, nakatanggap ng ilang suntok sa akin si Alden. Kasi, ang dami pa niyang pakulong magmo-move on yet double agent pala siya. Akala ko team Cass siya yun pala talagang team PJ. Hindi naman daw talaga niya ako tinutulungang mag-move on kay PJ pero tinutulungan niya akong maging 'whole' ulit. Be more confident. Kahit hinampas-hampas ko siya nung nagkita kami, niyakap ko rin siya dahil nagbago ang outlook ko sa buhay dahil rin sa kaniya. At nagka-ayos nga naman kami ni PJ dahil sa kaniya.
Si PJ naman busy sa pagiging director ng Sports Department sa school na ipinatayo niya. Hindi ko sinunod yung gusto niyang maging principal ng school niya. Una, parang favoritism. At okay naman yung principal ng school ngayon. Isa pa, dun din naman ako nagtuturo kaya hindi kami gaanong magkalayo. Naglalaro pa rin si PJ sa PBA at naba-balance pa rin naman niya ang resposibilities niya.
At tuwing Sunday, nasa orphanage nga kami. Like always. Pagdating ko sa orphanage ay sinalubong ako ng dalawang taong ang tagal kong hindi nakita.
"Drew!?" Sigaw ko. Well, ngayon na lang kasi siya bumalik ng Pilipinas at ang tagal ko ring hindi nakita si Megan.
Tumakbo ako kay Drew at niyakap siya.
"Surprise!" Sabi ni Megan.
"Kailan pa kayo dumating?" Tanong ko at niyakap rin si Meg.
"Kanina lang." Simpleng sagot naman ni Drew.
"Eh, bakit hindi ka nagpapasabi?" tanong ko.
"Surprise nga, Cass!" sabi ni Meg.Pagkatapos niyang sumagot ay nilagyan ako ng blindfold bigla.
"Cass, don't even attempt to shout." sabi ni Meg.
"Meg?! Drew!? Ano na naman 'to?"
"Ay, ang kulit." Narinig kong natataw si Megan habang sinasabi ito.
"Deja vu ba?" tanong ni Drew.
"Kapag ako nadapa o nahulog sa ginagawa niyo ha." Sabi ko naman habang kinakapa ang blindfold.
"But you already fell." Sabi naman ni Meg.
"Ano?" Tanong ko.
"Paranoid ka pa din, Cass eh nahulog ka na nga." Sagot ni Drew.
"Kayo talang mag-jowa, kung anu-anong pakulo." Sabi ko.
"Tara na, tara na." sabi ni Drew.Biglang may humawak sa kamay ko. "Hi, ate Cass."
Narinig ko ang boses ni Darlene. "Darlene? Kasabwat ka rin dito?"
She laughs. "Opo, halika na ate."Inalalayan na nila ulit ako sa paglalakad. Maya-maya pa ay naramdaman kong lumiko kami. Bago pa man nila tanggalin yung blindfold ay alam ko na kung saan kami pupunta. Kabisado ko na ang lugar na 'to kahit nakapikit pa ko.
At tama ako, nasa Kids' Corner kami ng orphanage. Pero nung tinanggal nila ang blindfold ko ay nag-iba na ang room. Sure, andun pa rin yung mga maliit na mesa at bookshelves.
May mga pocketwatch sa ibabaw ng mesa. Hindi bababa sa bente ang mga pocketwatch na nakakalat sa room. Sa mga dingding ay may mga larawan. Halos mapuno ang dingding ng pictures.
Pictures namin ni PJ. At ang nasa gitna ay siyempre ang pinakamamahal kong lalaki. Nakangiti lang siya sa akin. Yung ngiting walang kupas. Yung ngiti niya tulad nung una kaming nagkita.
"Hi, Cassie."
"Anong meron?" Tanong ko at natawa siya.
"Historical ba sa'yo tong room na 'to?" Tanong niya.
"Oo naman." Sagot ko. "Dito tayo unang nagkita diba?"Lumapit ako dun sa isa sa mga mesa kung saan may mga pocketwatch. Binuksan ko ito at nakita ko ang picture namin ni PJ sa side. Ibang picture ito...sa Baguio nung newspaper dance namin. Binuksan ko rin yung katabing pocketwatch, ang picture naman ay nung unang beses ng barbeque session namin. Ang kasunod na pocketwatch naman, yung selfie namin nung birthday ko. Madami pa kong pocketwatch na hindi binuksan.
"PJ? Ano 'tong mga 'to?"
"Nung, naghiwalay kasi tayo...everytime na gusto kong bumalik sa'yo, nagpapagawa ako ng customized na pocketwatch."
"Ano?!" Gulat na tanong ko. Umiral ang pagiging kuripot ko. Kasi naman, halos ilang pocketwatch rin ang nandito ibig sabihin malaki rin ang nagastos niya.
"Makikita mo naman, iba-iba yung picture sa mga pocketwatch. Ganun kita namiss noon."Lumapit ako sa kaniya at hinawakan niya ang mga kamay ko at saka nagsalita.
"Cassandra Astrid Aviles--"
"PJ...anong nangyayari?"
"Ssshh. Makinig ka nga. Nag-practice pa ko nito." Sabi niya at pinisil yung kamay ko.
Natawa ako. "Sorry, sorry. Game."He takes a deep breath.
"Cassandra Astrid Aviles, pag sinabi ko 'to ngayon, totoong-totoo na. Hindi ka gigising isang araw na wala na akong nararamdaman para sa'yo. Bawat pagmulat ng mata ko, gusto ko ikaw ang unang makikita ko. Gusto ko ikaw ang kasama ko sa bawat simula ng umaga ko at sa bawat gabi, ikaw ang nasa tabi ko. Mahal na mahal kita, mali man o tama ang relasiyon natin. Sang-ayon man ang mga tao o hindi. Ikaw lang ang gusto kong makasama, through fire and storm because I love you no matter what."
Biglang lumuhod si PJ sa harap ko at nilabas ang isang maliit na box.
"Cassie, mahal ko, please, please be my Mrs. Cassandra Simon. Will you marry me?"
"Kailan? Ngayon na ba?" Tanong ko kahit ba sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Natawa siya. "Kahit kailan, kahit saan, papakasalan mo ba ako?"How could I say no to the man in front of me? This man who knows me more than I know myself? To the one who could brighten up my whole world by just smiling and shatter it by just saying one word?
"Cassie? May isasagot ka ba? O habambuhay akong naka-luhod dito?"
"Three points." Sagot ko.
"Huh?"
"Anong nararamdaman mo pag nakaka-three point shot ka?"
"Masaya pero anong kinalaman nun--"
"Would you feel the same happiness if I said yes? Because I am."
Tumayo siya at nilagay ang singsing sa kamay ko.
"Ang dami mo pang sinabi." Sagot ni PJ at niyakap ako. "Walang makakapantay sa kasiyahan ko sa pagsagot mo ng yes. Hindi ka magsisisi, mamahalin kita nang--"
"Ops. Tama na. Itira mo na yang ka-cheesyhan mo sa vows natin."
"Yes, ma'am."Hindi ako naniniwala sa destiny o kung ano man. I worked hard for this moment. And I would forever look back on this and remember that once in my life, I fought hard for something or someone I really want. Fairytales may not be true but my Peter June Simon, the leading scorer of my heart, continues to prove that our love story is way better than any fairytale out there.
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanfictionWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...