A/N : UPDATE PO ULET !! ^__^
VOTE AND COMMENT LANG PO
DARA'S POV
kailangan ko na pa lang magaral para bukas. Kasali kase ako sa quizbee sa school sya nga pala hindi ko pa nga pala nasasabe sa inyo ang pangalan ng aking Alma Mater.
nagaaral ako ngayon sa South East Asian Academy. 4th year high school student.
Dakilang transferee nga pala ako. Pang limang lipat ko na to ng school ngayon since elementary pa ko. Pero ngayon mukhang sure na talaga ako dito. kailangan ko kase talagang magpalipat lipat ng school e. Sa ibat ibang lugar kase nadedestino si daddy kaya pati ako damay.
ayaw nya kase akong iwang magisa. Nagiisang anak lang ako. Si mommy naman e kinuha na ni lord mga 2 taon na ang nakalilipas. naalala ko tuloy yung phone ko T__T . kahit na sira sira man ang itsura nun. ginagamet ko talaga.
Yun kase yung phone na gamet nya na pinantawag nya saken bago sya mamatay. namatay si mommy dahil sa isang car accident. papunta sana sya sa school ko para umattend ng ceremony kung saan aawardan ako pero hindi ko alam na ganun ang mangyayare..
kung alam ko lang. sana hindi ko na lang sya pinilit na puntahan ako.
kaya napakahalaga talaga saken ng phone na to .. ala ala to ni mommy
at ngayon.. eto .. nasira
.. dahil sa katangahan ko..
.. nakauwi na ako sa bahay.
As usual, pagdating ko walang tao sa bahay. gabi na kase umuuwi si daddy . kaya naman tulog na ako pag dadating na sya.
..nagiwan ng note si Daddy sa mesa
" nak, aalis muna ako. mga isang linggo din akong mawawala. may kailangan lang akongasikasuhin. Nagiwan na ako ng pera para sayo iwithdraw mo na lang .tawagan mo ko pag nabasa mo na to. mamimiss kita princess, magingat ka dyan ha?" - daddy
tinawagan ko agad si Daddy
" hello dy, nabasa ko na yung note mo." - dara
" pasensya ka na anak at hindi ako nakapagsabe sayo agad. biglaan kase tong trip namen ." sabi ni daddy
" ok lang po. wag mong kakalimutan yung pasalubong ko daddy " sabi ko pa
" sure anak, basta magpakabaet ka dyan ha? uuwi din ako agad. Love you anak " sabi ni daddy
" love you too dy " sabi ko sabay baba ng phone
ako na naman magisa dito ngayon. sanay naman na ko . kase kung magtatampo ako kay daddy dahil sa kung anong sitwasyon namen e wala ding magbabago. ganun talaga siguro ?
mahirap magpalaki ng anak nang wala kang katuwang. kaya mahal na mahal ko ang daddy ko.
Kahit kelan hindi ko naramdaman na may kulang saken. Lahat ng mga bagay na gusto kong gawin sinusuportahan nya. kaya naman pinagbubuti ko ang pagaaral ko para sa kanya.
nagsimula na akong magral.
kailangan kong pagbutihan. gusto ko kaseng ipakita sa kanila kung sino talaga ako pagdating sa academics.
wala naman kaseng may gusto na sumali. nahihiya man ako mag volunteer, pero ginawa ko pa din.
gusto ko naman kaseng may mapatunayan sa kanila.
gusto kong patunayan na..
walang masama sa pagiging nerd..
mga past 2 am na pala ..
BINABASA MO ANG
Full TiMe NerD
Teen FictionNerd?? yan ang tawag saken ng mga schoolmates ko. lage daw kase akong nakaharap sa libro. sabagay totoo naman. BECAUSE IM A FULL TIME NERD