Chapter 24

137K 2.7K 133
                                    


Chapter 24
Shut Up

Nang makapagshower na ako't nakapagpalit na ng pantulog ay narinig kong tumunog ang aking doorbell.

Mabilis kong tinungo ang pintuan at binuksan ito na agad namang bumungad sa akin si Isaac na mukhang nag-aalala.

"I thought hindi ka pa nakakauwi. You're not answering my calls. Nag-alala ako." sunod-sunod nyang sabi.

"Uh.. I took a shower. Nasa kwarto ang phone ko, papasok palang sana ako nang magdoorbell ka." pag-eexplain ko.

Ngumiti naman sya't tumango. "I'm so relieved when I saw you." aniya. "Sige na. Magpahinga ka na. Okay na sakin ang makitang okay ka." sabi nya't agad ng pumunta sa kanyang kwarto.

Ilang sandali pa akong napatunganga sa harap ng pintuan bago ko ito sinara at pumasok sa kwarto ko upang makatulog na.

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang pumasok sa trabaho.

Nang bubuksan ko na ang pinto ng unit ko ay kasabay naman non ang pagdoorbell ni Isaac.

Ngumiti sya sa akin at pinakita ang susi ng kanyang kotse. "Sabay na tayo." aya nya at bago pa ako makaangal ay agad na nya ako hinatak papuntang elevator.

Nang maipasok na nya ako sa kanyang kotse ay naisip kong kailangan ko nalang makisakay sa kanya because he's a friend of mine.

Honestly, I find it awkward to be with him lalo na't nalaman ko na ang tunay kong nararamdaman. That I'm still not moved on at baka magawa ko lang syang rebound. Baka masaktan ko lang sya na ayaw ko namang mangyari.

"Did you already ate breakfast?" tanong nya sa akin habang nagmamaneho.

"Hmm.." umiling ako at saka sya hinarap. "Not yet. Sa resort nalang ako kakain." sabi ko nalang.

"No. You're gonna eat right now." aniya't agad na niliko ang sasakyan sa drive thru ng Mcdo. "What do you want to eat?" tanong nya sa akin nang kami na ang susunod.

"Hmm, burger and large fries." sabi ko nalang at hinalughog ang bag ko upang makuha ang wallet ko.

"Two burgers, large fries and a two pieces chicken, large coke." sabi nya sa kumukuha ng order at bago ko pa maibigay sa kanya ang wallet ko ay agad na nyang ibinigay ang pera nya sa babae.

"Magkano yung akin, Isaac? I'll pay you." sabi ko habang inaalala kung magkano nga ba ang mga presyo ng pagkain dito sa Mcdo.

Hindi na kasi ako nakakakain sa mga fast foods dahil lagi akong sa bahay kumakain or sa restaurant nila.. Josh nung nasa Manila pa ako. Ngayon naman dito sa Davao ay nagluluto ako ng sarili kong pagkain at kapag fast food naman ay Jollibee ang laging dinadala ni Isaac sa condo.

"No, thanks." ngisi nya sa akin at pinaandar na ang sasakyan upang makuha ang order sa kabila.

Binuksan nyang muli ang bintana't kinuha ang mga order saka agad na ibinigay sa akin ang burger at fries.

Nagpark sya muna sandali at mabilis nyang kinain ang burger nya at mabilis na uminom sa coke saka nya muling pinaandar ang sasakyan.

"Sayo yung chicken." aniya habang nagd-drive. "Kainin mo nalang mamaya sa office para may pagkain ka na kung sakaling magutom ko." concerned nyang sabi sa akin.

Kinuha nya ang cellphone nya sa dashboard na parang may tinignan lang at saka binalik muli doon nang nakakunot ang kanyang noo.

Kinagat nya ang kanyang ibabang labi at diretso lang ang tingin sa daan.

"Uhm, may problema ka ba?" nag-aalangan kong tanong sa kanya dahil pansin kong mukhang iritado't problemado sya sa kanyang ekspresyon.

Medyo gulat nya akong nilingon at saka ngumisi. "None. Why would I have a problem?" sagot nya sakin.

Shouldn't Have SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon