Chapter 1 (Request)

74 4 2
                                    


"Real, napakatagal!"

"Sandali lang!" sigaw ko.

Nananalangin ako sa Diyos na sana ay kumasya pa sa 'kin ang pantalon ko. Halos pitpitin ko na ang pwet ko na sobrang laki na tinalo pa ang globe sa kalakihan. Bumilang ako ng isa hanggang tatlo bago ako tumalon kasabay nang pagtaas ko sa pantalon. Nagpakawala tuloy ako ng malalim na hininga dahil successful kong nasuot ang pantalon. Ininat ko pa ang pwetan para masigurong hindi ito mapupunit.

Buti na lang ang strechy siya kaya no probs. Naramdaman ko naman ang pagsakit ng palad ko sa kakataas ko ng pantalon.

Beauty is pain talaga!

"Ang tagal mo naman, Real."

Pinalo ko siya sa braso. "Walang hiya 'tong pants ko! First day na first day ko sa trabaho at pinapahirapan ako." angil ko.

Hinila na ako ni Iris dahil male-late na kami sa trabaho. Sa isang coffee shop kami nagtatrabaho. Oo, kami dahil 'di kami pumayag na hindi kami magkaparehas ng matatrabahuhan.

"Unang araw palang pero feeling ko tanggal na tayo." bulong pa nitong walang hiya kong best friend.

Gosh! It's seven in the morning at nine am pa ang pasok namin. Excited na excited siya, 'di niya alam na dito na magsisimula ang kalbaryo niya sa buhay.

Kaka-graduate lang namin last month. Parehas na Bachelor in Hospitality Management ang kinuha namin. Magkaiba lang kaming school dahil hindi ako tinanggap sa pinapasukan niyang school dahil mababa ang average ko. Hayup!

Pero atleast magkatabi lang ang school namin. Halos araw-araw kaming nagkikita kasi nga iisa lang naman ang bahay namin!

Kumuha kami ng maliit na bahay dito sa Taguig City. 'Yong sakto lang sa budget namin. May maliit na sala at kusina. May dalawang kwarto para sa privacy naming dalawa at isang malinis na CR.

Mag-isa na lang ako sa buhay simula nang tumuntong ako ng college. May magulang ako, ah. Baka isipin niyo wala... pero kasi parang gano'n na dahil 'yong tatay ko ay nalulong sa droga at natigok. May kapatid akong mas matanda sa 'kin at nakakulong dahil nahuli sa buy bust operation. 'Yong nanay ko naman ay nasa abroad at mahigit limang taon nang hindi umuuwi!

Pagtapak ko ng grade eleven ay doon na siya nagsimulang hindi magparamdam. Kina-usap niya pa ako na huwag na raw niya akong tawagan at dahil masunurin ako ay sinunod ko siya. Kahit masakit ay tinanggap ko na. Alam niyang ako na lang ang natirang may pag-asa dito sa pamilya niya.

Akala ko pa nga noong una ay gusto niya mag-abroad para umangat kami sa buhay pero hindi. Imbis na siya ang nagpapadala ay ako pa. Tapos mababalitaan ko na may pamilya na pala siya roon. 'Yong pagod ko sa pag-aaral at pagtatrabaho ay bumalik sa 'kin kasi para akong bumubuhay ng ibang pamilya kaya tinigil ko na.

Ang tatay at ang kapatid ko ay nalulong sa droga. Bata palng ako, namulat na ako sa reyalidad. Nagtatrabaho ako habang nag-aaral. Mas pinili kong lumayo sa kanila kasi drained na drained na ako sa oras na 'yon. Kung anu-ano pang mga masasakit na binibitaw nila sa 'kin. Kesyo wala raw akong kwenta at madamot ako sa pera. Hindi nila alam na dahil sa 'kin ay nagagawa pa nilang sumingot. Umiwas ako sa kanila.

Ewan ko ba pero nang mabalitaan kong namatay at nakulong sila sa operation ay hindi man lang ako lumuha. Siguro kasi naubos na ang lahat ng luha ko kakaisip kung paano sila papabaguhin.

Mabuti na nga lang at nandito si Iris para tulungan ako. Nand'yan siya noong nilibing ang tatay at no'ng nakulong ang kapatid ko. Simula no'n, na-realize ko kung ano ba ako sa buhay ni Iris.

Mayaman ang pamilya nila Iris. Ikaw ba naman may tatay na kurakot na senador, ewan ko na lang kung maghihirap ka pa.

Si Iris mismo nagsabi nan sa 'kin kaya mas pinili niyang umalis sa puder ng pamilya niya. May kambal pala siya at si Isabelle 'yon. Si Isabelle naman ay naiwan doon dahil mas gusto niyang kasama raw ang pamilya niya. 'Di niya raw kayang iwan kasi papasok din siya sa politika.

Stream for Love (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon