Chapter 5
"Bumaba ka na dyan ikaw bata ka talaga! Tanghali na bangon na!" Sigaw ni Manang dolor sa labas ng pinto ng kwarto ko.
"Manang naman eh! Wala namang pasok!" Sigaw ko.
Kanina pa ako ginigising ni Manang. Wala namang pasok kasi April pa lang! Nu ba? bakit kaya.
*screeech*
May nagbukas ng pinto. Ang kulit naman ni Manang. Ugh
"Manang nam--" hindi si Manang ung pumasok.
"Sorry na Anne! Hindi ko naman sinasadya ung mga nasabi ko noon, namin. Hindi naman namin alam na ganoon pala yung nararamdaman mo. Nasanay na kasi kami na ibat iba ang boyfriend mo at naghihiealay din kayo. Kilala mo naman ako diba? Hindi ko finifilter yung mga nasasabi ng bibig ko. Kaya sorry na? Bati na tayo! Please??" Sabi ni Aly.
Nandito sila ngayon. Kaya pala ako ginigising ni Manang Dolor.
May dala pa silang banner na may nakalagay na 'Sorry na Anne! Bati na tayo, please?'
"Oo na oo na! Namiss ko kayo!" At nagrouphug na kami.
"May dala kaming pagkain sa Baba! Kain na tayo dali!" Sabi ni Andrea.
"Osige, tara."
"Wait lang guys. Anne, baka gusto mo munang maghilamos at may muta ka pa at magmumog na din kasi ambahoo." Sabi ni Katrina.
"Walanghiya ka talaga!" Sabi ko at pumasok ako sa cr.
"HAHAHAHAHA" rinig na rinig ko ang tawa nila dito.
Mga walanghiya talaga mga kaibigan ko. Haist
--------------
Nag alisan na sila, dahil sunday daw ngayon at family day.
"Anne, nakuha mo na ba yung schedule mo?" Sabi ni Ate joyce.
"Yep." Sabi ko.
"Ahh. Okay" pambihira, yun lang tinanong nya.
"Ate, mall tayo? Tara?" Sabi ko sa kanya.
"Libre mo lunch?" Tanong niya.
"Ikaw nga dyan nagtatrabaho na tapos ako manlilibre ng lunch? Wag na lang." Sabi ko.
"Arte mo! Mag isa ka. May lakad din ako mamaya. Bye!" At tumaas na ang bruha.
Naligo na ako at nagbihis.
"Manang Dolor, alis po muna ako ha? Pamall lang po."
"Sige ingat ka iha!" Sigaw niya.
-------------
Nagpunta lang akong Megamall, dito kasi may H&M.
Hanap ng mapaparkan, ughh walang bakante.
Ayun!
*screeeeccccchhh*
Napapreno ako bigla. Paano kasi nauna ako eh mah umaagaw!
Binilisan ko na and boom. Ako ang nakapagpark! Hehe.
Sorry ka kung sino ka man, car racer yata to!
Wait. Parang famillar yung kotse na yun? Saan ko nga ba yun nakita?
Hmmmm.
--------------
Jack's Pov
Aba hanep si Author may Pov na ako! Thank you author!
Your welcome! -author-
Langya! Kabadtrip naman, naunahan pa ako ng paparkingan.
Bakit nga ba ako nandito sa mall na to?
Ahh yung pinabibili ni Chelsy. Tsk.
Wait. Ako nga pala si Jack Albert Abarintos, gwapo at mayaman. Two words para makakuha ng babae. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero gwapo talaga ako kasi may lahi ako, FilAm. Si Dad kasi American and my Mom is a Filipina. May nakababatang kapatid ako si Chelsy Ann Abarintos, 2 taon lang ang agwat namin.
Habulin ako ng mga babae dahil kilalang kilala ako. Anak kasi ako ng isang Abarintos and when you heard that surname, you think of restaurant's. Yep! My family own's chains of restaurants all over the world.
Nandito ako sa megamall dahil ang kapatid ko ay may pinabibili. May nakita daw kasi siya sa IG na bagong labas ng ano ba yun, yung Forever21 daw na botique yata yun and dahil grounded sya bawal syang lumabas eh, ako ang pinabili.
Kinuha ko yung papel sa bulsa ko, sinulat nya dito yung bibilhin ko.
'Jelly clogs. Isang white and isang black' -Forever21
P.S. please buy me 2 Bacon Cheese Burger Combo sa Wendy's! I love you kuya! Mwah. :*
Sapatos daw ito eh pati pagkain nagpabili na din! Kung hindi ko lang to kapatid tsaka may kapalit to no! Haha.
I won't say Yes without any in return alam nya yun.
Duniretso na lang ako dito sa Forever21 na nakalagay dun sa Papel.
Biglang nagtinginan sakin ung mga babae dito sa botique na to.
Nagpalinga linga ako at naghahanap ng sapatos na mga pambabae.
"Sir? Do you need help?" Sabi nung sales lady na ang lagkit ng tingin sakin.
Sorry pero hindi ako napatol sa walang class. Matanong na nga lang kung nasaan yun. Haist.
"Uhhm. Yes i need help, my SISTER wants me to buy jelly clogs, these are shoes, am i right?One in white and one in black." I said to her.
"Yes sir we have it. Wait lang po. I'll just get it for you." Sabi nung saleslady and she run.
I was looking around when someone caught my attention.
Babaeng nakatalikod, she's sexy. Ohh. She is wearing maong shorts, white shirt and a flats. Simple yet it looks good on her. I really like girls na kahit simple lang ang suot eh nag ooutstand sya. Wavy hair, white skin. She's hot. Hindi ako manyak ha pero she has pretty legs.
"Ahh. Sir? Eto po yung Jelly clogs." Sabi nung saleslady.
Humarap ako sa kanya and i get it and said my thanks.
Tumingin ulit ako dun sa area kung nasaan yung babae pero wala na sya dun.
Kainis naman! Nasaan na yun?
Naglakad na ako papuntang counter pero nakatingin parin ako dun sa pinang-galingan nung babae kanina.
Nas--
"Wahh"
Shet nakabangga pa, buti na lang nasalo ko. Bakit kasi hindi ako nakatingin sa dinadaanan. Haist.
"Sorry miss"
Tumayo ung babae at nilimot ung paperbags nya, tinulungan ko na din.
Wait.
Nakamaong shorts and white shirt. Sya ung babae kanina!
At nung magakaharap kami shet.
"Ikaw nanaman?!" We both hissed.
The girl in the traffic, the girl in the parking lot and the girl who
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"NASAAN ANG CELLPHONE KO! ILABAS MO!"
_____________________▪▪▪
A/N: nagkita nanaman sila! Please support! :)
BINABASA MO ANG
Upside-Down
RandomThe Real Me series no.2. Anne Cruz is my name, known as playgirl. W...