Take my hand (Part I)

110 20 8
                                    

"Hoy kambal!!"  sigaw ko sa dalawang kambal na kanina pa titig na titig sa crush nila. Paano parehas panaman sila ng gusto.

Huh bakit ba hindi nalang nila ako gayahin, NBSB,

no boyfriend since break up. hehehe

"Pakialamera ka talaga kahit kailan!!" sigaw sa akin ni Marie.

"palibhasa nong nag break up sila ng boyfriend niya, naging ganyan na yan."  sabi naman ng kambal niya na si Mary.

Umupo ako sa may upuan doon at sumilip sa bintana.

"Wag niyo na ngang banggitin yan, ayoko ng maalala ang lalaking yun."  Sabi ko habang hindi nakatingin sa kanila.

Maya maya pa narinig na namin ang boses nina Rose at louren.

"HI KAMBAL!!"  sigaw ni Rose sabay lapit sa kanilang dalawa.

Lumapit si Louren sa akin at umupo sa tabi ko. Alam niya iniisip ko.

Ang totoo ang apat na ito ay mga kaibigan ko. Lagi ko silang kasama araw araw, pag absent ang isa absent lahat. Ganyan kami.

"uyyy alam niyo ba ang balita?? may bago na naman daw na heart throb ang school natin. Transferee daw."

"Talaga!!" sigaw naman nina Marie at Mary. Halatang halata na excited silang makita ang lalaking yun. HUH!!

"Oo, ano tignan natin??"  anyaya naman ni Rose.

"Oo ba!!, ano sama kayo??" tanong ni Marie sabay tingin sa amin.

"Sige sama kami! wala naman kaming gagawin dito.." sabi naman ni Louren sabay tayo. 

Hinila nila akong apat.. kaya wala akong nagawa.

Naglakad na kami papunta sa kung saan naroroon ang lalaking sinasabi nila. sigurado akong pangit ang lalaking yun. Iba kasi ang mata niyang si Rose.

Naglakad na kami hanggang sa nakita naming may mga babaeng nagtutumpukan, hindi ko naman alam kung ano yun kaya lumapit kaming lima.

Sinilip namin kung sino o kung ano yun. wala akong nakita kung hindi isang lalaki.

Umalis ako at hindi na tinignan kung sino yun, ang init init kasi at ang ingay ingay pa. Paano ba naman nag sisisgawan pa sila. 

Umupo na ako sa may upuan doon at hinintay sina Marie.

Nakita ko yung apat na sumisigaw at tumakbo papunta sa akin.

"KYAAAHHH!!!"  sigaw nilang apat.

"Anong nangyayari sa inyo para naman kayong hinahabol ng isang multo o aswang." 

"KYAAAHHH!! ang gwapo niya!!"  sigaw naman ni Rose.

"Sino??" tanong ko sa kanila.

"yung bagong heart throb ng school natin!!"

"Ha??" Nagtatakang tanong ko. Sino kaya ang lalaking yun??

"Ang gwapo niya." sabi naman ni Louren at umupo na siya sa tabi  ko.

"Hindi mo ba siya nakita?? sayang.. baka magustuhan mo siya at makalimutan mo na ang lalaking sumakit ng damdamin mo."  sabi naman ni Mary.

"Huh!! baka nga!!"  sabi ko nalang at tumayo na. 

"Pumasok na tayo."  sabay akbay ko kay Mary at Louren.

Sino kaya ang lalaking yun?? gwapo ba talaga siya?? sigurado akong hindi siya mabait.

Naglakad na kami papunta sa classroom namin. Umupo ako doon sa may pinakalikod, doon kasi ang pwesto ko. at saka malapit yun sa bintana.

Dumating na rin yung teacher namin at tumayo kaming lahat at ginreet siya.

Black Pearl (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon