Chapter 4 : Seven days of nothing

62.1K 3.1K 1K
                                    

4.

Seven days of nothing

Third Person’s POV

ONE WEEK LATER.

 

“Ma! Nakita mo ba ang ipod ko?!” Umalingawngaw ang sigaw ni Ponzi sa buong bahay nila. Hindi mapalagay ang binata, panay ang paghalughog niya sa bawat sulok ng kwarto dahilan para magkalat ang kanyang mga damit at gamit sa sahig ng kwarto.

“Tingnan mo sa kwarto ni Kikoy, baka hiniram niya!” Sigaw pabalik ng ina na nagluluto pa sa kusina kaya napabuntong-hininga na lamang si Ponzi at tumayo habang marahas na kinakamot ang ulo.

Bago tuluyang lumabas mula sa kanyang kwarto ay napasulyap si Ponzi sa iilang mga litratong nakadikit sa kanyang pader. Narito ang mga litrato niya kasama ang pamilya, sina Ford, sina Dustin at isang Polaroid kung saan kasama niya si Sisa at kapwa sila nakaakbay sa isa’t-isa habang pabirong ngumingiwi.

Nang maalala ang dalaga ay napasulyap si Ponzi sa kanyang cellphone. Matapos ang ilang sandali ng pag-iisip, umiling-iling si Ponzi saka muling napabuntong-hininga. “Hindi.. Maayos na ang buhay niya. Nakabalik na siya sa kanila.” Aniya saka nagtungo na lamang sa kwarto ng nakababatang kapatid.

“Kikoy kinuha mo na naman ba ang ipod ko?” Pagpasok pa lamang ni Ponzi sa kwarto ng bata ay nagtaka siya nang makita niyang wala ito sa loob.

Nagsimulang maghanap at maghalungkat si Ponzi sa kwarto ng kapatid. Hinanap niya ang Ipod sa kama at bag nito ngunit wala. Binuksan niya ang ilaw at tiningnan ang bawat sulok ng sahig at mga gamit sa pagbabakasakaling nalaglag lamang ito ng kapatid pero nagtaka siya nang may mapansing kakaiba. Habang naghahanap ay may nakita siyang iilang hibla ng mga buhok—Kulay pulang buhok.

Itinaas ni Ponzi ang mga hibla at tinitigan ng mabuti. “Buhok ba to?” Mahina nitong sambit saka isa-isang pinagmasdan ang mga laruan ng kapatid na tila ba hinahanap kung saan ito nanggaling.

Biglang nakarinig ng ingay ang binata mula sa aparador kaya agad niya itong nilapitan at binuksan. Laking gulat niya nang madatnan sa loob si Kikoy. Nakikinig ng musika mula sa Ipod habang yakap-yakap ang kanyang teddy bear. Para itong takot at nagtatago.

“Kikoy anong ginagawa mo diyan?!” Agad na kinarga ni Ponzi ang nakababatang kapatid.

Hindi kumibo ang bata, sa halip ay yumakap lamang ito sa kanya. Labis ang pagtataka at pag-aalala ni Ponzi lalo na’t hindi ito ang unang beses na nadatnan niya sa ganitong sitwasyon ang kapatid.

*****

"Kikoy kainin mo yang Bacon mo, sige ka uubusin yan lahat ni Kuya Ponzi mo." Biro ng ama nang mapansing hindi na naman ginagalaw ng bata ang pagkain niya.

"Dad patay-gutom ba talaga ako sa paningin mo?" Biro ni Ponzi na maya't-mayang napapasulyap sa kapatid na tila ba walang gana sa kinakain.

"Boys, stop using mean words." Paalala ng ina sa kanila kaya nagtawanan na lamang ang mag-ama. "Kikoy anak, masama na naman ba ang pakiramdam mo? Ba't ba parati ka nalang walang ganang kumain?" Nag-aalalang sambit ng ina habang hinahaplos ang noo ng bata.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon