Kinabukasan ay nagising kami ng maaga ni Lorrain at matapos maligo at mag almusal ay bumyahe na kami pauwi kina ate Sarah at Papa Arnold.
Natulog lang sa byahe si Lorrain at kapag nagigising ay naglalaro at nanonood lang ng video sa iPad nito.
Buong byahe ay naka earphones lang ako at nakatingin sa bintana.
Nakarating kami pagkatapos ng ilang oras. Pagkababa namin ay sumakay agad kami sa isang tricycle.
"Ang ganda po dito,mommy. All I see is trees and flowers and no buildings" anunsyo ng bata. Sa totoo lang kanina pa s'ya nagsasalita.
Kinakabahan talaga ako sa kung ano mang pwedeng sumalubong sa'kin,pero nandito na e. Kailangan kong harapin 'to. Kailangan kong harapin ang gulong pinasok ko. Sana talaga hindi sila ganun ka galit sa'kin para mapanatag ang loob ko at para hindi mabigla ang bata.
Alas Dose na ng tanghali at hindi pa kumakain si Lorrain umiinom lang s'ya ng gatas. May dala akong mga perfume at mga damit at tsokolate at meron ding ulam na binili ko kanina lang.
"Dito lang po kami Manong, salamat. Ito na po ang pamasahe." inabot ko ang dalawang daan at binaba na si Lorrain.
"Mommy, are we going to visit someone?" she asked in her small voice.
"We're going to visit your lolo and tita and your cousin. Our family, baby" nginitian ko s'ya kahit kinakabahan ako.
Naglakad na ako dala ang madaming pasalubong. Nakadikit lang sa'kin si Lorrain habang umiinom ng gatas sa kanyang maliit na tumbler, noon paman ay ayaw n'ya sa babyron. Hindi ko alam kung kanino n'ya nakuha ang ganyan.
"T-tao po, A-ate, K-kuya, P-papa. N-nandito po ba kayo, nandito napo a-ako." nanginginig ang boses ko at hindi ko ito mapigilan.
"Tao po-" biglang bumukas ang gate at bumungad saakin si Ate.
Napatakip s'ya sa kanyang bibig at agad akong niyakap.
"Larah, totoo ba'to? Nagbalik kana. Saan kaba nagpunta? Alam mo bang nag-alala kami ng sobra. Hinanap ka namin. Si papa hinanap ka n'ya kung saan saan. Ano ba ang nangyari? Sana sinabi mo, bakit bigla ka nalang nawala?" sunod sunod na sabi ni Ate habang humahagolhol."A-ate, p-patawarin n'yo ako. H-hindi ako naging mabuting anak. Hindi ako naging mabuting kapatid at hindi ako naging mabuting fiancě." sabi ko habang umiiyak dahil hindi ko mapigilan ang mga luha ko.
"Pinag-alala mo ako, kami. Kung saan saan ka namin hinanap. Halos gumuho ang mundo ni papa." hagulgol parin ni Ate.
Bumuhos ang mga luha ko na matagal ko nang kinikimkim. Miss na miss kona sila.
"Ate, patawarin mo ako. Patawarin n'yo ako" hagulhol ko narin.
"W-why a-are you crying mommy?" naluluha nadin ang anak ko. "Y-you are b-bad, you made my mommy cry" tinuro nito si Ate at tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha.
Agad na kumalas si Ate sa yakap at lumuhod para maging kapantay si Lorrain.
"Ako ang tita mo,ha" Pinunasan ni Ate ang luha ng bata. "Ako si Tita Sarah, ikaw anong pangalan mo?" masuyo ang boses ni Ate at pumapatak parin ang kanyang luha.
"My name is Lorrain po, tita Sarah?" Hindi s'ya sanay banggitin ang huling linya, kaya parang nagtatanung ang kanyang pagkakabigkas nito.
Hindi ko mapigilan na mas lalong tumulo ang luha habang nakikita ang magtita sa harapan ko.
Pinagkait ko sakanila ang bata. Alam kong mali lahat ng nagawa ko. At pinagsisisihan ko iyon.
"Do you want to meet your Lolo?" ate asked my baby.
BINABASA MO ANG
MY FIRST AND LAST LOVE
RomanceHere is a story about a woman named Larah. She is beautiful and confident in everything she does. She is proud of herself and can accomplish difficult tasks through hard work. She does not easily give up on something until she achieves the desired r...