Stone H E A R T

179 12 10
                                    

Stone Heart.

A one shot story by xprdfilam.

Don't expect anything, this is my first One Shot Story. Hope you'll like it! :") Please vote/like and comment! :* You can play the video there in Media. :")

—x

"Pare okay na ba yan?" Tanong ko kay Spring. Nandito kami ngayon sa base namin, may nakita kasi kaming isang babae sobrang sugatan siya kaya dinala namin siya dito sa balwarte namin.

"Hindi pa, wala pang malay." sagot ni Spring. Alam kong di agad-agad malulunasan ang sugat nun pero bakit wala siyang malay? Nakipaglaban din ito?

Ako si Ty, ang leader ng Climate Gang, isa sa pinaka magaling na gang group dito sa Pilipinas. Hindi namin ina-asahan na masasama kami sa isa sa pinaka magaling na gang group dito sa Pilipinas, kaya naman pinagbubutihan namin ang bawat laban namin, mapa-Under ground battle pa 'yan.

Nagsimula ang gang namin sa'kin, hanggang sa makilala ko na sila Winter, Autumn, Blizzard, Cloud at Sum. Maliit lang ang samahan namin pero maraming natatakot sa amin. Marami narin kaming nakalaban isa na dun ang Black Sky, na hanggang ngayon ay hindi parin matanggap ang pagkatalo nila.

"S-ssino ka?" Nagulat ako sa nagsalita. Yung babaeng tinulungan namin ay gising na pala. Pumunta ako sa hinihigaan niya.

"Ikaw, sino ka?" tanong ko sakanya. Medyo nagtataka siya kung bakit siya nandito sa lugar namin.

"Binalik mo ang tanong ko sa'kin," mahina niyang sabi pero syempre narinig ko 'yun.

"Ty," narinig kong sabi ni Spring. Medyo nakakainis na ang babaeng 'to, gusto ko ng palayasin kaso nakakaawa naman siya.

"Rain ang pangalan ko, at ikaw si Ty?" Pano niya nalaman ang pangalan ko? Rain ang pangalan niya? Parang pamilyar.

"Oo," tipid kong sagot.

"Parang pamilyar ang pangalan mo," sabi ko sakanya.

"Nakalaban niyo na ang Black Sky?" nagulat ako sa sinabi niya. Bakit niya alam ang tungkol dun? Kasali ba siya dun? O babae siya ng isa dun?

"Kaanu-ano ka nila?" tanong ko sakanya.

"Wala, nabalitaan ko lang ang tungkol dun" sabi niya sa'kin.

Nagpatuloy lang kami sa pagu-usap hanggang sa malaman kong may gang group din siya ang Stone Gang. Mga babae lang ang kasali dito sa pagkaka-alam ko, at si Rain ang leader ng group na ito. Napag-alaman ko ding galit ang group niya sa Black Sky, sino ba namang hindi magagalit sa pipitsuging group na 'yun? Walang ginawa kundi manggulo ng group.

Umalis na siya, kailangan daw niya dahil kailangan siya ng grupo niya. Pinayagan nanamin siyang makaalis pero sinigurado namin ang pag-alis niya, baka kasi may makakita sakanya na nanggaling dito. Kinuwento nadin niya sa'kin ang tungkol sa mga sugat niya, galing pala 'yun sa mga kalaban niya.

Ang mundo ng mga gangster ay hindi madali, lalo na't kapag ikaw ay naging Mafia Boss. Maraming nakapaligid sayo, hindi lang isa kundi marami. Maraming gustong makakuha ng pwesto mo. Maraming gustong manira sayo, dahil sa kainggitan. Maraming gustong kumalaban sayo, dahil alam nilang magaling ka at gusto ka nilang subukan kung hanggang saan ang galing mo.

Lumipas ang ilang linggo, laging magkasama ang grupo namin at ni Rain. Gumagawa kami ng plano para sa Group Battle Fighting Boy Girls vs. Boys Girls. Hanggang sa mag-gabi magkakasama parin kami dahil nalalapit na ang laban na ito.

Pauwi na ako sa amin, madilim sa nilalakaran ko. Mag-isa lang ako dahil umuwi na ang iba kong kasama, hindi ko nadala ang kotse ko kaya eto ako naglalakad. Naramdaman kong parang may sumusunod sa'kin ng-

Stone Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon